TALATA Magkakaugnay Balangkas Layunin Pagunlad ng kaisipang nakabase
TALATA ü Magkakaugnay ü Balangkas ü Layunin ü Pag-unlad ng kaisipang nakabase sa pinakapamaksang pangungusap LAYUNIN: Makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay
Kalinawan base sa: 1. Kaganapan 2. Kaisahan 3. Kaayusan a. Tamang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari. v Nagkukuwento v Naglalahad ng hakbangin b. Maayos o maanyong paglalarawan.
Kalinawan base sa: 3. Kaayusan c. tiyak pangkalahatan (Indaktibo) d. Dedaktibong paraan pangkalahatan tiyak
Kalinawan base sa: 3. Kaayusan e. Tanong at Sagot ? = f. Sanhi at Bunga / Bunga at Sanhi S B | B S 4. Pagkakaugnay-ugnay Pangatnig: Kung gayon, dahil dito, samakatwid, datapuwat, bagaman, kaya, atbp.
3 Bahagi ng Talata Panimulang Pangungusap 2. Gitnang Pangungusap 3. Pangwakas na Pangungusap 1.
3 Bahagi ng Talata Panimulang Pangungusap 1. Katanungan 2. Nakatatawag ng pansin 3. Analohiya 4. Tahasang paglalahad ng suliraning ipaliliwanag
3 Bahagi ng Talata Gitnang Pangungusap (Papaunlad na Pangungusap) Pangwakas na Pangungusap (Nagbibigay buod)
TALATA MAGKAKAUGNAY MAY LAYUNIN MAY BALANGKAS PAG-UNLAD NG KAISIPAN BASE SA PINAKAPAMAKSANG PANGUNGUSAP
KAGANAPAN KAISAHAN TALATA PAGKAKAUGNAY KAAYUSAN
NAGKUKUWENTO KAGANAPAN TAMANG PAGKAKASUNOD KAISAHAN KALINAWAN NG TALATA PAGKAKAUGNAY MAAYOS O MAANYONG PAGLALARAWAN INDAKTIBO KAAYUSAN DEDAKTIBO TANONG AT SAGOT SANHI-BUNGA / BUNGA-SANHI NAGLALAHAD NG HAKBANGIN
PANIMULANG BAHAGI GITNANG PANGUNGUSAP PANGWAKAS NG PANGUNGUSAP
BAHAGI NG TALATA PANIMULA GITNA / KATAWAN PANGWAKAS NA PANGUNGUSAP KATANUNGAN PINAKAKATAWAN NG PANGUNGUSAP NAGBIBIGAY BUOD NAKATATAWAG PANSIN TINATAWAG NA PAPAUNLAD NA PANGUNGUSAP HULUNG DETALYE, OPINYON O PALAGAY ANALOHIYA SULIRANING IPALILIWAG
MGA URI NG TALATA
Mga uri ng talata PANIMULANG TALATA – ito ang una at kung minsan ay hanggang ikalawang talata. Layunin nito ang ilahad ang layunin ng isang teksto. Sinasaad rito kung ano ang isasalaysay, ilalarawan, ipaliliwanag o bibigyang- katwiran. Maaring buuin ng higit sa isang talata subalit kung maiksi ang komposisyon ay maaaring iiisa lamang.
PANIMULANG TALATA Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa iba pang nilikha sa daigdig, walang pagaalinlangang masasabi na ang tao ang nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang ay maibabatay sa mataas na antas ng pag-iisip ng tao. Bunga nito, ang iba pang tanging kakanyahan ibinigay ng Diyos sa tao, may mga tungkuling iniatang Diyos sa balikat ng bawat tao.
Mga uri ng talata TALATANG GANAP – matatagpuan ito kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang i-develop ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng ng paksang pangungusap at mga pangungusap na tumutulong upang matalakay nang ganap ang bahagi ng ng komposisyon na nililinaw ng talata.
TALATAng ganap Ang pananampalataya sa Diyos ay pangunahing tungkulin ng tao. Dapat niyang kilalanin na kung hindi dahil sa Diyos ay wala siya sa daigdig na ito. Kung gayon, dapat niyang ipagpasalamat sa Diyos ang lahat ng biyayang kanyang natatanggap. Ang pananampalataya sa Diyos ay dapat ding makita sa kabutihan sa kanyang kapwa sapagkat Diyos ang nagsabi , “Kung ano ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay siya mo na ring ginagawa sa akin. ”
Mga uri ng talata TALATANG PAGLILIPAT - DIWA – importante ito uypang mgakaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng komposiyson. Ginagamit talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata. Sinasalungat ba ng talatang sinusunduan o dinaragdagan nito ang isipan niyon? Ipinahihiwatig din nito ang development ng paksang tinalakay.
