BALAGTASAN ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang
BALAGTASAN > ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. > Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas , inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.
Abril 6, 1924 Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas na nilikha ng mga pangkat na manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas. Ginawa nila ang unang balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng elemento ng tulakatulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangansa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at malateatrikong at dramatikong pagpapahayag
Kasaysayan: Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres, (Women's Institution) kalye ng Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925. [2] Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.
Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de Mujeres, ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus, Amado V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. [2] Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulalak ng Lahing Kalinisan" ang pamagat ng kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho. Ang dalawang ito ang nanomina sa panglawang paghaharap.
Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nagorganisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok. Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon. " Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.
Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925 hanggang lumipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng mga manunula ang titulong Hari ng Balagtasan. [1] Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan, nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibangwika mula sa Pilipinas katulad ng Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o Kastila. Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang Ilokanong makata. Samantalan, nagkaroon naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula sa manunula at dramatistang si Juan Crisostomo Soto.
Tungkulin ng balagtasan Maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw sa mga manonood, nagkaroon ang balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang tungkulin. [2] Binibigay ng mga sumasali sa balagtasan ang kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin katulad ng ginagawa ng mga kolumnista at patnugot ng isang pahayagan. [2]Ilan sa mga balagtasan nina De Jesus at Collantes ang mga pampolitikang paksa katulad ng "Koalisyon at Kontra Koalisyon" na tumutukoy sa masiglang kampanya ng noong Pangulong Manuel Quezon upang pag-isahin ang lahat ng partidong pampolitika sa ilalim ng Partido Nacionalista na siyang partido na pamahalaan noon.
Katangian ng balagtasan Ayon pa kay Villafuerte, may dalawang katangian ang balagtasan: (1) Naghahatid ng kasiyahan sa pagtuklas ng kariktan ng tula, at (2) nababasa ng mga mambibigkas ang sining ng pagpapaliwanag, pangangatuwiran, pagtatalo, pagbibigkas at interpretasyon sa tula
Pinagmulan Bago nagbuo ang konsepto ng balagtasan ay nauna nang kinahiligan ng mga pilipino ang mga tulang pagtatalo na tinatawag rin Tulang Patnigan. May tulang nagsasagutan o nagtatalo na itinatanghal sa mga tiyak na pagdiriwang
Elemento ng Balagtasan 1. Paksa pagtatalunan -maaring magkaiba-iba ng paksa ngunit Ito dapat ay naayon sa tema ng programa 2. Mambabalagtas -sila ng bumubuo ng dalawang panig; sang-ayon at di sang-ayon 3. Lakandiwa -tagapagpakilala at tagapamagitan 4. Tagapkinig/ manonood -ito ang malaking kaibahang ng balagtasan sapagkat aktibo silang kasama sa mga pagtatalo. Kadalasan ay sa kanila iniiwan ng lakandiwa ang responsibilad na magdesisyon sa balagtasan 5. Tanghalan - pormal na lugar na pagdarausan ng balagtasan. Mahalaga ito sapagkat kinakailangan ng isang lugar na pagtitipunan ng mga mambabalagtasan at manonood
Bahagi ng Balgatasan 1. Pagbubukas -Nagsisimulang tumula ang Lakandiwa. Dito niya ipinapakilala ang mga mambabalagtas at/o ang paksang pagtatalunan. 2. Pagpupugay/Pagpapakilala -Nagpapakilala o nagbibigay-pugay o paggalang mga mambabalagtas. 3. Pagtanggap/Transisyon -Ito ang muling pagtula ng Lakandiwa upang tanggapin ang mga mambabalagtas. Ito ang nagpapahayag ng pagsisimula ng Balagtasan. 4. Tindig -Ito ang isahang pagtula ng mga mambalagtas upang ipahayag ang kanilang mga panig. 5. Pagpipinid/Pagpapahatol -Ang bahagi ng Lakandiwa kung saan ibinubuod niya ang sabi ng mga mambabalagtas o kung hindi naman ay binigyan niya ng responsibilidad ang mga manonood na bumubuo ng desisyon.
Mga Mahalagang panahon 3 petsa na may kaugnayan ng pagsibol ng Balagtasan: - MARSO 28, 1924: Paghahanda para sa kaarawan ni Francisco Balagtas ; Pagpupulong ; Instituto de Mujeres ; Rosa Sevilla ; Tonda, Maynila - ABRIL 6, 1924: Unang Balagtasan ; Florentino Collantes (Kuntil Butil) ; Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) ; 3 karakter: Paruparo, Bubuyog, Kampupot {+ Lakandiwa} ; Bulaklak ng Kalinisan ; Mayroong iskrip - OKTUBRE 18, 1925: Labanan ; Walang iskrip ; Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon ; de Jesus (noon) + Collantes (ngayon) ; HARI NG BALAGTASAN: de Jesus
INIHANDA NI: GNG. LANRIE ANN JOY T. ESCANO
- Slides: 15