MGA BAHAGI NG SANAYSAY 1 Simula Introduksyon Ito
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
1) Simula (Introduksyon) - Ito ang unang sinusulat sa isang sanaysay. Ito ay dapat nakakakuha ng atensyon ng bumabasa para basahin niya ang natitirang bahagi ng sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang. . . a) Pasaklaw na Pahayag - Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na detalye (inverted pyramid) b) Tanong na Retorikal - Isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
c) Paglalarawan - Pagbibigay linaw at "descriptions" sa paksa. d) Sipi - Isang kopya o copy galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo, at iba pang sanaysay e) Makatawag Pansing Pangungusap - Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa. f) Kasabihan - Isang kasabihan o salawikain na makakapagbigay ng maikling explanasyon ng iyong sanaysay. g) Salaysay - Isang explanasyon ng iyong sanaysay.
2) Gitna (Katawan) - Dito nakalagay ang lahat ng iyong mga ideya at pahayag. Pwede itong isulat sa paraang. . . a) Pakronolohikal - Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari. b) Paanggulo - Pinapakita ang bawat angulo o "side" ng paksa. c) Paghahambing - Pagkukumpara ng dalawang problema, angulo atbp ng isang paksa. d) Papayak o Pasalimuot - Nakaayos sa paraang simple hanggang kumplikado at vice versa.
3) Wakas (Konklusyon) - Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Pwede itong isulat sa paraang. . . a) Tuwirang Sinabi - Mensahe ng sanaysay. b) Panlahat ng pahayag - Pinakaimportanteng detalye ng sanaysay. c) Pagtatanong - Winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong. d) Pagbubuod - Ang "summary" ng iyong sanaysay.
DALAWANG URI NG SANAYSAY 1. Pormal na Sanaysay Tinatawag ding maanyo sa kadahilanang ito ay hindi lamang tumutukoy sa kahit anong paksa lamang. Ito ay dapat pinag-aralan, pinag-ukulan ng matinding pagsasaliksik upang mabigyang linaw ang paksang nais talakayin ng may akda. Isang halimbawa ng mga maanyong sanaysay ay ang pinapagawa sa iba't ibang paaralan tuwing may isinasagawang patimpalak sa pagsulat ng sanaysay. Kadalasan, may isang partikular na tema kung saan lamang dapat iikot ang nilalaman ng sanaysay na isusulat ng mga kalahok.
Isa pang katangian ng pormal o maanyong sanaysay ay ang pagiging kumprehensibo nito. Hindi lang dapat puro personal na opinyon ang nilalaman ng isang pormal na sanaysay, kundi nakabatay sa isang malawakang hagap. Kung hindi man, kahit papaano'y dapat may pinagbabasehan ang bawat kuro na ipinapabatid sa sanaysay. Isa pa, mas mahigpit ang pamantayan ng paggamit ng mga salita sa pormal na sanaysay.
DALAWANG URI NG SANAYSAY 2. Impormal o Di pormal na Sanaysay maituturing na mas malaya kung ang paguusapan ay ang mga paksang maaaring talakayin at ang mga salitang maaaring gamitin Kung ang natatanging layunin ng pormal na sanaysay ay magbigay linaw sa isang itinakdang paksa, ang layunin naman ng impormal na sanaysay ay magbigay-aliw sa mga mambabasa o magbahagi ng sariling opinyon o karanasan tungkol sa isang bagay.
Ang mga paksang maaaring gamitin sa uri ng sanaysay na ito ay mas malawak, mula sa mga araw-araw na isyu hanggang sa mga personal na karanasan. Maliban pa sa nasabi, hindi rin kailangang ganon katatas ang pagsulat sa sanaysay. Ang isa pang importanteng kaibahan ng dalawang uri ng sanaysay ay ang pananaw ng pagsulat o point of view. Ang pormal na sanaysay ay gumagamit ng obhektibong pananaw samantalang impormal na sanaysay ay gumagamit ng subhektibong pananaw.
- Slides: 9