PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO PANAHONG PALEOLITIKO TINATAYANG

  • Slides: 41
Download presentation
PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO

PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO

PANAHONG PALEOLITIKO (TINATAYANG MULA 500 000– 7000 BCE)

PANAHONG PALEOLITIKO (TINATAYANG MULA 500 000– 7000 BCE)

Sa Panahong Paleolitiko, nabuhay ang mga sinaunang tao sa ating kapuluan sa pamamagitan ng

Sa Panahong Paleolitiko, nabuhay ang mga sinaunang tao sa ating kapuluan sa pamamagitan ng pagpapalipat sa mga lugar na may makakalap na pagkain.

Ang kanilang pebble tools ay nabubuo sa pamamagitan ng chipping o pagtatapyas ng mga

Ang kanilang pebble tools ay nabubuo sa pamamagitan ng chipping o pagtatapyas ng mga bato, tulad ng mga batongilog (river stones), upang makuha ang matalim na bahagi ng mga ito.

Bukod sa flint, gumamit din silang chert o volcanic glass, isang uri ng natunaw

Bukod sa flint, gumamit din silang chert o volcanic glass, isang uri ng natunaw na bato dahil sa init ng bulkan. Ito ay matalim na bahagi kung tinapyas. Bukod sa mga kagamitang bato, gumamit din ang mga sinaunang tao ng mga kagamitang gawa sa kahoy.

Ang tahanan naman ng mga sinaunang tao sa ating kapuluan ay binubuo ng mga

Ang tahanan naman ng mga sinaunang tao sa ating kapuluan ay binubuo ng mga dahon na itinayo sa pamamagitan ng patpat. Ang halimbawa nito ay ang tirahan ng mga Dumagat sa silangang Luzon.

Tumira rin ang ating mga ninuno sa mga yungib bilang permanente nilang tirahan. Nahukay

Tumira rin ang ating mga ninuno sa mga yungib bilang permanente nilang tirahan. Nahukay sa yungib ng Callao sa Peñablanca, Cagayan ang pinakamatandang labi ng tao sa bansa.

Tinatayang nabuhay ang taong ito 67, 000– 50, 000 taon na ang nakalilipas. Ang

Tinatayang nabuhay ang taong ito 67, 000– 50, 000 taon na ang nakalilipas. Ang ikalawang pinakamatandang labi ng sinaunang tao sa bansa ay ang nahukay na bahagi ng bungo at bagang ( jawbone) sa yungib ng Tabon sa Palawan, na tinatayang nabuhay 22, 000 taon na ang nakalilipas.

PANAHONG NEOLITIKO (TINATAYANG MULA 5000– 500 BCE)

PANAHONG NEOLITIKO (TINATAYANG MULA 5000– 500 BCE)

Sa Panahong Neolitiko, ay umunlad ang paggamit ng ating mga ninuno sa mga bato.

Sa Panahong Neolitiko, ay umunlad ang paggamit ng ating mga ninuno sa mga bato. Patunay rito ang ilang mga kagamitang bato na natuklasan ng mga dalubhasa.

Halimbawa, natagpuan sa yungib ng Guri ng Lipuun Point, Palawan ang pinakinis ( polished)

Halimbawa, natagpuan sa yungib ng Guri ng Lipuun Point, Palawan ang pinakinis ( polished) na kagamitang bato na nahulma sa pamamagitan ng pagkiskis ng bato sa halip na pagtapyas dito. Tinatayang mga kagamitang batong ito ay mula pa noong 7, 000– 3500 BCE.

Sa Panahong Neolitiko rin nagsimula ang agrikultura sa Pilipinas na tinatayang naganap mga taong

Sa Panahong Neolitiko rin nagsimula ang agrikultura sa Pilipinas na tinatayang naganap mga taong 5, 000 BCE. Nagsimulang magtanim ang mga unang tao upang madagdagan ang kanilang pagkain na nakukuha nila sa pangangaso at pangangalap.

Isinagawa sa panahong ito ang dry agriculture tulad ng pagkakaingin. Noong 3, 000 BCE,

Isinagawa sa panahong ito ang dry agriculture tulad ng pagkakaingin. Noong 3, 000 BCE, pinaniniwalaang nagsimula ang wet rice agriculture o ang pagtatanim ng palay sa mga payew.

Ito ang nagpausbong sa pagbuo ng mga hagdan-hagdang palayan tulad ng mga makikita hanggang

Ito ang nagpausbong sa pagbuo ng mga hagdan-hagdang palayan tulad ng mga makikita hanggang sa ngayon sa Ifugao. Ang mga pader ng terraces ay yari sa bato at lupa. Hindi lamang sa Ifugao may mga hagdang palayan.

