Sanaysay Group 2 leader angelika mercurio Members Jerald
Sanaysay Group 2 leader: angelika mercurio Members: Jerald millama CHISTINA DABU Dominic mercurio CHISTIAN JAY FLAVIANO ROLAND BALGUA MAE VHILL VENTANILLA
Kasaysayan ng sanaysay
Kasaysayan ng Sanaysay Mula pa noong panahong sinauna, ang unang lumabas at siyang pinag-ugatan ng sanaysay ay ang ETHICS na isinulat ni Aristotle at CHARACTERS ni Theoprastus. Ang mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na mananaysay. Ang dalawang materyal na ito ay naglalarawan ng iba’t-ibang katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante, madaldal, mareklamo, at iba pa.
Elemento Ng Sanaysay
Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito. Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagunawa sa sanaysay. Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.
Larawan ng Buhay - Nilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda. Damdamin -Naipapahayag ang isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan. Himig - naipapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
Uri ng Sanaysay
PORMAL-Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalitakaya mabigat basahin
DI-PORMAL-Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay -lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.
IBAT-IBANG URI NG PAGLALAHA D
1. PAGBIBIGAY KATUTURAN 4. BALITA 5. PITAK 2. PAGSUNOD SA PANUTO/PAMAMARAAN 6. TALA 3. PANGULONG TUDLING/EDITORYAL 7. ULAT
- Slides: 11