Pagsasalaysay q Isang paraan ng pagpapahayag na naguugnay

  • Slides: 24
Download presentation
Pagsasalaysay

Pagsasalaysay

q Isang paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari ay may layuning magkwento

q Isang paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari ay may layuning magkwento q Pinakamatandang anyo ng pagpapahayag q Nagsimula sa alamat, epiko at kwentong-bayan q Maaring ibatay sa : sariling karanasan, pangyayaring nakita o nasaksihan, narinig o napakinggan, nabasa, bungang-isip o guni

SANGKAP AT KATANGIAN NG MABUTING PAGSASALAYSAY: A. MAGANDANG PAMAGAT Katangian ng mabuting pamagat: 1.

SANGKAP AT KATANGIAN NG MABUTING PAGSASALAYSAY: A. MAGANDANG PAMAGAT Katangian ng mabuting pamagat: 1. Maikli 2. Orihinal 3. Gumigising sa kawilihan at pananabik 4. Hindi nagbubunyag ng wakas 5. Hindi palasak

Mga Dapat Iwasan sa Pagpili ng Pamagat: 1. Pangkaraniwang pamagat 2. Pamagat ng nagbubunyag

Mga Dapat Iwasan sa Pagpili ng Pamagat: 1. Pangkaraniwang pamagat 2. Pamagat ng nagbubunyag sa lihim ng pagsasalaysay 3. Maituturing na isang kahangalan 4. Nalalabag sa mabuting panlasa

Mga Maaring Pagkunan ng Pamagat: 1. Pinakamahalagang bagay sa salaysay 2. Pook na may

Mga Maaring Pagkunan ng Pamagat: 1. Pinakamahalagang bagay sa salaysay 2. Pook na may malaking kinalaman sa pangyayari 3. Isipan o damdaming namamayani sa salaysay 4. Isang mahalagang pangyayari sa kwento 5. Katotohanang pinatunayan sa salaysay

B. MAHALAGANG PAKSA q Ang paksa o pangyayaring isasalaysay ay dapat na magkaroon ng

B. MAHALAGANG PAKSA q Ang paksa o pangyayaring isasalaysay ay dapat na magkaroon ng kahalagahan at kakintalan q Ang salaysay ay nagiging kawili-wili at nagbubunga ng pananabik kung may maigting na tunggalian q Ang paksa ay dapat na maging makabuluhan, kalimita’y kapupulutan ng mga kahalagahang pantao, nagbibigay ng aral at mabubuting halimbawa

C. KAWILI-WILING SIMULA q Ang maganda at kawili-wiling simula ng anumang pagsasalaysay ay nakaakit

C. KAWILI-WILING SIMULA q Ang maganda at kawili-wiling simula ng anumang pagsasalaysay ay nakaakit sa mambabasa q Hindi dapat simulan sa maligoy at masalita, dapat ay may kilos agad ang tauhan

MAHINANG SIMULA Noong araw, sa malayong nayon ng Mauwak, bayan ng Kalikasan, sa lalawigang

MAHINANG SIMULA Noong araw, sa malayong nayon ng Mauwak, bayan ng Kalikasan, sa lalawigang Lambakin ay mag-asawang naninirahan. Sila ay sina Mang Pedro at Aling Nena. Si Mang Pedrio ay masipag na magsasaka. Si Aling Nena naman ay mabait, masipag at ulirang maybahay.

MABUTING SIMULA q “Mabilis na napabalikwas ng bangon si Mang Pedro. Tinanghali siya ng

MABUTING SIMULA q “Mabilis na napabalikwas ng bangon si Mang Pedro. Tinanghali siya ng gising e, mag-aararo siya ngayon sa bukid. Kaya’t matapos magmumog sa bintanan ng kusina, mananaog na sana siya upang kunin si Kalakain , papasanin ang araro at pupunta na sa bukid. Subalit…… q “Oy, Pedro, ” tawag ni Aling Nena sa asawa. “Inumin mo muna ang mainit na kapeng ito bago kalumabasa ng bukid. Ako ay sasaglit sa kabayanan. Bibili akong ilang gulay na pinamitas ko kahapon. ”

D. MAAYOS NA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI § may magandang pagkakatagni-tagni atg maayos na

D. MAAYOS NA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI § may magandang pagkakatagni-tagni atg maayos na kabuuan ng salaysay E. ANG KAWILI-WILING WAKAS § isinusunod agad sa kasukdulan ng salaysay § maikli dapat ang wakas § Ipinauubaya dapat sa guni at haraya ng mamababasa o tagapakinig ang ibang detalye

ANG PAGSASALAYSAY NA NAGBIBIGAY DIIN SA BALANGKAS 1. PANIMULA- inilalahad ang tagpuan, nakikilala rito

ANG PAGSASALAYSAY NA NAGBIBIGAY DIIN SA BALANGKAS 1. PANIMULA- inilalahad ang tagpuan, nakikilala rito ang mga tauhan, pook at panahon. May mga pagkakataon namang mga tauhan at pook lamang isinasaad at ipinauubaya na lamang panahon sa mga nakikinig o bumabasa.

 Sumisilip pa lamang araw nang kami’y lumusong sa landas na patungo sa tubigan

Sumisilip pa lamang araw nang kami’y lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka Tasyo. Nakasabay namin si Ka Teryo. Nakasabay namin si Ka albina na asama ang dalaga niyang si Nati at ang pamangking si Pilang. Ang tatlo’y may sunong na matong ng kasangkapan at pagkain. Hango sa “Suyuan sa Tubigan” ni : Macario Pineda

MGA URI NG PANIMULA a. Isang katotohanang tinatanggap ng lahat Ang buhay ay isang

MGA URI NG PANIMULA a. Isang katotohanang tinatanggap ng lahat Ang buhay ay isang pakikipagtunggali. b. Paglalarawan ng pangunahing tauhan sa kwento Si Virginia, ang babaeng madasalin, palasimba at mapagluhod sa mga tabi ng ‘confessionario” ay may 10 taon nang kasal kay Rodin. Bunga ng Kasalanan ni Cirio Panganiban

c. Paglalarawan ng pook Sa dakong itaas, sa libis ng isang bundok sa tabi

c. Paglalarawan ng pook Sa dakong itaas, sa libis ng isang bundok sa tabi ng batisan, ay may nakakanlong sa mga punong-kahoy na isang kubo, na balu -baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng kanyang bubungang kugon ay malagong gumagapang kalabasang may maraming bunga at bulaklak; ang palamuting bahay-bukid na iyon ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-ramo, na ang ilan aymay mahabang pangil. Doon tumitita ang isangmaganak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaos at pangangahoy. Noche Buena ni: Jose Rizal

d. Pagsisimula ng usapan Malalaki ang patak ng ulan at palakas ang hangin. Gabi.

d. Pagsisimula ng usapan Malalaki ang patak ng ulan at palakas ang hangin. Gabi. “Malakas ang unos na ito, ”sabi ni Inang. “Neneng, ang posporo, itabi mo…. baka mamatay ang gasera. ” “Nasa akin na ho, ”ang sagot ko. Kapag Busilak ang Puso Rudy A. Santos

e. Pagsisimula ng Pagsasalaysay Ang mga yapak ni Ingkong Bino ay gumasgas sa palikaw-likaw

e. Pagsisimula ng Pagsasalaysay Ang mga yapak ni Ingkong Bino ay gumasgas sa palikaw-likaw na landas na nagmumula sa kanilang munting sukat na bakuran at humahantaong sa munting pintuan ng libingang –bayan ngn Kandaba. Tuwing umaga, mga paaa ng matandang ito ang unang bumabasa sa mga hamog na nakasalalay sa mga damong kanyang nayayapakan. At maraming hapon na ang putkang paa ni Ingkong Bino ang nag-iiwan ng kahuli-ihulihang bakasa sa damuhan at sa palikaw-likaw na landas na iyon. Sangandaan ng Buhay ni: Florentino Lapuz

f. Pagsisimula ng Tunggalian Isang iglap sa pagitan ng buhay at kamatayan. Isang iglap

f. Pagsisimula ng Tunggalian Isang iglap sa pagitan ng buhay at kamatayan. Isang iglap mula sa pag-igkas ng mabilis na kableng ga-bisig at sa paghampas nito sa bungoni Korbo. Isang iglap ng abot langit na sigaw ng pagtutol ng kanyang utak na sa loob ng iglap ding iyon ay pira-pirasong nakalat sa lapag ng ikiran ng balotbakala na kable. Dugo at Utak ni: Cornelio Reyes g. Panimulang haluan pagsasama ng alinman sa uri ng panimula

