Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pagunawa ng Teksto Paguugnayan

  • Slides: 35
Download presentation
Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto

Ang Talasalitaan Kaugnay sa Pag-unawa ng Teksto

Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto Ayon kina Anderson at Freebody sa

Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnayan. Pangkagamitang posisyon Pangkakayahang posisyon Pangkaalamang posisyon

Pangkagamitang Posisyon (Instrumentalist position) Dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga

Pangkagamitang Posisyon (Instrumentalist position) Dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.

Pangkakayahang Posisyon (Aptitude position) Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasa-

Pangkakayahang Posisyon (Aptitude position) Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasa- litaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa. Nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita

Pangkaalamang Posisyon (Knowledge position) Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-unawa ay dulot

Pangkaalamang Posisyon (Knowledge position) Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto

Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat

Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga karanasan na paguusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto.

Interaktibong Posisyon (Interactive position) May idinagdag si Frank May (1986)na pang-apat na posisyon, ang

Interaktibong Posisyon (Interactive position) May idinagdag si Frank May (1986)na pang-apat na posisyon, ang interaktiv. Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing systems) sa teksto na tumutulong sa mabisang pagunawa. Ang mga palatandaang ito ay: Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita

 Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita Palatandaang Semantiko

Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita Palatandaang Iskematik – paguugnayan ng sariling karanasan sa binabasa

Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis) Nauunawaan ang salita

Mga Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis) Nauunawaan ang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito: - salitang-ugat - panlapi - pagkakabuo ng salita Halimbawa: buhay kabuhayan nabubuhay-alamang

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay Kahulugan (Context Clues) 1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay Kahulugan (Context Clues) 1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob din sa pangungusap. Halimbawa: Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa pagkilos at pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita. Halimbawa: Masugid si Renato na

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita. Halimbawa: Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay naman ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi.

3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita. Halimbawa: Ipinamalas ng mga tao sa EDSA

3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita. Halimbawa: Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang marubdob o matinding pagnanasa na magkaroon ng kalayaan.

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan ng pag-alala sa mga naging karanasan. Halimbawa: Dahil sa bahang dala ng bagyong si Roming, inilikas sa ligtas na pook ang mga tao sa aming lugar.

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito. Halimbawa: Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap na kilusan ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang moral at sahod ng mga kawal.

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa. Halimbawa: Naranasan niya ang matinding

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa. Halimbawa: Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag-anak.

7. Sa pamamagitan ng halimbawa. Halimbawa: Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan

7. Sa pamamagitan ng halimbawa. Halimbawa: Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung ang mga mamamayan ay matututong kumilala sa Diyos at magmahal sa kapwa.

8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita. Halimbawa: Mahilig tayo sumulat ng

8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita. Halimbawa: Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na naglalahad ng kaalaman, kuru- kuro at damdamin ng sumulat.

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan. Halimbawa: Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan. Halimbawa: Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at pinamumutukan ng maraming tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas na sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin. Halimbawa: Mula sa kusina, ang

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin. Halimbawa: Mula sa kusina, ang tibok ng aking puso ay nakipag-unahan sa aking mga hakbang. At ang aking agam -agam ay napawi nang makita ko siya sa sala.

C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association) 1. Pagsasama ng salita sa iba pang

C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association) 1. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation). Nabibilang dito ang mga matalinhagang salita o parirala. Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng tao bato = matigas na bagay pusong bato = matigas ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng taong hindi marunong mahabag o maawa.

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita. (clustering) Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaaring ipalit sa salitang tingnan? masdan silipin TINGNAN lingunin sulyapin tanawin

3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan

3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining). May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. Halimbawa, hindi maaaring sabihing nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag o ayon sa haba ng panahon. Damdamin: inis, yamot, suklam, galit Panahon: noon, kamakalawa, ngayon, mamaya, bukas, sa isang buwan,

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May mag salitang ginagamit sa mga dipormal, pormal na kalagayan o sa pangkalahatan. Halimbawa: Ang iba pang salita na itinatawag sa paggamit sa sitwasyon na maaaring: PORMAL DI-PORMAL NEUTRAL kapanalig kabagang kaibigan kaanib abay kasama katoto utol kaakbay

