PONOLOHIYA ang tawag sa maagham na pagaaral ng

  • Slides: 37
Download presentation
PONOLOHIYA -- ang tawag sa maagham na pagaaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong

PONOLOHIYA -- ang tawag sa maagham na pagaaral ng tunog -- pinag-aaralan ang wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung

Ponetiko – ang galaw at bahagi ng katawan ng tao saklaw sa pag-aaral kung saan isinagawa ng tunog sa pagsasalita o wastong pagbigkas. Ponema – ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika ( Phoneme) phone -- tunog eme -- makabuluhan

Ponema – -- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring

Ponema – -- tumutukoy ito sa makabuluhang tunog – ang bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng isang salita Hal. Nasa- pasa -- Maari ring di makapagpabago – Malayang nagpapalitan Hal. Babae-babai; lalake-lalaki

2 URI NG PONEMA ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 /

2 URI NG PONEMA ponemang katinig – binubuo ng 16 na ponema– 16 / b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /ng/, /w/, /y/, / ˆ/, /’/, /‛/ ponemang patinig - ayon sa mga linggwista at ilang mananaliksik, tatatlo lamang patinig ng Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang fonemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa kastila at english.

Allophone- ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan

Allophone- ang tunog na /e/ at /i/ o /o/ at /u/ ay malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita HALIMBAWA: babai -- babae lalaki --- lalake ali --- ale bukol - bokol tono --- tuno

Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a, e, I,

Diptonggo/ Malapatinig – tumutukoy ito sa pinagsamang tunog ng isang patinig /a, e, I, o, u / at tunog ng isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw, iw, ow, ay ey, oy, uy) Hal. araw, ayaw, baboy, aliw, sisiw, kahoy, tuloy, sawsaw, kasuy, wow, bahay, kalay, gulay

Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang

Klaster o Kambal Katinig– ito ay magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig sa iisang pantig; matatagpuan ito sa– inisyal, sentral, pinal Hal. Blusa, kwento, hwag, traysikel transportasyon,

Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas

Pares Minimal – magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema. Hal. Pala-bala ; hari- pari; tali-bali

PONEMANG SUPRASEGEMENTAL § Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig. --

PONEMANG SUPRASEGEMENTAL § Tono – tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig. -- nakukuha ang mensahe ng kausap– nangangaral, naiinis, nang-iinsulto, nagtatanong, nakikiusap o nag-uutos. § Haba- tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig. § Diin § tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang-diin. Antala/ Hinto/ Pagtigil – saglit na pagtigil

Impit na tunog o Glotal sa Pasara – ang ponemang ito ang bukod tanging

Impit na tunog o Glotal sa Pasara – ang ponemang ito ang bukod tanging inirerepresinta ng titik o letra sa halip ay tuldik na paiwa ( ΄ ) para sa salitang malumi, tuldik na ( ˆ ) para sa salitang maragsa, kung ang tunog na ito ay nasa pusisyong pinal ng salita at kung minsan inireprisinta rin ito ng gitling kung ang tunog na ito ay nasa gitna ng salita sa pagitan ng panlapi o salitang nagtatapos sa katinig at ang kasunod na salita ay nagsisimula sa patinig. Ang mga salitang natatapos sa tunog na impit at tinatawag na malumi at maragsa tulad ng mga halimbawa: Salitang Malumi Salitang Maragsa 1. bata ΄ - child pipi ˆ - fattened 2. nasa ΄- desire, wish tala ˆ - list, note

Ang Prinsipal na sangkap ng Pananalita Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon o presyur

Ang Prinsipal na sangkap ng Pananalita Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas na hiningang galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang nagiging patunugan o resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at guwang ng ilong.

Ang bibig ng tao ( tingnan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na

Ang bibig ng tao ( tingnan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog. 1. Dila at panga ( sa ibaba) 2. Ngipin at labi ( sa unahan) 3. Matigas na ngala ( sa itaas) 4. Malambot na ngala ( sa likod)

TSART NG PONEMANG SEGMENTAL NA KATINIG Punto Paraan ng Pagbigkas o Artikulasyon Panlabi (bilabial)

TSART NG PONEMANG SEGMENTAL NA KATINIG Punto Paraan ng Pagbigkas o Artikulasyon Panlabi (bilabial) Pasara: w. t. Pasara: m. t. p b Pangngipin ( dental) Malapatinig: m. t. Artikulasyon Pangngalala Matigas (palatal) Malambot (velar) n m Panlalam unan (Larinjal) k g s Pailong: m. t. (nasal) Pangalatal: m. t. (flap) Panggilagid t d Pasutsot: w. t. (Fricative) Pagilagid: m. t. (lateral) ng l r ? h ŋ (ng) Impit (glottal)

Punto ng Artikulasyon– tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisasagawa ang pagbigkas sa

Punto ng Artikulasyon– tumutukoy sa kung anong bahagi ng bibig naisasagawa ang pagbigkas sa ponema Paraan ng Artikulasyon– pagbigkas sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o ilong.

