Mga Bahagi ng Teksto Ano ang mga bahagi

Mga Bahagi ng Teksto

Ano ang mga bahagi nito? Panimula : Paksa at Tisis Katawan : Istraktura , Nilalaman at Wakas : Paglalagom at Kongklusyon Order

Panimula : Paksa at Tisis Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang papatunayan o pasisinungalingan.

Wika nga nina Bernales, et al. (2001) , maihahalintulad ito sa Display window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang abeylabol na paninda o haylayt na paninda. Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda sa paksang iyon.

Kung epektib ang pagkakasulat ng panimula, makakabuo agad ng hinuha ang mga mambabasa tungkol sa teksto at hindi sila malilihis sa tunay na nilalaman niyon. Kung magkagayon, magsisilbi itong isang malakas na pwersa upang ipagpatuloy nila ang pagbabasa sa teksto.

Sayang siya! Ang Kaya lang ganda pa naman ng Girls, look at pangit ng mukha nya. . katawan! her ! ……? ? Totally right!

Katawan : Istraktura , Nilalaman at Order Ang katawan ay hindi lamang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto. Nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto

Sa pagsulat ng Katawan ng Teksto : ü mahalagang maisaalang ang istraktura, nilalaman at kaayusan nito. Kailangan matukoy muna ang mahahalagang impormasyong dapat ipaloob doon. ü Samantala, ang Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto. Kaya kailangan na mapili ang wasto at angkop ang istraktura ng teksto depende sa paksa at mga detalyeng kaugnay nito. Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.

a. Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyon o detalyeng kailangan ilahad at talakayin sa katawan? b. Bakit iyon mahalaga at kailangan? c. Paano dapat ilahad ang mga impormasyon o detalyeng iyon?

Wakas : Paglalagom at Kongklusyon Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong maging makatawag- pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mambabasa. Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na maaaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan.

Sa pagsulat ng bahaging ito ng teksto, mahalagang magamit ang kasanayan sa paglalagom at pagbubuo ng kongklusyon. Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan. Ang kongklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa pagtatalakay sa teksto.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng wakas : ü Hindi dapat maging mahaba at maligoy ang pagwawakas ng teksto. ü Maari itong maging isang pangungusap lamang o isang naghahamong katanungan. ü Kailangan na maisaalang-alang kung angkop ito sa paksang tinatalakay sa layunin sa pagsulat at kung epektib ito sa pagiiwan ng inaasahang impresyon sa mga mambabasa.

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat

Mahahalagang Kabatiran sa Akademikong Pagsulat • Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na katanungan o larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga datos o impormasyong makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura.

• Ang isang akademikong papel sa antas kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2, 000 hanggang 3, 000 salita o 15 hanggang 20 pahina. • Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at pangangalap ng mga datos upang mapagtibay, maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan ang isang paksain.

Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong Pagsulat a. Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.

b. Malilinang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod, pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin. Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng c. impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangan salain at suriin para sa akademikong pagsulat.

d. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan. e. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan. f. Malilinang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.

g. Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat. h. Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon.

i. Matututunan din ninyo ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng mga impormasyong kapaki- pakinabang para sa inyong tinutuntong imbestigasyon.

MGA KASANAYANG MAHALAGANG MALINANG UPANG MAKABUO NG ISANG MAAYOS NA KONSEPTONG PAPEL 1. Mahalagang matutunan ang pagbuo ng isang konseptong papel bilang gabay sa masinop na pagsisiyasat at pananaliksik. 2. Mahalagang maisaloob ang sistematikong paghahanay ng mga ideya at ang pag-uugnay sa mga ito bilang batayan ng mga obserbasyong bubuuin.

3. Mahalagang matutunan ang kasanayan sa pagtatala, paggawa ng buod, presi, sintesis at hawig at ang maingat na pagsasalin ng mga datos sa Filipino bilang pagtitiyak sa kawastuhan ng mga datos na makakalap. 4. Sa pag-oorganisa ng mga datos at obserbasyon, mahalagang malinang kasanayan sa pagbuo ng isang mapanghikayat at maayos na sulatin upang matugunan ang simulaing naging tulak ng pagsisiyasat at pananaliksik sa napiling paksa

Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel

Tiyak na Paksa • Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa. • Bawat paksain ay may isang pangkalahatang larangang kinabibilangan. Halimbawa nito ay ang larangan ng agham, pilosopiya, panitikan, kasarian, etnisidad.

• Maaaring limitahan ang mga paksain sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga usaping may kinalaman sa panahon, lugar o espasyong pinangyarihan, heyograpiya, proseso ng paglikha o pag-iral, wika at ibang salik ng buhay at kulturang nakaaapekto sa isang paksain.

• Halimbawa: Larangan: Dula sa Pilipinas Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa Pilipinas Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at pagpapakahulugan sa salitang “dula”

Rasyunal • Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.