5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification). Halimbawa: Panlasa

5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification). Halimbawa: Panlasa – mapait, matamis, maanghang, matabang Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad, dahan-dahan

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman. Kontento ang mamamayan Marunong magpatawad ng kapwa Walang kudeta KAPAYAPAAN Ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa loob. Tahimik ang paligid Walang awayan

7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan

7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na ang mga bagay na natututuhan ay kaugnay ng mga karanasan at dati nang alam. Kaligayahan Kapayapaan Pagkakaisa Luha Sakit Lungkot PAG-IBIG Pagtatalik Pagbibigay ng sarili pagsasamantala Pagtitiis Pagsisikap Pagpaparaya Bulaklak na rosas Pabango Panyo Regalo

Mga Pagsasanay sa Talasalitaan 1. Bumuo ng mga salita mula sa mga sumusunod na

Mga Pagsasanay sa Talasalitaan 1. Bumuo ng mga salita mula sa mga sumusunod na salitang-ugat sa tulongngiba’tibangpanlapi. Gamitinang mga salitang nabuo sa pangungusap. a. sulat b. aral c. guhit d. sunod e. Sama 2. salita. Ipaliwanag ang kahulugan ng nabuong tambalang salita. a. ulo b. kamay c. isip d. tao e. yaman

3. kapareho ng kahulugan ng salitang dala (to bring). Sundan ang halimbawa. bitbit DALA

3. kapareho ng kahulugan ng salitang dala (to bring). Sundan ang halimbawa. bitbit DALA

Isulat ang mga kaugnay na salita ng pangunahing salita. 1. Demokrasya__________ 2. Kalikasan __________

Isulat ang mga kaugnay na salita ng pangunahing salita. 1. Demokrasya__________ 2. Kalikasan __________ 3. Pagbabago_________ 4. Kaligayahan__________ 5. Pananampalataya__________

5. Ibigay ang mga salitang nabibilang sa sumusunod na kategorya. a. damdamin __________ b.

5. Ibigay ang mga salitang nabibilang sa sumusunod na kategorya. a. damdamin __________ b. pagdiriwang __________ c. libangan __________ d. katubigan __________ e. wika __________ 6. Ihanay ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. masaya ubod ng saya napakasaya di gaanong masaya-saya walang masaya pagsidlan sa saya

7. Ibigay ang pormal, di-pormal o neutral na salita ayon sa antas ng gamit.

7. Ibigay ang pormal, di-pormal o neutral na salita ayon sa antas ng gamit. PORMAL NEUTRAL DIPORMAL a. _______ kababayan _______ b. kamag-aral _____________ c. delegado _____________ d. _____________ biyahe

Mga Viswal na Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan 1. Mapa ng salita (Word Map)

Mga Viswal na Istratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan 1. Mapa ng salita (Word Map) kasingkahulugan pasanin kasalungat nagpapagaan pabigat mga taong tamad halimbawa mga taong tumutulong hindi halimbawa

2. Mapa ng Kahulugan (Definition Map) Ano ito? malagim na pangyayari Ano ang katulad

2. Mapa ng Kahulugan (Definition Map) Ano ito? malagim na pangyayari Ano ang katulad nito? nagpapagaan salot sakit Ano ang mga halimbawa nito?

3. Web ng bahagi ng salita (Word-part web) kinasamahan sama-sama kasama

3. Web ng bahagi ng salita (Word-part web) kinasamahan sama-sama kasama

4. Pagpapakahulugan ayon sa konteksto (Contextual redefinition) Mga Salita 1. bumulwak Hinulang kahulugan Kahulugan

4. Pagpapakahulugan ayon sa konteksto (Contextual redefinition) Mga Salita 1. bumulwak Hinulang kahulugan Kahulugan bago ang pagbasa pagkatapos ng pagbasa lumabas Biglang paglabas ng isang likidong bagay mula Sa pinagmula nito. Halimbawa: tubig, dugo Konteksto na pinagagamitan ng salita Bumulwak ang dugo sa kanyang dibdib dahil sa tama ng baril