SANAYSAY Ang salitang sanaysay ay nilikha ni A

  • Slides: 28
Download presentation
SANAYSAY

SANAYSAY

 • Ang salitang “sanaysay” ay nilikha ni A. G. Abadilla mula sa pariralang

• Ang salitang “sanaysay” ay nilikha ni A. G. Abadilla mula sa pariralang “nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Pinagdugtong niya ang salitang “sanay” at ang “say” na huling pantig ng salitang pagsasalaysay.

 • Ito’y isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na naglalahad ng

• Ito’y isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon, at iba pa ng awtor hinggil sa isang paksa sa alinmang larangan o kaalaman, maging pampulitika, panlipunan, pangedukasyon, panrelihiyon, pang-araw na gawain at iba pa.

Pangkalahatang uri ng sanaysay 1. Pormal o Impersonal na Sanaysay • Tumatalakay sa mga

Pangkalahatang uri ng sanaysay 1. Pormal o Impersonal na Sanaysay • Tumatalakay sa mga seryosong paksa, gaya ng sining, agham, pag-unlad, kamatayan, pulitika, edukasyon at iba pa na humihingi ng maringal na paglalahad ng mga kaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng piling pananalita.

 • Inaakay ng awtor ang mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng

• Inaakay ng awtor ang mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos. • Binibigyang-diin niya ang mga katotohanan kaya tahas ang tono at malinaw ang estruktura ng akda. • Sinusuportahan din niya ito ng mga patotoo at istatistika. • Layunin nitong maghatid ng mahahalagang kaisipan o kabatiran tungkol sa paksang tinatalakay.

2. Di-pormal na Sanaysay • Tumatalakay ng mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw at personal.

2. Di-pormal na Sanaysay • Tumatalakay ng mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw at personal. • Binibigyang diin ng awtor o may akda ang mga bagay-bagay, mga karanasan, o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng awtor o pakikisangkot ng mga mambabasa.

 • Palagay ang loob ng may-akda kaya para siyang nakikipag-usap lamang sa mga

• Palagay ang loob ng may-akda kaya para siyang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa sa tonong pamilyar o palakaibigan, kung minsan ay nahahaluan pa ng pagbibiro at kolokyal na pananalita. • Layunin ng ganitong sanaysay ang magbigay-aliw o lugod sa mga mambabasa.

Nabuhay sa Pilipinas noong huling siglo ng pananakop ng mga Kastila.

Nabuhay sa Pilipinas noong huling siglo ng pananakop ng mga Kastila.

“Colecion de Sermones en Tagalo” Modesto de Castro “Urbana at Feliza” “Platicas Doctrinales””

“Colecion de Sermones en Tagalo” Modesto de Castro “Urbana at Feliza” “Platicas Doctrinales””

Sumulong ang pagsulat ng sanaysay sa panahon ng himagsikan, una, laban sa mga kastila,

Sumulong ang pagsulat ng sanaysay sa panahon ng himagsikan, una, laban sa mga kastila, at pangalawa, laban sa mga Amerikano. “The Indolence of the Filipino People” “The Philippines: A Century Hence” “Sa mga Kababaihang Taga. Malolos”

“Caiingat Kayo” “Dasalan at Tocsohan”

“Caiingat Kayo” “Dasalan at Tocsohan”

“Liwanag at Dilim””

“Liwanag at Dilim””

“Ang Dadat Mabatid ng mga Tagalog” “ Sa Aking mga Kababayan”

“Ang Dadat Mabatid ng mga Tagalog” “ Sa Aking mga Kababayan”

Ginamit ng mga propagandistang ito ang sanaysay bilang anyo ng panitikan sa paggising ng

Ginamit ng mga propagandistang ito ang sanaysay bilang anyo ng panitikan sa paggising ng damdaming makabayan ng mga mamamayang Pilipino upang ipaglaban ang kanilang kalayaan.

 • pinangunahan niya ang pagsulat ng sanaysay bilang instrumento sa pagpapahayag ng mga

• pinangunahan niya ang pagsulat ng sanaysay bilang instrumento sa pagpapahayag ng mga hinaing at paghahangad ng kalayaan.

 • Ginamit nila ang pahayagan sa pamumuno, panunudyo at pag-uudyok sa mga kinauukulan.

• Ginamit nila ang pahayagan sa pamumuno, panunudyo at pag-uudyok sa mga kinauukulan. • El Nuevo Dia- itinuturing na supersibong diaryo na pinamatnugutan ni Sergio Osmena sa Cebu at ginamit nilang sandata sa pakikibaka sa mga dayuhan.

 • Naging tanyag na mananaysay sa panahon ng Amerikano sina Rafael Palma, Lope

• Naging tanyag na mananaysay sa panahon ng Amerikano sina Rafael Palma, Lope K. Santos, Carlos P. Romullo, Vicente M. Hilario, Salvador P. Lopez, I. V. Mallari, Francisco Icasiano at iba pa.

Panahon ng Hapon • Ang pagsulat ng sanaysay ay isinagawa sa wikang Tagalog upang

Panahon ng Hapon • Ang pagsulat ng sanaysay ay isinagawa sa wikang Tagalog upang burahin sa isipan ng mga Pilipino ang anu, ang impluwensiya ng mga Amerikano. • Nalathala ang mga sinulat na sanaysay sa magasing Liwayway. • Nakilala bilang mananaysay sina Maria Luna, Lina Flor at Maria Mababanglad.

 Sangkap ng Sanaysay 1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang

Sangkap ng Sanaysay 1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi 2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.

 Sangkap ng Sanaysay 3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng

Sangkap ng Sanaysay 3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

 Bahagi ng Sanaysay 1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat

Bahagi ng Sanaysay 1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda 2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa

 Bahagi ng Sanaysay 3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng

Bahagi ng Sanaysay 3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

 Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay 1. May malawak na kaalaman o

Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay 1. May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa 2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa 3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya 4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa 5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa