SINTAKS Gawin Natin Ilabas ang dalang prutas Salatin

SINTAKS

Gawin Natin! Ilabas ang dalang prutas. Salatin ang balat nito sa labas. Damhin ang kinis o gaspang, ang mga uka o bukol, ang mga kurba, at iba pa. Balatan ang prutas. Damhin naman ang tekstura ng balat nito sa loob, gaya ng pagkamamasa o lagkit nito.

Gawin Natin! Ngayon, obserbahang mabuti ang laman (flesh) ng prutas. Matigas ba ito, malambot, buo, hiwa-hiwalay? Kagatin ang prutas. Pakalasapin ito. Obserbahan ang pagkakaayos ng mga buto ng prutas. Pagmasdan ang iba pang katangian ng dalang prutas.

Gawin Natin! Ihambing ang mga katangian ng iyong prutas sa buhay ng tao. Ano ang kinakatawan ng kinis o gaspang? Sa anong karanasan nahahalintulad ang lasa o amoy? Paano mo nakikita ang mga buto sa iyong pamilya o kaibigan?


Gawin Natin! Sa 1/4 na papel, gumawa ng tanaga ukol sa dalang prutas. Ang tanaga ay isang tulang may apat na linya at pitong pantig sa bawat isa, gaya ng sumusunod: Palay siyang matino Nang humangi’y yumuko Ngunit muling tumayo

Sintaks Ang set ng mga tuntunin na pumapatnubay kung paano maaaring pagsama-samahin o pag -ugnayin ang mga morpema / salita upang makabuo ng mga parirala o pangungusap.

Sintaks Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words) pangngalan panghalip pang-uri pang-abay Mga Salitang Pangkayarian (Function Words) pangatnig pang-angkop pang-ukol pantukoy pangawing na “ay”

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos: 1. Payak (Simple) – kung binubuo lamang ng isang sugnay na nakapag-iisa. Hal. , Matayog ang lipad ng eroplano.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos: 2. Tambalan (Compound)– kung binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa (at, ngunit, subalit, datapwat) Hal. , Matayog ang lipad ng eroplano at siya ay kasabay nitong lumilipad.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos: 3. Hugnayan (Complex) – kung binubuo ng isang sugnay na nakapagiisa at isang hindi nakapag-iisa (sapagkat, dahil, upang, nang, para). Hal. , Matayog ang lipad ng eroplano upang hindi ito maabala ng mga ulap.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Ayos: 4. Langkapan (Compound Complex) – kung binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa at isang hindi nakapag-iisa. Hal. , Matayog ang lipad ng eroplano at siya ay kasabay nitong lumilipad ngunit naiwan niya sa Pilipinas ang kanyang kasintahan dahil abala naman ito sa kanyang restawran.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Nilalaman: 1. Paturol (Declarative) – kung nagpapahayag ng payak na impormasyon. Hal. , Dumarami na ang sangay ng kanyang restawran.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Nilalaman: 2. Patanong (Interrogative) – kung nag-uusisa at humahanap ng impormasyon. Hal. , Ilan na ba ang mga sangay ng iyong restawran?

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Nilalaman: 3. Pautos (Imperative) – kung nagbibigay ng kilos na dapat gawin ng kausap. Hal. , Pakilinis na ang mga mesa para sa susunod nating mga kustomer.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Nilalaman: 4. Padamdam (Exclamation) – kung nagbubulalas ng matinding damdamin. Hal. , Yahoo! Ang ating restawran ang ginawaran ng Consumer’s Choice Award!

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 1. Pangungusap na Eksistensyal – nagpapahayag ng pagkakaroon o kawalan. Hal. , May pag-ibig ka pa ba para sa akin? Wala. (E, hindi naman kita kilala. )

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 2. Pangungusap na Pahanga – nagpapahayag ng damdamin ng paghanga. Hal. , O, kayganda! Ang galing!

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 3. Maiikling sambitla – isa o dalawang pantig na katagang may matinding damdamin. Hal. , Aray! Syet!

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 4. Pangungusap na Pamanahon – nagsasaad ng oras o panahon. Hal. , Sa makalawa pa. Tag-ulan na naman.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 5. Pormulasyong Panlipunan – pagbati at iba pang kalugod-lugod na salitang sinasabi upang makapagtaguyod ng mabuting ugnayan. Hal. , Magandang umaga! Maligayang kaarawan! Opo.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 6. Modal – nagpapahayag ng kagustuhan. Hal. , Gusto kong kumain.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 7. Penomenal – nagsasaad ng mga pangyayari sa kalikasan. Hal. , Nagbaha sa UST.

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 8. Pandiwang tugon sa pangungusap o nag-uutos o nagyayaya Hal. , Dali! Layas! Tayo na!

Sintaks Mga Uri ng Pangungusap na Walang Paksa: 9. Panawag Hal. , Psst! Hoy!

Sintaks Takdang – Aralin: 1. Anu-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian? Bigyang katuturan ang bawat uri. 2. Mabigay ng tig-2 halimbawa.
- Slides: 26