TSART NG SEGMENTAL NG PONEMANG PATINIG Ayos ng Bahagi Dila Harap mataas i gitna

TSART NG SEGMENTAL NG PONEMANG PATINIG Ayos ng Bahagi Dila Harap mataas i gitna mababa ng Sentral e Dila likod u o a

O M P R L O H O YI A Ito ang tawag sa

O M P R L O H O YI A Ito ang tawag sa pagaaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbubuo ng mga ito sa salita. Tinatawag din itong palabuuan.

MORPEMA Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

MORPEMA Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. May tatlong uri ng morpema– istem/salitang-ugat, panlapi at morpemang binubuo ng isang ponema.

Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang walang panlapi. Ang mga ito ay

Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang walang panlapi. Ang mga ito ay maaring pangngalan, pang-uri at pandiwa. Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat nalalamang kahulugan nito kapag naisama na ito sa istem. Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang nabubuong salita ay pangngalan; panlaping makauri, kapag ang nabubuong salita ay pang-uri at panlaping makadiwa, kapag ang nabubuong salita’y pandiwa.

MORPEMANG BINUBUO NG ISANG PONEMA Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila –

MORPEMANG BINUBUO NG ISANG PONEMA Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila – senado/ senadora; mayor/ mayora • sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae — barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.

Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin ng mga bagong salita sa

Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pag-uulit at pagtatambal ng mga salita. Ø Pag-uulit-- may tatlong paraan a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig lamang inuulit. Hal. babasa, susulat, aawit b. Ganap na pag-uulit– buong salitang-ugat ang inuulit. Hal. Arawaraw, gabi-gabi c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal. Tutulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis Ø Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang dalawang salitang pinagtambal para makabuo ng isang salita. a. Malatambalan-- hal. Tsaang-gubat, bahay-ampunan b. Tambalang-ganap— hal. Bahag+hari=rainbow; balat+sibuyas= maramdamin

PAGBUBUO NG MGA SALITA 1. Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi

PAGBUBUO NG MGA SALITA 1. Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang 0 ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan. hal. Tubig ma-+tubig = matubig (maraming tubig) pa-+tubig = patubig (padaloy ng tubig) tubig+-an= tubigan (lagyan ng tubig) tubig+-in = tinubig (pinarusahan sa tubig)

2. Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang -ugat. Pag-uulit

2. Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang -ugat. Pag-uulit na ganap hal. Taon taun-taon bahay-bahay Pag-uulit na Parsyal usok uusok balita bali-balita Pag-uulit na parsyal at ganap sigla saya masigla-sigla masaya-saya

3. Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na pinagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat.

3. Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na pinagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat. a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita hal. Taong- bundok, kulay- dugo b. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang salita hal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw c. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita hal. Bahay-aliwan, silid- aralan d. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang salita hal. Batang-lansangan, kahoy- gubat e. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salita hal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw

v Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na maaaring makalikha ng ikatlong kahulugan hal. basag +

v Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na maaaring makalikha ng ikatlong kahulugan hal. basag + ulo = basagulo anak+ pawis = anakpawis dalaga+ bukid = dalagambukid

SINTAKS Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga preys

SINTAKS Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga preys at mga sentens. Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga rul at mga kategori na syang batayan ng pagbubuo ng mga sentens. Pag-aaral ng straktyur ng mga sentens. 1 a. * binulsa ko ang mabangong panyo 1 b. * bumulsa ko ang mabangong panyo 1 c. * Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

PARIRALA AT SUGNAY Sugnay -- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at

PARIRALA AT SUGNAY Sugnay -- isang lipon ng mga salitangmay simuno o paksa at panaguri -- buo o hindi buo ang diwa. 1. Sugnay na makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o kaisipan. Hal. Ako ay nakahiga, nang siya’y umalis. 2. Sugnay na di-makapag-iisa – di buo ang diwa hal. Kung ako’y mayaman, hindi na ako magtatrabaho. • Parirala -- lipon ng salita na walang paksa o simuno at panaguri at wala ring buong diwa o kaisipan.

PANGUNGUSAP Isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. 2

PANGUNGUSAP Isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. 2 Bahagi ng pangungusap Karaniwang ayos – nauuna ang panaguri Di- karaniwang ayos– nauuna ang paksa sa panaguri. (ay)

ANYO NG PANGUNGUSAP 1. Payak na pangungusap– binubuo ng isang paksa at isang 2.

