Pokus ng Pandiwa Kahulugan Ito ang tawag sa




















- Slides: 20
Pokus ng Pandiwa
Kahulugan Ito ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Pokus ng Pandiwa Tagaganap Layon Ganapan Tagatanggap Gamit Sanhi Direksyonal Resiprokal
Pokus sa Tagaganap (aktor) ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa Halimbawa: Lumikas ang mga nasalanta ng bagyo.
Iba pang halimbawa Namitas ng mangga sa kanilang puno si Rudy. Umawit ng Lupang Hinirang Sunis.
Pokus sa Layon (gol) ang layon o object ang paksa ng pangungusap Halimbawa: Ginagawa niya ang kanyang takdang-aralin.
Iba pang halimbawa Ido-donate ko ang aking ipon. Inilabas na ang bagong Iphone.
Pokus sa Tagatanggap (benepaktib) tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa Halimbawa: Ipaglalaba ko ang aking nanay.
Iba pang halimbawa Ipagluluto niya ng kare ang mga panauhin. Ipaghahanda ko ng party ang aking kaibigan.
Pokus sa kagamitan (instrumental) ang bagay na ginamit o naging kagamitan sa pagganap ng kilos Halimbawa Ipansusulat ko ang bolpen na bigay sa akin.
Iba pang halimbawa Ipambibili ko ng damit ang sweldo ko.
Pokus sa sanhi ang sanhi o kadahilanan ng kilos ang paksa Halimbawa Ikauunlad ng bayan ang kasipagan ng mamamayan.
Iba pang halimbawa Ipinagkasakit niya ang labis na pag-inom ng softdrinks.
Pokus sa Resiprokal Ang pokus ay tagaganap pa rin ngunit may kahulugang resiprokal ang pandiwa sapagkat ang kilos ay ginaganap nang tugunan ng mga tagaganap. Samakatwid, laging dalawang indibidwal o dalawang pangkat ang pokus ng pandiwa.
Halimbawa Nagsulatan si Florante at Laura. Nagtulungan ang mga magkakapitbahay.
Pokus sa Ganapan (lokatib) ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinaggaganapan o pinangyayarihan ng kilos Halimbawa Pinaglanguyan ko ang batis na malapit sa amin.
Iba pang halimbawa Pinintahan niya ang pader.
Pokus sa Direksyunal pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o tinutungo ng kilos Halimbawa Pupuntahan natin ang bagyo.
Papasyalan niyo ang aming tahanan.
Sanggunian http: //www. germanlipa. de/text/aganan. htm Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago at Norma tiangco