Layunin - ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat. - halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit.

• Bawat isang katanungan ay nagtatakda na rin ng isang antas ng lalim ng pagsusuring nais isagawa ng nagsisiyasat. • Hal. Maaaring ang pagtatanong ay nasa antas ng ano kung ang nais na siyasatin ay ang mga larangang may kinalaman sa paglalahad ng isang bagay o pangyayari.

PANIMULANG HAKA pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin. - - hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.

nagmula sa salitang “dula” mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Ang mga katangian ng “dula” ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang “dula”.

Sarbey ng mga Sanggunian - Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat.

- ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag -aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik.

Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik - sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang ginagamit– ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pageeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo.

Pag-aayos ng mga Datos

Pag-aayos ng mga Datos Sa proseso ng pagsisiyasat at pananaliksik, nangyayaring makapangalp ng mga datos at impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop na paghahanay upang madaling masuri at maisistematays.

ü Mahalagang kasanayan sa pagkakataong ito ang mapanuring pagsasala ng datos. üGamiting gabay ng pagpili ang suliraning sinasagot. üBalikan kung naaayon ang mga datos na nakuha sa mga susing salita ay kabuuang larngan ng pagsisiyasat na tinutunton.

a. Ang gamit ng Tala, Note Cards at Reference Cards v. Karaniwang dalawang uri ang note card ang giagamit---ang 3 x 5 notecard para sa paglilista ng mga sanggunian ; v. At ang 5 x 8 notecard para sa pagtatala ng datos mula sa isanggunian.

Ang 3 x 5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isanggunian ng gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang nasusuri ng mananaliksik. v. Sa 3 x 5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian sa gitna. v. Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call number o ang pinagmulan ng sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita). v. Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung ano ang pangkalahatang paksa ng sanggunian.

Ang 5 x 8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga babasahi. Maaaring ilagay rito ang iba’t ibang uri ng datos. Makakatulong din kung maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard. sa 5 x 8 note card, nakasulat ang mga impormasyon mag-uugnay sa tala sa 3 x 5 reference card.

Sa pagtatala , maaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod, tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles at iba pang wikang banyaga. a. Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin kundi ang kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi. Kasunod ng tuwirang sipi, madalas ding gamitin ang paggawa ng buod o summary sa pagkuha ng tala.

Maaaring gumawa ng presi o hawig(paraphrase) o di kaya ay salin sa Filipino ng datos na nakasulat sa wikang banyaga o rehiyunal na wika. b. Buod, Presi at Hawig-Ang buod o sinopsis ay isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may bahgyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa.

Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akd sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de vista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan. Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 hanggang 40 porsyento ng haba ng orihinal na akda.

Upang magabayan sa paggawa ng presi , maaaring sundan ang ilang mungkahi: Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito ang sentral na ideya o sintesis na mahahalagng ideya. 1. Basahing mabuti ang akda upang matukoy ng sentral na ideya at ang mga detalyeng maaaring maisantabi. 2. Basahin ng ilang ulit ang akda upang masundan ang ayos n paglalahad at matukoy ang mga ideyang binibigyang-diin sa akda. 3. Isulat ang presi ayon sa talang ginawa. Gamitin ang sariling salita halip na ang mga salita ng may-akda. 4. Ihambing ang iyong presi sa orihinal na akda.

Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng hawig. Di tulad ng presi na naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa orihinal na akda, ang hawig o paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga ideyang gamit ang higit n payak na salita ng nagbabasa. Mahalaga ang pagsasanay sa paggawa ng hawig. Sa pamamagitan ng hawig, nagagawang higit na nauunawaan ang mga akdang teknikal o anumang akdang mahirap intindihin. Bukod dito, ang paggawa ng hawig ay pagsasanay sa maingat at mapanuring pagbasa.

upang magabayan sa pagsulat ng hawig, maaaring isaalang-alang 1. Basahin ng mabuti at maingat ang akda upang maunawaan mga sumusunod: ang mahahalagang ideya ng akda. Kung may salitang hindi maunawaan ay tingan agad sa diksyunaryo at sumangguni sa ibang aklat. 2. Gumawa ng hawig na gamit ang iyong mga salita. Tiyakin na maayos ang pagkakapili ng mga salita, maayos ang gramatika t malinaw ang pahyag ayon sa nakasulat sa akda. Alalahaning hindi dapat isama ang presonal na palagay o pananaw sa paggawa ng hawig. 3. Ihambing ang iyong hawig sa orihinal na akda.

b. Salin-mahalaga na matutunan ang pagsasalin sa Filipino upang maging malawak ang batis ng impormasyong magagamit sa pananaliksik. Sa pagsasalin, pinaanatili pa rin ang dangal ng paggamit ng wikang piangsasalinan nang may pagsasaalang-alang sa akdang nakasulat sa ibang wika.

c. Sintesis ØPagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda. Hal. Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa dahil lamang sa katayuan sa buhay ng isang tao . Ang Kalupi ni Benjamin Pascual)

Pagbabalangkas

Pagbabalangkas §Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan. § Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak at tiyak na ideya.