TALATAng paglilipat -diwa Bakit naman sinabi sa Biblia na, “ibigay mo kay Caezar ang kay Caezar, ang sa Akin. Ano ang nais ipahiwatig ng Diyos dito? Paano maipamamalas ang kabutihan ng tao sa kanyang kapwa? Kailangan bang maging malaking bagay ang malay sa kapwa tao?
Mga uri ng talata TALATANG PABUOD – kadalasan na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon. Ilalagay rito ang mahahalagang kaisipan o pahayag na tinalakay sa gitna ng komposisyon. Maaari ring gamitin ang talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor o may-akda ng isang komposisyon.
TALATAng pabuod Ang mga iyan ang mga tungkulin ng tao. Pansinin din ang pagkakasunud-sunod ng pagtalatakay sapagkat ipinapahiwatig niyon ang halaga ng bawat isa: Una, tungkulin sa Diyos: Ikalawa, tungkulin sa kapwa tao; Ikatlo, tungkulin sa bayan; at ikaapat: tungkulin sa sarili.
MGA PARAAN NG PAGBUO NG MABISANG TALATA
Makapangyarihan ang wika. Maaari tiong maging kasangkapan ng pang-aalipin kung paano ginamit ng mga Amerikano ang wikang Ingles nang alipinin nila ang ating bansa may ilang dekada na ang nakararaan. Ngunit ang wika ay maaari ring maging wika ng pagpapalaya kung paanong ginamit ng mga Indones ang Bahasa Indonesia at isigaw nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tunair! Sa layon nilang palayain ang kanilang sarili sa kamay ng mga mananakop na Olandes.
Dahil sa pagsusulat, napanatiling buhay ang kultura at hindi nababaon sa limot ang kasaysayan ng isang bansa. Ang mga nasulat na tala ay mababasa ng salinlahi kaya’t malalaman nila ang pinagdaanan ng kanilang bansa.
MGA MABIBISANG PANIMULA PASAKLAW NA PAHAYAG – ang resulta o ang kinalabasan muna ang sinasabi bago isaisahin at pagsunud-sunurin di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang detalye. Hal. Isang vegetable nursery bawat baranggay ang pinagkakaabalahan sa Rizal , Laguna ngayon.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGBUBUOD – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tukuyin ang sadyang talakay. Halimbawa: 1. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat mamamayan. 2. Kahibangan na ngang matatawag ang pagmamatuwid sa pananatili pa ng mga base militar dito sa bansa.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGTATANONG - ibinabato ang isang katanungan. Halimbawa: Mahina ba ang disiplina o talgang walang disiplina ang mga Pilipino? Katanungan itong base sa pagmamasid ng batas trapiko.
MGA MABIBISANG PANIMULA TUWIRANG SABI - karaniwang nakapanipi (“ ”) at mula sa pagsipi sa isang tiyak na pahayag ng bantog o kilalang tao, dalubhasa o otoridad na gagamiting lundayan ng paksa. Halimbawa “They’r e liars!” Ito ang mariing sinabi kahapon ni Senador Wigberto Tañada sa mga US officials.
MGA MABIBISANG PANIMULA PANLAHAT NA PAHAYAG - nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring ahguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral. Halimbawa Walang pangalawang glorya, karaniwa’y pangalawang dusa. Dito binase ng isang biyuda ang naging karanasan niya sa pag-aasawang muli.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGLALARAWAN - ginagamit kapag nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigayng deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit. Halimbawa Baliw daw si Mercy, ang babaeng may bigote’t balbas. Marusing pero hindi marumi. Nakatali ang manipis na buhok na lampas balikat ang haba. Hanggang tuhod ang pantalon kaya kapansin-pansin ang malago at kulot na balahibo ng mga binti.
MGA MABIBISANG PANIMULA PANGKALIGIRAN - ginagamit kung ang ilalarawan ay pook. Halimbawa Namamayani pa ang dilim , halos wala nang patlang tilaukan ng mga tandang sa silong ng mga dampang nangakatirik sa tabingdagat.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGSALUNGAT - binibigyang-diin ang pagkakaiba. Halimbawa Noong basketbolista si Jaworski, pikon, marumi, nananagi ng kalaban maglaro. Ngayon, pag ganito ang gawang kanyang basketbolista, dahil coach na siya, sinisibak niya.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGSUSUMBI - bihira ang panimulang ito. Maikli lamang na karaniwang binubuo ng isang salita. Halimbawa Luha! Salitang may apat na titik lamang datapwat naglalaman ng isang libo’t isang kahuluagan.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGSUSUMBI - bihira ang panimulang ito. Maikli lamang na karaniwang binubuo ng isang salita. Halimbawa Luha! Salitang may apat na titik lamang datapwat naglalaman ng isang libo’t isang kahuluagan.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGSASALAYSAY - nasa anyong malumanay na pagkukwento. Halimbawa Bago pa man dumating acid jeans at Levi’s ay uso na ang maong. Ika-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na ako sa kama para sagutin ang telepono.