ANYO NG PANGUNGUSAP 1. Payak na pangungusap– binubuo ng isang paksa at isang 2. panaguri na may iisang diwa a) May payak na paksa at payak na panaguri. Hal. Pinsan ko po siya. b) May tambalang paksa at payak na panaguri. hal. Nagsusulat ng komposisyon ang guro at ang mga mag-aaral. c) May payak na paksa at tambalang panaguri hal. Ang mga bata ay nagsasayaw at umaawit. d) May tambalang panaguri at tambalang paksa. hal. Namimili ng paninda sa ibang bansa at nagbebenta sa Pilipinas sina Aling Nena at Menchie.

2. Tambalang Pangungusap -- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap. -- dapat

2. Tambalang Pangungusap -- binubuo ng dalawang magkatimbang na payak na pangungusap. -- dapat magkaugnay ang mga ito at nagkakaisa sa kahulugan. Pandugtong = pangatnig = at, o, pero, ngunit, subalit o datapwat , : , ; 3. Hugnayang Pangungusap -- Binubuo naman ito ng dalawang sugnay. -- Buo ang diwa ng isang sugnay, habang isang sugnay ay hindi Pandugtong = dahil, kung, kapag, nang, sapagkat, upang at iba pa.

PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP 1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga- pa, ba, man, naman, nga,

PAGPAPAHABA NG PANGUNGUSAP 1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga- pa, ba, man, naman, nga, pala at iba pa. 2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring = na at ng 3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kumplemento -- tinatawag na kumplemento ang bahagi ng panagui na nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa. a. Kumplementong tagaganap– pinangungunahan ito ng panandang ng at mga panghalili nito. hal. Itininda ng kaibigan na babae ang bestida.

b. Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwa Pananda– para sa,

b. Kumplementong Tagatanggap-- kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwa Pananda– para sa, para kay, at para kina. hal. Nagpaluto ng pagkain si Louie para sa mga bisitang darating. c. Kumplementong Ganapan– Pananda– sa hal. Nagpiknik sila sa tabing ilog. d. Kumplementong Sanhi – Isinasaad dito ang kadahilanan ng pangyayari ng kilos ng pandiwa. Pananda– dahil, sa, kay hal. Dahil kay Rosa, nahuli ng dating si Nora.

e. Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay. Pananda – ng hal. Nagtinda ng sapatos

e. Kumplementong Layon – tinutukoy ang bagay. Pananda – ng hal. Nagtinda ng sapatos si Nanay. f. Kumplementong Kagamitan o instrumento-- tumutukoy ito sa kung anong instrumento o kagamitan ang ginagamit para maisakatuparan ang kilos ng pandiwa.

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal -- maaaring magtambal ang dalawang batayan o payak

4. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal -- maaaring magtambal ang dalawang batayan o payak na pangungusap sa pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat, subalit, saka at iba pa. Hal. Dumating ang kanyang guro sa kanilang bahay subalit nakaalis na ang kanyang mga magulang.

POKUS NG PANDIWA Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap. 1. Pokus

POKUS NG PANDIWA Tumutukoy sa kaugnayan ng pandiwa sa paksa ng pangungusap. 1. Pokus sa Tagaganap o aktor– kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap o nagsasagawa ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi– mag, um, mang, makapag, maka, at mag. Hal. Nagsulat ng tula si Perla.

2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa.

2. Pokus sa layon– kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon ng pandiwa. Panlapi– i-, -an, ma, ipa-, at –in Hal. Ipadadala ko na kay Lorna ang relong binili ko. 3. Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na pinangyarihan ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Panlapi-- -an, pag-, mapag, at pang- an/ han. Hal. Pinaglutuan ni Nena ng Bigas ang kawayan. 4. Pokus na Tagatanggap o Pinaglalaanan– kung ang paksa ng pangungusap ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos. Panlapi– I, ipang- , at ipag.

5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa ay kagamitan o kasangkapan ng

5. Pokus na kagamitan (Instrumental) -- kung ang paksa ay kagamitan o kasangkapan ng kilos. Panlapi– ipang-. Hal. Ipang-aasim ni Rosa sa sinigang sampalok. 6. Pokus sa Sanhi– nasa pokus sa sanhi o kadahilanan ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang sanhi o dahilan. Panlapi– ika-, Hal. Ikaliligaya ko ang pagtira sa iyong bahay. 7. Pokus Resiprokal– kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap o tagatanggap ng kilos. Panlapi-- mag-, at mag –an. Hal. Muling nagsumbatan ang magkaibigan.