Makikita rin ang mga labi nito sa Rizal sa Luzon at sa ilang mga

Makikita rin ang mga labi nito sa Rizal sa Luzon at sa ilang mga bahagi ng Mindanao. Pagsapit naman ng 100 BCE, napaunlad din ang wet rice agriculture sa mga kapatagan at dito nagsimulang mabuo ang rice paddies.

Sa Panahong Neolitiko, natuto rin ang ating mga ninuno ng pagpapalayok ( pottery) na

Sa Panahong Neolitiko, natuto rin ang ating mga ninuno ng pagpapalayok ( pottery) na tinatayang nagsimula noong 3, 000 BCE.

Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng mga banga) hindi lamang sa pagluluto o pag-iimbak ng

Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng mga banga) hindi lamang sa pagluluto o pag-iimbak ng pagkain, kundi maging sa paglilibing ng mga patay. Naganap ang gawaing ito mga 1000 BCE.

Sa mga taong 3, 000 BCE, nagsimulang mabuo ang mga pamayanan sa mga bunganga

Sa mga taong 3, 000 BCE, nagsimulang mabuo ang mga pamayanan sa mga bunganga ng ilog at tabing dagat. Kumalat din sa kapuluan ang mga mandaragat mula sa iba’t ibang bayan. Naging mahalaga ang mga ilog sa ugnayan ng mga pamayanan at pakikipagkalan.

Dahil sa mga pagbabagong naganap sa Panahong Neolitiko, naging mas maunlad ang mga pamayanan

Dahil sa mga pagbabagong naganap sa Panahong Neolitiko, naging mas maunlad ang mga pamayanan sa tabi ng mga daang-tubig. Nabuo ang kulturang kaugnay sa tubig at isa na rito ang pamayanang tinawag na barangay.

Sa Panahong Neolitiko, may mga pamayanan ding nabuo sa kabundukan. Ang mga ito ay

Sa Panahong Neolitiko, may mga pamayanan ding nabuo sa kabundukan. Ang mga ito ay matatagpuan malapit sa mga sapa kung saan ginagamit ang tubig bilang inumin at panustos sa irigasyon.

PANAHON NG METAL (TINATAYANG MULA 2000 BCE– 200 CE)

PANAHON NG METAL (TINATAYANG MULA 2000 BCE– 200 CE)

Nagsimula ang Panahon ng Metal sa bansa mga 800 BCE. Tinatawag din ito bilang

Nagsimula ang Panahon ng Metal sa bansa mga 800 BCE. Tinatawag din ito bilang incipient period na tumagal mula 500 BCE hanggang 900 CE. Sa panahong ito ay napayabong ang mga pamayanang barangay.

Dati-rati ay binubuo ang barangay ng kalipunan ng mga pamilya at ng ilang mga

Dati-rati ay binubuo ang barangay ng kalipunan ng mga pamilya at ng ilang mga magkakamag-anak. Kalaunan, sumanib na rin dito ang magkakaibang barangay na bumuo sa higit na malalaking pamayanan.

Karaniwang matatagpuan ang malalaking pamayanan sa mga tabi ng mga anyong-tubig tulad ng sa

Karaniwang matatagpuan ang malalaking pamayanan sa mga tabi ng mga anyong-tubig tulad ng sa Maynila, Jolo, at Butuan.

Ang mga pinuno ng pamayanan ay nahirang dahil sa kanilang katapangan, kayamanan, lakas, at

Ang mga pinuno ng pamayanan ay nahirang dahil sa kanilang katapangan, kayamanan, lakas, at talino. Bukod sa pagiging pinuno ng pamayanan, nagsisilbi rin silang pinunong pandigma sa panahon ng digmaan at hukom sa mga sigalot sa loob ng pamayanan.

Ang posisyon ng isang pinuno ng pamayanan ay maaaring mamana mula sa ama patungo

Ang posisyon ng isang pinuno ng pamayanan ay maaaring mamana mula sa ama patungo sa anak o naililipat sa nakababatang kapatid. Maaari ring maging pinuno ng pamayanan ang kababaihan lalo na kung walang tagapagmanang lalaki ang pinuno.

Bukod sa pag-unlad ng mga pamayanan, umunlad din ang teknolohiya sa Panahon ng Metal.

Bukod sa pag-unlad ng mga pamayanan, umunlad din ang teknolohiya sa Panahon ng Metal. Natuto ang mga tao na magpanday ng bakal upang gawing kagamitan at armas. Natuto na rin ang mga tao na gumawa ng alahas na yari sa ginto, jade, carnelian, at iba pang materyales.

