ANG MAHARLIKANG AWIT NG PAGIBIG Liksyon 6 para
ANG MAHARLIKANG AWIT NG PAG-IBIG Liksyon 6 para sa ika-11 ng Mayo, 2019
Ang sekswal na ugnayan ay bawal na paksa sa maraming kultura. Tinuturing ito sa kabuuan na parang kasalanan. Gayunman, pinapaunawa ng Biblia na ginawa ng Dios ang babae at lalaki hindi lang para magparami, ngunit upang ikasiya ang malapit at kasiyang ugnayan, sa parehong pisikal at espiritwal. Ang sekswal na ugnayan ay kaloob ng Dios. Paano natin ito ma-enjoy sa tamang paraan? Ano ang mga hangganan sa ganitong uri ng ugnayan? Paano ipahayag ang ating pag-ibig : Pisikal at espiritwal na pag-ibig Pag-ibig at pagkakaibigan Pisikal na pagpahayag ng pagibig Paano panatiliing buhay ang pag-ibig: Pag-ibig na naghihintay
PISIKAL AT ESPIRITWAL NA PAG-IBIG “Sapagka't kayo'y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. ”(1 Corinto 6: 20) May maling Griegong ideya na lumaganap sa Kristianismo mula ng pasimula: na ang ating pisikal na bahagi ay likas na masama at ang ating espiritwal na bahagi ay likas na mabuti. Bunga nito, ang turing sa sekswalidad ay kasalanan. Ganunpaman, sa Biblia, ang pisikal at espiritwal ay di-mapaghihiwalay (Genesis 2: 7). Ang kabanalan ay hindi salungat sa sekswalidad. Ang malusog na buhay sekswal ay hindi hadlang sa isang may asawa na magtalaga sa Dios sa katawan at espiritu. Sinalaysay na may kapayakan ng Awit ni Solomon ang pisikal na relasyon. Paa, pusod, suso, halik, karinyu… Ginawa lahat iyon ng Dios para sa pisikal na kaligayahan ng magasawa (5: 10 -16; 7: 1 -9).
PAG-IBIG AT PAGKAKAIBIGAN “Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem!” (Awit ni Solomon 5: 16) Upang malubos ang kasiyahan sa kanilang relasyon, ang nag-aasawa ay nararapat na maging magkaibigan muna. Matalik na magkaibigan. Gumugugol sila ng panahong magkasama, bukas na nag-uusap, at kumakalinga sa isa’t -isa. Ang mapagmahal na pagkakaibigang iyon ang tumutulong sa asawang magsama, ipakita ang kanilang parehong atraksyon na may kahustuhan at magiliw na mga kilos. Ganunpaman, hindi natural sa atin ang tunay na pag-ibig, ngunit ito’y kaloob mula sa Espiritu Santo. Ang tapat at dimakasariling pag-ibig na ito ay matibay at tumatagal na bigkis.
PISIKAL NA PAGPAPAHAYAG NG PAG-IBIG “Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan, at kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga. ”(Awit ni Solomon 4: 16) Hinimok ng Dios sina Adan at Eba na maging “isang katawan” sa Hardin ng Eden. Sa talinhagang ito mula sa Awit ni Solomon, ang katawan ng mag-asawa ay nagiging hardin na ikakalugod nila. Ang ganitong uri ng pananalita ay nagpapakita na ang sekswal na ugnayan sa pag-aasawa ay kaloob ng ating Manlalalang. Ang pinakamadalas na pahayag upang tukuyin ang matalik na relasyon sa Biblia ay “kilalanin” (Gn. 4: 1, 17, 25; 1 S. 1: 19; 1 K. 1: 4; Lk. 1: 34). Ang pandiwang iyon ay ginagamit din sa paglarawan sa relasyon ng tao at Dios (Juan 17: 3).
“Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko; bukal na nababakuran, balon na natatakpan. ” (Awit ni Solomon 4: 12) Sa Awit ni Solomon, ang ideal sa lalaki at babae ay manatiling birhen ("binakurang hardin") hanggang sila’y ikasal. Sa Awit ni Solomon 8: 8 -10, ang pamilya ng batang Sulamita ay nagiisip kung siya ba ay pader (sirado) o pintuan (bukas). Nanindigan siyang siya ay birhen pa (pader). Nagpayapa ito sa kanya, at nagpahintulot namasiyahan ang kanyang mangingibig sa “gatas at pulot” (4: 11), isang buo at parehong pagpapasakop. Pakiramdam nila’y dumating sila sa lupangako [umaagos ng gatas at pulot] na magkasama.
MGA HANGGANAN NG PAG-IBIG “Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. ”(Awit ni Solomon 8: 6) Ang pagsasama ng lalaki at babae ay sumasalamin sa imahe ng Dios (Gen 1: 26 -27). Ganunpaman, sinira ng kasalanan ang sekswal na ugnayan. Kaya naglagay ng limitasyon ang Dios sa pagtatalik. Tinukoy Niya kung ano ang tama at ano ang mali (Levitico 20: 7 -21; Roma 1: 24 -27). Pangangalunya, pakikipagrelasyon sa kapamilya, pakikipagrelasyon sa kapwa babae o lalaki, pakikipagrelasyon sa hayop, at iba pang hindi katanggap ng mga gawain ay tinuturing na kasalanan sa Biblia. Hinihimok tayong tanggapin na ang ating katawan at sekswalidad ay pag-aari ng Dios. Dapat gamitin natin ito ayon sa plano ng Dios—at sa Kanyang tulong.
“Ang makadios na pag-ibig mula kay Cristo ay hindi sumisira sa pag-ibig ng tao, ngunit sinasangkot ito. Sa pamamagitan nito ang pag-ibig ng tao ay dinadalisay, nililinis, inaangat at pinapadakila. Hindi magbubunga ang pag-ibig ng tao habang hindi ito kaisa ng makadios na likas at naturuang lumago papunta sa langit. Nais ni Jesus Makita ang masayang pag-aasawa. Gaya ng ibang mga mabubuting kaloob ng Dios na ipinagkatiwala sa tao, ang pag-aasawa ay sinira ng kasalanan; ngunit layunin ng magandang balita na ibalik ang kadalisayan at kagandahan nito. . . Ang biyaya ni Cristo, at ito lang, ang makakagawa sa samahang ito gaya ng dinisenyo ng Dios—isang ehente ng pagpapala at pagtaas ng sangkataohan. Sa gayon ang mga pamilya sa Lupa, sa kanilang pagkakaisa, kapayapaan at pag-ibig, ay kumatawan sa pamilya ng langit. ” E. G. W. (The Adventist Home, cp. 15, p. 99 -100)
- Slides: 8