MGA MABIBISANG PANIMULA ANALOHIYA - panimulang nagtutulad o nagwawangis. Halimbawa Hindi ko malaman kung anong di-matiyak na kapanglawan, di – mawaring kalungkutan ang umiinis sa kaluluwa ko, katulad ng malalim na kalungkutan ng mga lungsod pagkatapos ang isang magulong kasayahan, ng isang lungsod pagkaran ng isang napakaligayang pag-iisa.
MGA MABIBISANG PANIMULA ANEKDOTA– panimulang nagkukwento ng imaikling istorya para pasiglahin ang babasa o di kaya’y gamiting tularang lundayan ang kaugnayan. Halimbawa Kinagiwian na ng mag-ina ang pagsisimba tuwing Linggo. Ngunit minsan, nang oras na ng pangungumunyon at hinihila na ng ina ang anak para pumunta na sila sa altar at kakaunti na lamang nakapila, nagulat na lamang ina sa pag-ayaw ng anak. “Bakit anak? ” tanong ng ina. “Kasi po hindi ko gusto ang ginagawa ng paring iyan. ” ang sagot ng anak. Piningot ng ina ang walong taong anak.
MGA MABIBISANG PANIMULA ANEKDOTA Halimbawa “Kahit na dalawang tenga ko pa ang pingutin ninyo, ayoko na talaga!” pagmamaktol ng anak. “Bakit ba? ” galaiti ng ina. “Kasi po… swapang paring iyan! Di nyo po ba napapansin, parang siya lang nauuhaw! Di man lang tayo tirhan ng kaunting tubig. Siya lang ng siya ang umiinom.
MGA MABIBISANG PANIMULA PAGSASALITAAN - dinaraan sa usapan o dyalogo. Halimbawa “Mabuhay! Mabuhay ang Presidente! Ang walang kamayawang pagbati ng nagsisisiksikang madla sa harap ng Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang bagong halal na pangulo na abot –tainga ang mga ngiti ng “Maraming salamat mga kababayan! Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala ninyo!”
Diskusyon/gitna Dito matatagpuan ang kabuuang kalamnan ng iyong paksa. Ang mga talata ay kinapapalooban ng mg pangunahing kaisipan at mga pangtulong o pamunong kaisipan o detalyeng maayos ang pagkakauri-uri at pagkakasama-sama, at makatwiran ang pagkakahanay-hanay at pagkakasunudsunod para sa lubos at kalinawan ng paksa.
Gitnang bahagi PAKRONOLOHIKAL – nakasaayos ayon sa tamang pagkakasunud-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa pinakakasalukuyan. PAANGGULO - nakasaayos batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng akda.
Gitnang bahagi PAESPESYAL o PAAGWAT – maaaring kaparaanang sisimulan sa parang induktibo o deduktibo. Maaring palamang, patiyak, o pasalimuot. PAGHAHAMBING at PAGTATAMBIS – pagbibigay ng mga katangiang maaaring magsimula sa pagkakatulad at pagkakaiba o di kaya’y vice versa.
PANGWAKAS NA BAHAGI Sa wakas nagtatapos ang kabuuan ng komposisyon. Ito ay sinasambit sa ilang pananalita na lamang dahil kung pahahabain pa , bukod sa hindi kasisiyahan, ay hindi na magiging mabisa. Dapat ay kasimhaba lamang ito ng simula at naglalaman ng pangkalahatang palagay pasya ukol sa paksa batay sa mga katibayan at katwirang inisa-isa sa gitna.
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA TUWIRANG SABI PANLAHAT NA PAHAYAG PAGBUBUOD ( mga paraang nabanggit na sa panimulang talata )
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA PAGPAPAHIWATIG NG AKSYON – tuwiran o di-tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa ayon sa hinahangad na inaakalang mahalagang ikatatamo ng kabutihan ng lahat. Halimbawa Ang dapat sisihin ay hindi ang bayang naging biktima ng panggagahis kundi angpinunong kasangkapan sa hukbong sandatahan upang gahisin ang bayan.
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA MAHALAGANG INSIDENTE – madulang pangwakas na maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at sa katauhan ng mga nasangkot sa katha. Halimbawa Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang naging mailap noong sila’y nagsasama pa, nang magtagpo silang muli… sa morgue.
MABISANG PANGWAKAS NA TALATA PAGSISIPI – pangwakas itong kumukopya ng isang taludtod o mahigit pa sa isang akda, patula man o patuluyan, na ang sinasabi ay angkop sa tinatalakay na paksa. Halimbawa Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging sa mundo. Tila pakawalang bahala sa mga kumbensyon ng lipunan. Kalayaan na maihahalintulad sa paglipad ng ibong pipit. Paglipad upang salubungin ang umagang nagpapangako ng mas magandang bukas.
- Slides: 48