2. Saglit na kasiglahan - panimula sa suliraning bibigyan ng lunas Panimula: Lumutang sa

2. Saglit na kasiglahan - panimula sa suliraning bibigyan ng lunas Panimula: Lumutang sa katahimikan ng hatinggabi ang tanguyngoy ng isa ng aso. Nagliklik sa kakahuyan at inihatid ng panggabing simoy sa loob ng nag-iisang maliit na kubo ng kaingin. Saglit na kasiglahan Naalimpungatan si Nana Sebya. Gulilat na napahamak sa kalamnan ng bisig ng nahihimbing na asawa at dalas-dalas na inalog iyon. ”O, Pento, ayan na naman!”.

3. Suliraning inihahanap ng lunas Dapat tandaan: 1. Dapat may matibay na pagkakaugnay ang

3. Suliraning inihahanap ng lunas Dapat tandaan: 1. Dapat may matibay na pagkakaugnay ang mga suliraning inihahanap ng lunas 2. Gumamit ng di pangkaraniwang pangyayari upang lalong maging kapansin-pansin 3. Hindi dapat magbunyag sa kasukdulan bagamat anbg bawat sumusunod na suliranin ay binibigyang dahilan ng sumusunod dito.

4. Kasukdulan § inilalarawan nang malinaw, maayos at tiyak Kasidhian ng suliraning inihahanap ng

4. Kasukdulan § inilalarawan nang malinaw, maayos at tiyak Kasidhian ng suliraning inihahanap ng lunas pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 5. Kakalasan/wakas § pagkatapos ng wakas ay dapat na isunod ang wakas § hindi dapat magkaroon ng maraming paliwanag

PAGLALARAWAN NG PANGUNAHING TAUHAN Karaniwang pamamaraang ginagamit sa paglalarawan ng pangunahing tauhan: 1. 2.

PAGLALARAWAN NG PANGUNAHING TAUHAN Karaniwang pamamaraang ginagamit sa paglalarawan ng pangunahing tauhan: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. Bahagi ng katawan ng tauhan Kaisipang naghahari sa kanya Mga ikinikilos sa harap ng pangyayari Tiyakang pagsusuri ng kanyang katauhan Inilalarawan ang paraan ng pagsasalita at pakikipag-usap sa ibang tao Inilalarawan ang damdaming ginigising sa mga kasamang tauhan Inilalarawan ang sinasabi ng ibang tauhan tungkol sa kanya Tinatalakay ang kanyang kapaligiran tulad halimbawa ng kanyang tirahan at kasangkapang ginagamit

USAPAN SA KWENTO Dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng mabuting usapan 1. Pagiging natural §

USAPAN SA KWENTO Dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng mabuting usapan 1. Pagiging natural § Ang sagutan ay tulad ng tunay na usapan 2. Angkop ang sinasabi sa uri ng tauhan § sa pamamagitan ng pagsasalita ay makikilala ang tunay na sarili ng tauhan 3. Naangkop sa pangyayari § isaalang-alang damdaming naghahari sa nagsasalita 4. May kaugnayan sa galaw ng kwento § gamitin ang usapan sa pasulong na galaw ng kwento 5. Matimpi § pumili ng angkop na salitang naaangkop sa kaisipang nais ipahayag

URI NG PAGSASALAYSAY 1. MAIKLING KWENTO 2. TULANG PASALAYSAY 3. DULANG PANDULAAN 4. NOBELA

URI NG PAGSASALAYSAY 1. MAIKLING KWENTO 2. TULANG PASALAYSAY 3. DULANG PANDULAAN 4. NOBELA 5. ANEKDOTA 6. ALAMAT 7. TALAMBUHAY 8. KASAYSAYAN 9. TALA NG PAGLALAKBAY

SANGGUNIAN Austero, C. , et al. (2000). Retorika. Valenzuela: Mutya Publishing House. Mag-atas R.

SANGGUNIAN Austero, C. , et al. (2000). Retorika. Valenzuela: Mutya Publishing House. Mag-atas R. , et al. (1998). Mabisang pagpapahayag (Retorika)3. Makati, Maynila : Grandwater Publications and Research Corp. San Juan, P. G. , et al. (2007). Masining na pagpapahayag (Retorika). Makati, Maynila: Grandwater Publications and Research Corp. Sauco, C. et al. (2004). Retorika para sa antas tersyaryo. Makati: Katha Publishing Co. , Inc.