Kayo at ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan Ang
Kayo at ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan
Ang Problema • Maaaring samantalahin ng mga kumpanya ng seguro ang inyong sitwasyon at pagkaitan ang 129 milyong Amerikano na dati nang may sakit o kondisyon. • Tumaas ang mga premium ng mas mahigit pa sa doble nitong nakaraang dekada, habang pataas naman ang itinubo ng mga kumpanya ng seguro. • Noon, ang mga milyong-milyon ay nakaseguro sa mas mababang halaga at marami naman sa mga mayroon pangkalusugang seguro ang natatakot na mawala ito. • At 50 milyong Amerikano ang walang kahit na anong uri ng seguro noon.
Ang Batas sa Pangangalagang Pangkalusugan Noong Marso 2010, isinabatas ni Pangulong Obama ang Affordable Care Act (Batas sa Abot-kayang Pangangalaga).
4 na Bagay na Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Batas: • Winawakasan nito ang napakagrabeng pang-aabuso ng mga kumpanya ng seguro • Ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan • Pinapagtibay nito ang Medicare • Nagbibigay ito ng mas magagandang pagpipilian ng coverage
Pinipigilan ng Batas ang Pagsasamantala sa Inyo ng mga Kumpanya ng Seguro NGAYON, iligal sa mga kumpanya ng seguro na: • Ipagkait ang coverage sa mga bata dahil sa dati nang kondisyon na tulad ng hika o diyabetis. • Maglagay ng lifetime cap sa halagang kailangan nilang bayaran kapag kayo ay magkasakit. • Kanselahin ang inyong coverage kapag nagkasakit kayo sa pamamagitan ng paghanap ng kamalian sa inyong mga dokumento. • At marami pang iba. . .
Pinipigilan ng Batas ang Pagsasamantala sa Inyo ng mga Kumpanya ng Seguro “Bagong Silang na Sanggol Pinagkaitan ng Coverage sa Segurong Pangkalusugan Ilang Araw Pagkatapos ng Operasyon sa Puso na Nakapagligtas sa Kanyang Buhay” -- ABC News “Mga Mababang Cap ng Segurong Pangkalusugan Iniiwang walang mapuntahan ang mga Pasyente” -- USA Today “Palagiang Tinatarget ng Well. Point ang mga May Kanser sa Suso para sa Pagpapawalang-bisa o Rescission” -- The Huffington Post
Ginagawang Mas Abot-kaya ng Batas ang Segurong Pangkalusugan Sa maraming pagkakataon, makikinabang kayo sa mga libreng serbisyong pang-iwas ng karamdaman : q q q Mga pagpapasuri hinggil sa kanser tulad ng mga mammogram at colonoscopy Bakuna tulad ng para sa trangkaso, beke at tigdas Pagpapakuha ng presyon ng dugo Pagpapasuri ng cholesterol Pagpapapayo at pagpapatulong upang mahinto ang paninigarilyo Pag-iwas sa pagdadalangtao q Pagpapasuri hinggil sa depresyon q At marami pang iba. . . www. healthcare. gov/prevention para sa kumpletong listahan. Bumisita sa
Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan NOON, gumagastos ang mga kumpanya ng seguro ng hanggang 40 cents ng bawat premium dollar para sa mga gastusing kaugnay sa pamamalakad ng negosyo, pagbebenta, at mga sahod ng CEO. 60% / 40% NGAYON, isinasaad sa bagong 80/20 na tuntunin na dapat gumastos ang mga kumpanya ng seguro ng hindi kukulangin sa 80 cents ng inyong premium dollar ang dapat gastusin ng mga segurong pangkalusugan para sa pangangalaga sa inyo o pagpapabuti sa pangangalaga. Kung hindi, dapat nilang ibalik ang pera. 80% / 20%
Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan “Dumarating ang mga tseke ng rebate sa kalusugan sa ilalim ng Batas sa Abot-kayang Pangangalaga” -- The Tampa Tribune “Ang mga mamimili ng Missouri, Illinois ay tumatanggap ng mga rebates sa ilalim ng batas sa pangangalagang pangkalusugan” -- St. Louis Post-Dispatch “Ang mga rebate ng segurong pangkalusugan ay ipapadala sa 81, 000 na mga policyholder sa Ohio” -- Cleveland Plain Dealer
Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan NOON, mas mataas ang ibinabayad ng mga maliliit na negosyo - nasa average ng 18 porsiyento kung ikukumpara sa ibinabayad ng mga malalaking negosyo. NGAYON, maaaring makakuha ang mga maliliit na negosyo ng mga tax credit para makatulong sa pagbayad ng coverage para sa kanilang mga empleyado.
