PAGLABAG SA ESPIRITU NG KAUTUSAN Liksyon 5 para
PAGLABAG SA ESPIRITU NG KAUTUSAN Liksyon 5 para sa ika-2 ng Nobyembre, 2019
Habang itinatayong muli ang pader ng Jerusalem, kailangang humarap si Nehemias sa isang malungkot na hamon. Inaapi ng ilang mga tao ang kanilang mga kapatid. Binanggit sa Nehemias 5 ang isyung ito at kung paano ito nilutas ni Nehemias. Naaapi ang mga mahihirap (v. 1 -5) Ang espiritu ng kautusan (v. 6 -7) Pagsaway sa mga makasalanan (v. 8 -10) Ang panunumpa (v. 11 -13) Ehemplo ni Nehemias (v. 14 -19)
NAAAPI ANG MGA MAHIHIRAP (V. 1 -5) “Nang magkagayo'y umalingaw ang malakas na daing ng bayan at ng kanilang mga asawa laban sa kanilang mga kapatid na mga Judio” (Nehemías 5: 1) Ang pang-aapi sa mahihirap ay nagmula sa tatlong magkaibang sitwasyon: Ang ilang tao ay nanghiram ng binhi upang itanim. Ang ilang tao ay nangutang upang ibili ng binhi. Ang ilang tao ay nangutang upang ibayad ng buwis sa Hari. Sa lahat ng sitwasyon, hindi makabayad ng kanilang mga utang mga tao dahil sa mahinang ani. Sa halip ay kinailangan nilang ibigay ang kanilang mga anak bilang alipin. Pinilit sila ng mga nagpautang na magbayad kahit alam na nilang hindi sila makabayad. Kailangan nating gawin ang ating makakaya upang matulungan ang mga nangangailangan, sa ano mang paraan sila naghirap.
ANG ESPIRITU NG KAUTUSAN (V. 6 -7) “At ako'y nagalit na mainam, nang aking marinig ang kanilang daing at ang mga salitang ito”(Nehemías 5: 6) Hinayaan ng Dios ang Israel na magkaroon ng gawing hindi na tanggap ngayon, gaya ng pangaalipin (Mateo 19: 8). Gayunman, binigyan Niya sila ng batas upang maiwasan ang pang-aabuso. Ang mga aliping Judio ay maglilingkod lamang sa loob ng anim na taon, o hanggang sa taon ng Jubilee, depende sa sitwasyon (Exodo 21: 2; Levitico 25: 39 -40). Kaya, ipinapatupad lang ng mga nagpapautang sa panahon ni Nehemias ang kanilang karapatan, ngunit nakakalimutan nila ang espiritu ang kautusan (upang iwasan ang pang-aalipin). Pinag-aralan ng maigi ni Nehemias ang sitwasyon upang makahanap siya ng legal na dahilan upang sawayin sila. Inakusahan niya sila ng paglalagay ng tubo (see Exodo 22: 25; Levitico 25: 36; Deuteronomio 23: 19).
“Sinabi ko rin, Ang bagay na inyong ginagawa ay hindi mabuti: hindi ba kayo marapat magsilakad sa takot sa ating Dios, dahil sa pagdusta ng mga bansa, na ating mga kaaway? ”(Nehemías 5: 9) Sinubukang lutasin ni Nehemias ang kaso sa pribado muna (v. 7). Tapos, pinatawag niya ang mga tao. Hinatulan ang mga nagpautang sa publiko. Katanggap-tanggap ba ang kanilang asal? Ang ilan sa kanila ay nagligtas sa mga Judiong ibinenta bilang alipin sa mga pagano. Kaya paanong nagagawa nilang alipin ngayon ang kanilang mga kapatid? Hindi ba ito magbibigay ng dahil sa mga kaaway nila upang manuya? Nahiya ang mga nagpautang at walang sinabi. Hindi nila maipagtanggol ang sarili.
ANG PANUNUMPA (V. 11 -13) “Nang magkagayo'y sinabi nila, Aming isasauli, at wala kaming hihilingin sa kanila; gayon namin gagawin, gaya ng iyong sinasabi. Nang magkagayo'y tinawag ko ang mga saserdote at pinanumpa ko sila, na sila'y magsisigawa ng ayon sa pangakong ito” (Nehemías 5: 12) Nagmungkahi si Nehemias ng isang kasunduan: • Bayaran ang mga utang. • Ibalik ang mga pag-aari. • Ibalik ang tubo. Sumang-ayon ang mga nagpautang. Ngunit, naisip ni Nehemias na kailangan ng matibay na kasunduan, kaya pinatawag niya ang mga pari upang gumawa ng panunumpa. Sa ganitong paraan, ay napilitang tumupad sa legal na paraan sa kasunduan ang mga nagpautang. Ang pagsuway sa panunumpa ay pagsuway sa kautusan (Levitico 19: 12). Pinpayuhan tayo ng Biblia na mag-isip ng maigi bago mangako (Ecclesiastes 5: 5).
EHEMPLO NI NEHEMIAS (V. 14 -19) “Bukod dito'y mula sa panahon na ako'y mahalal na kanilang tagapamahala sa lupain ng Juda, mula sa ikadalawang pung taon hanggang sa ikatatlong pu't dalawang taon ni Artajerjes na hari, sa makatuwid baga'y labing dalawang taon, ako at ang aking mga kapatid ay hindi nagsikain ng tinapay ng tagapamahala”(Nehemías 5: 14) Habang sinusulat ni Nehemias ang pangyayaring ito, inalala niya kung paanong naiiba ang kanyang ugali sa kanyang mga maramot na kapatid. Hindi naningil ng buwis si Nehemias para sa kanyang sarili sa una niyang panunungkulan bilang gobernador (12 taon), salungat sa mga ginawa ng ibang gobernador dati. Nagbigay siya ng bahagi para sa pagaayos ng pader. Nagbigay siya ng panggastos sa korte (150 mga tao). Ang pangunahing prioridad ni Nehemias ay Panginoon at Kanyang gawain kaysa ang sariling pakinabang.
“Tayong lahat ay may utang sa banal na hustisya, ngunit wala tayong maibayad sa utang. At ang Anak ng Dios, na naawa sa atin, ay binayaran ang halaga ng ating katubusan. Naging mahirap Siya upang sa pamamagitan nito ay maging mayaman tayo. Sa paggawa ng pagkamapagbigay sa mahihirap ay mapapatunayan natin ang katapatan ng ating pasasalamat sa awang ibinahagi sa atin. ‘Magsigawa tayo ng mabuti sa lahat’ tagubilin ni apostol Pablo, ‘lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya. ’ Galacia 6: 10” E. G. W. (Prophets and Kings, cp. 54, p. 652)
- Slides: 8