Anyo ng balangkas Pamagat ng Pananaliksiksik/Papel Punong ideya o Panimulang Haka Balangkas I. (Unang Ulo ng Balangkas) A. (Suportang Ideya) 1. (Kaugnay na ideya) 2. (Kaugnay na ideya) B. (Suportang Ideya) 1. (Kaugnay na ideya) 2. (Kaugnay na ideya) II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas) A. (Suportang Ideya) 1. (Kaugnay na ideya) 2. (Kaugnay na ideya) B. (Suportang Ideya) 1. (Kaugnay na ideya) 2. (Kaugnay na ideya)

Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik. Dahil ito’y malawak na konsepto, maaari pang maglagay ng suporta at kaugnay na ideya. Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay kinakailangang pantay. Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng balagkas.




Hal. Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas I. Panimula A. Panukalang Pahayag B. Paglalahad ng Suliranin C. Kabuluhan ng Pananaliksik D. Layunin ng Pananaliksik E. Saklaw at Delimitasyon F. Metodolohiya II. Kahulugan ng mga Katawagan III. Katawan A. Intoduksyon sa Negosyo B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipinas C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino 1. Unang kapanayam 2. Ikalawang kapanayam D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino 1. Unang kapanayam 2. Ikalawang kapanayam 3. Ikatlong kapanayam IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam V. Konklusyon


Uri ng Balangkas v Balangkas na talata -paghahanay nang isa-isang mga ideya. -ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na nasa anyong pasalaysay(deklarativ) Hal. I. (Ulo ng Balangkas) ___________________________________

v Balangkas na Paksa -gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas. -gumagamit ng salita, parirala sa paghahanay ng datos. -ang mga salita, parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng talata. Hal. I. ________________ A. ________________ B. ________________ II. ________________ A. ________________ B. ________________

• Balangkas na Pangungusap -gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga datos. -pasalaysay kung tiyak na ang datos na ilalagay; patanong kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga datos na nais kalapin. -kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap. -kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong pagbabantas.


LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

Ang Lohika at Pagsulat • Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pagiisip. • Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangan pangatwiranan.

Mga mungkahi upang matiyak na magiging lohikal ang iyong pagsulat: a. Alamin ang paksa ng sulatin at magsaliksik ng tungkol dito kung kinakailangan; b. Alamin ang proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang argumentong magagamit; p c. Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamitin sa iyong mga argumento;

d. Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumento; at e. Iwasan ang mga maling pangangatwiran; Madalas din, kinakailangang maglatag ng mga ebidensya upang lumakas ang isang argumento. Ngunit tandaang ebidensya ay kailangang mahalaga, matibay at nauugnay sa argumento.

May iba’t ibang ebidensyang maaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod: a. Pangyayaring nauugnay sa argumento; b. Obserbasyong pansarili o kaya’y ng ibang tao; c. Mga saksi; at c. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.

Lohikal na Pangangatwiran Dalawang panlahat na kategorya ng lohikal na pangangatwiran: (a) Pangangatwirang Pabuod – ito ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.

(b) Pasaklaw na Pangangatwiran – ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una. Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga sumusunod:

Tiyakang Silohismo Pangunahing Premis: Lahat ng katoliko ay Kristiyano Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano

Kondisyunal na Silohismo Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit. Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano. Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.

Pasakaling Silohismo Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating sa langit. Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano. Kongklusyon: Makakarating si Pedro sa langit.

May Pamiliang Silohismo Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim. Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim. Kongklusyon: Si Jose ay Kristiyano.

Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa: Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay isda. Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy. Kongklusyon: SI Nena ay isda.

Palasi ng Pangangatwiran

Palasi ng Pangangatwiran Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento. narito ang mga karaniwang palasi na madalas katisuran ng marami:

c. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran. Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak. d. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.

Halimbawa: Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito. e. Non sequitur – paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise. Halimbawa: Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

f. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan. Halimbawa: Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunaya’y isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan. g. Maling Paglalahat – pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.

Halimbawa: Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas. h. Maling Analohiya – paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon. Halimbawa: Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit na tag-init.

i. Maling Saligan – paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon. Halimbawa: Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California. j. Maling Awtoridad – paggamit ng tao ng sangguniang walang kainalaman sa isang paksa. Halimbawa: Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib. Halimbawa: Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay. l. Mapanlinlang na Tanong – paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang tao sa kahiyang sitwasyon. Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?

THANK YOU FOR LISTENING!
- Slides: 82