Ang mga pinapanday na ginto ay mula sa mga ilog habang bakal naman ay

Ang mga pinapanday na ginto ay mula sa mga ilog habang bakal naman ay galing sa pagmimina o pakikipagkalan sa mga dayuhan. Nagsimula na rin ang teknolohiya ng paghahabi at pag-ukit sa kahoy sa mga taong 200 CE.

Karamihan sa mga kalan ay isinasagawa sa pamamagitan ng sistemang barter. Gumagamit na rin

Karamihan sa mga kalan ay isinasagawa sa pamamagitan ng sistemang barter. Gumagamit na rin ng mga perang ginto na sa panahon ng mga Espanyol ay tinawag na piloncitos.

Nagsimula na rin ang pakikipagkalan sa malalayong lugar. Dahil dito, napaunlad ang paggawa ng

Nagsimula na rin ang pakikipagkalan sa malalayong lugar. Dahil dito, napaunlad ang paggawa ng saring sasakyang-pandagat para sa iba’t ibang gamit tulad ng caracoa na ginagamit sa digmaan.

Ang mga sasakyangpandagat naman na tinawag na proa, vinta, kumpit, lapis, temper, kasko, at

Ang mga sasakyangpandagat naman na tinawag na proa, vinta, kumpit, lapis, temper, kasko, at bangka ay ginamit sa pakikipagkalan.

Itinuturing na emergent period ang mga taong 900 hanggang 1, 400 na sakop pa

Itinuturing na emergent period ang mga taong 900 hanggang 1, 400 na sakop pa rin ng Panahon ng Metal. Napagtibay sa panahong ito ang mga etnolingguwistikong pangkat.

Nabuo ang mga pangkat na ito dahil sa pakikipagugnayan ng isang pangkat sa iba

Nabuo ang mga pangkat na ito dahil sa pakikipagugnayan ng isang pangkat sa iba pangkat at sa interaksiyon nila sa kanilang kapaligiran. Ilan sa mga etnolingguwistikong pangkat ay ang mga Tagalog, Pampango, Ilokano, at Bikolano sa Luzon;

ang mga Waray, Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug,

ang mga Waray, Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal, Yakan, Subanon, at B’laan sa Mindanao. Nagkaroon ang mga pangkat na ito ng pagkakatangi sa isa’t isa na ipinakikita ng kanilang naiibang wika, ugali, at pamumuhay.

ang mga Waray, Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug,

ang mga Waray, Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal, Yakan, Subanon, at B’laan sa Mindanao. Nagkaroon ang mga pangkat na ito ng pagkakatangi sa isa’t isa na ipinakikita ng kanilang naiibang wika, ugali, at pamumuhay.

Kasama sa pagbuo ng sariling wika, napaunlad din ng mga etnolingguwistikong pangkat ang kani-kanilang

Kasama sa pagbuo ng sariling wika, napaunlad din ng mga etnolingguwistikong pangkat ang kani-kanilang musika at panitikan. Umiral ang mga epikong tulad ng Biag ni Lamang ng mga Ilokano, ng Hudhud ng mga Ifugao, ng Ibalon ng mga Bikolano,

ng Hinilawod ng mga Sulod, at ng Darangan ng mga Maranao. Mayroon ding mga

ng Hinilawod ng mga Sulod, at ng Darangan ng mga Maranao. Mayroon ding mga awit tulad ng Kumintang at Dalit. Bukod sa awit, nagkaroon din ang ating mga ninuno ng mga instrumentong pangmusika tulad ng gong, kulintang, kudyapi, at tambol na yari sa mga lokal na materyales.

Mayroon na ring sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon. Tinawag itong baybayin na

Mayroon na ring sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon. Tinawag itong baybayin na mula sa pinaghalong impluwensiyang Javanese at Indian na galing sa Sanskrit. Naisulat ito sa mga piraso ng kawayan, dahon, at naukit sa mga palayok.

Ang nasusulat lamang noon ay ang mahahalagang gawain tulad ng panganganak, ukol sa utang,

Ang nasusulat lamang noon ay ang mahahalagang gawain tulad ng panganganak, ukol sa utang, at usaping pampolitika. Wala itong kinalaman sa panitikan.

Matibay na ebidensiya ng sistema ng pagsulat ng ating mga ninuno ang Laguna copperplate.

Matibay na ebidensiya ng sistema ng pagsulat ng ating mga ninuno ang Laguna copperplate. Ayon sa pagkakasalin ay nalamang ito ay isang deklarasyon ng pagpapatawad ng utang ng isang tao. Ang Laguna Copperplate ay nakalagak sa Pambansang Museo.

Thank you very much for listening to us!!!

Thank you very much for listening to us!!!