MGA SUSI SA PAGKAKAISA NG PAMILYA Liksyon 7








- Slides: 8
MGA SUSI SA PAGKAKAISA NG PAMILYA Liksyon 7 para sa ika-18 ng Mayo, 2019
Ang pananatili ng pagkakaisa sa pamilya ay nangangailangan ng pagsisikap ng bawat miyembro. Magiging matibay ang pagkakaisa ng pamilya kung bawat isa ay mga sumusunod: Jesus Pag-ibig Kababaan Pagpapasakop Pagtatalaga
JESUS “Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. ” (Galacia 3: 28) Ang pamumuhay kay Kristo ay nagdadala ng praktikal na pagbabago sa buhay natin (Roma 6: 22; 2 Corinto 5: 17). Tinatanggal ng krus ni Kristo ang lahat ng pader na naghihiwalay sa tao. Habang lumalapit tayo kay Jesus, lumalapit din tayo sa isa’t-isa. Ito ay talagang totoo din sa pamilya. Kung si Jesus ang centro ng puso ng bawat isa, may pagkaka-isa ang magasawa, mag-ama o mag-ina, at magkakapatid…
PAG-IBIG “Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios. ” (1 Juan 4: 7) Ang salitang Griyego na ágape ay ginamit sa Bagong Tipan para sap ag-ibig ng Dios at ang pag-ibig na dapat natin ipakita sa isa’t-isa. Ang uri nito ay mas mataas sa pisikal o filial nap ag-ibig. Kaloob ito mula sa Banal na Espiritu (Roma 5: 5). Ihambing ang iyong ugali sa kahulugan ng ágape sa 1 Corinto 13: 4 -7. Anu-anong mga pagbabago ang kailangan sa buhay mo? Isulat ang pangalan mo sa mga patlang sa hulihan ng pangungusap na totoo sa buhay mo ngayon ____ ____ ____ ____ • mapagpahinuhod, atmagandang-loob • hindinananaghili • hindinagmamapuri • hindimapagpalalo • hindinaguugalingmahalay • hindihinahanapangkaniyangsarili • hindinayayamot • hindiinaalumanaangmasama • hindinagagalaksakalikuan • nakikigalaksakatotohanan • binabataanglahat • pinaniniwalaananglahat • inaasahananglahat • tinitiislahat
KABABAAN “Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili. ” (Filipos 2: 3) Dahil sa kasalanan, naging likas na bahagi na ng tao ang pagkamakasarili. “Kung maisasantabi lang pagkamakasarili at pagmamataas, sa loob ng limang minuto ay matatanggal ang pinakamaraming kahirapan. ” (Ellen G. White, Early Writings, p. 119) Hinikayat tayo ni Pablo na gayahin ang halimbawa ng pagpapakumbaba ni Kristo (v. 4 -8). Magagawa lang natin ang tunay na kapakumbabaan kung luluhod tayo sa paanan ng Krus.
PAGPAPASAKOP “na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo. . ” (Efeso 5: 21) Ang mga umiibig sa Dios ay tinawagang magpasakop sa isa’t-isa. Nagtakda ng tatlong halimbawa ng pagpapasakop si Pablo: Magpasakop ang mga asawang babae sa kanilang asawang lalaki • Efeso 5: 22 Magpasakop ang mga anak sa kanilang magulang • Efeso 6: 1 Magpasakop ang mga alipin sa kanilang amo • Efeso 6: 5 Ang mga iyon ay inaasahan na sa panahon nila. Anong pagkakaiba sa payo ni Pablo? Paano natin tatanggapin iyon sa panahon natin? Una, ang pagpapasakop kay Kristo ay tugunan. Ikalawa, may mga kondisyon sa mga naunang halimbawa ng pagpapasakop: Kailangang kumilos ang mga asawang lalaki gaya ni Kristo • Efeso 5: 25 -33 Hindi dapat inisin ng mga magulang kanilang anak • Efeso 6: 4 Hindi dapat pagbantaan ng mga amo ang kanilang mga alipin • Efeso 6: 9
PAGTATALAGA “Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. ” (Genesis 2: 24) Bawat pamilya ay nagsisimula sa pagtatalaga. Ang pagtatalagang ito ay bumibilang sa buong pamilya Pagtatalaga sa kasal Pagtatalaga sa pagitan ng magulangat mga anak Pagtatalaga sa pagitan ng mga magkakapatid kamag-anak Ang kakulangan sa pagtatalaga ang dahilan ng mga problema at pagkakabahagi (tingnan ang kwento ni Jose at mga kapatid niya). Ang matibay na pagtatalaga ay naglilikha ng matatag at tumatagal na bigkis sa pamilya (tingnan ang kwento ni Naomi at Ruth).
“Ang dahilan ng pagkakabahagi at alitan sa pamilya at iglesia ay paghiwalay kay Kristo. Ang paglapit kay Kristo ay ang paglapit sa isa’t-isa. Ang sekreto ng tunay na pagkakaisa sa iglesia at pamilya ay hindi dimplomasya, hindi pamamahala, hindi makapangyarihang gawain na kaya ang mga kahirapan—kahit maraming ganito ang kailangan upang makagawa—ngunit ito ay ang pagkikiisa kay Kristo. ” E. G. W. (The Adventist Home, cp. 27, p. 179)