Ginagawa ng Batas na Mas Abot-kaya ang Segurong Pangkalusugan “Noong 2010, nagbayad kami ng halos $11, 000 para sa segurong pangkalusugan ng mga empleyado. Binawasan ng tax credit ang aming gastusin ng mahigit sa $2, 000. Para sa isang maliit na negosyong nagsisikap mapanatili ang coverage na pangkalusugan, malaking tulong ito. Sa totoo lang, iniisip na naming alisin ang aming seguro, ngunit dahil sinagot ng tax credit ang balanse at tinulungan kaming panatiliin ang coverage. ” --Matt H. in Montana
Pinagtitibay ng Batas na Ito ang Medicare • Libreng mga serbisyong pang-iwas karamdaman na tulad ng mga mammogram, colonoscopy at mga taunang pagpapasuri ng kalusugan. • Diskuwentong 50% para sa mga kasama sa coverage na kilalang tatak (o brand name) na mga gamot na nasa prescription drug donut hole – karaniwang katipiran ng mahigit sa $650 sa bawat tao. • Mas mahigpit na mga hakbang laban sa mga pandaraya, pati na rin ang mas mabigat na mga parusa para sa mga kriminal.
Pinapagtibay ng Batas ang Medicare “Isa akong lolang nagsisikap para tulungan ang aking apo sa kanyang pag-aaral. Ako ay umiinom ng pitong iba't ibang gamot. Sa pagsasara ng donut hole, magkakaroon pa ako ng kaunting karagdagang pera sa aking bulsa. ” - Helen R. in Pennsylvania
Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage Nagbibigay ang batas ng mas magagandang opsyon para sa mga milyung-milyong Amerikanong nagbabayad ng kanilang sariling coverage, nawalan ng coverage o talagang walang coverage.
Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage Ang mga kabataang nasa edad na 26 at pababa ay maaari na ngayong manatili sa mga planong pangkalusugan ng kanilang mga magulang. “Sa totoo lang, hindi ko siguro alam kung ano ang aming gagawin. . . Walang paraan para makayanan naming bayaran ito. Wala na siguro ako ngayon dito. ” --Kylie L. , 23, mula Illinois, na nagpapasalamat sa batas ng pangangalaga ng kalusugan para makayanan niyang bayaran ang heart transplant na nakapagligtas sa kanyang buhay.
Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage May mga bagong plano sa bawat estado para sa mga taong tinatanggihan ng merkado ng seguro dahil sa dati nang kondisyon tulad ng kanser o sakit sa puso. “Noong nasuri ako, sinabi sa akin na mayroon akong 60 na porsientong tsansang gumaling. Malaki ang pag-asa kong gumaling pero matindi ang pag-aalala ko sa pera. Ngayon, pakiramdam kong kaya na naming mabayaran ang pagpapagamot. ” --Gail O. mula New Hampshire Para sa karagdaragang impormasyon, bumisita sa www. PCIP. gov.
Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage Simula sa 2014: • Ilegal na ang diskriminasyon sa mga taong may dati nang kondisyon o dahil sa sila ay mga babae. • Magkakaroon ng bagong nakabase sa Estado na mga merkado – na tinatawag na Affordable Insurance Exchanges – kung saan kayo ay makakapili ng pribadong plano. • Gagawing mas abot-kaya ng mga tax credit ang pagbili ng seguro.
Nagbibigay ang Batas ng Mas Magagandang Opsyon para sa Pagkuha ng Coverage Kaya, anuman ang mangyayari, magkakaroon kayo ng abot-kayang segurong pangkalusugan.
Pinapalawak ng Batas ang Pagkakaroon ng Pangangalaga May mga libu-libong bagong doktor at nars sa mga komunidad sa buong bansa at milyung-milyong pasyente pa ang makatatanggap ng pangangalaga.
Ang Batas ay Nabayaran Na Napakaraming independiyenteng eksperto ang nagkumpirma na hindi magdaragdag ang batas ng ni isang sentimo sa deficit.
4 na Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Batas • Winawakasan nito ang mga napakagrabeng pangaabuso ng kumpanya ng seguro • Ginagawa nitong mas abot-kaya ang segurong pangkalusugan • Pinapagtibay nito ang Medicare • Nagbibigay ito ng mas magagandang pagpipilian ng coverage
Alamin Pa Ang Tungkol Dito http: //www. healthcare. gov/
- Slides: 22