MGA UNANG PINUNO NG IGLESIA Liksyon 4 para

  • Slides: 10
Download presentation
MGA UNANG PINUNO NG IGLESIA Liksyon 4 para sa ika -28 ng Hulyo, 2018

MGA UNANG PINUNO NG IGLESIA Liksyon 4 para sa ika -28 ng Hulyo, 2018

Ang paglago ng naunang Iglesia ay pambihira. Libo-libo ang umanib sa iglesia, kahit mga

Ang paglago ng naunang Iglesia ay pambihira. Libo-libo ang umanib sa iglesia, kahit mga pari ay umanib. Kaya lang, nagkaroon ng ilang problema sa mga kapatiran. At kailangan maayos ang problemang ito bago sila magkawatak-watak. 1. Pagtatalaga ng mga pinuno. Gawa 6: 1 -7 Ang pagtatalaga ng mahusay na mga pinuno ang nakaayos ng problema at nakatulong sa pagganap ng misyon ng Iglesia. 2. Paglilingkod ni Esteban: Pangangaral at tagasalungat. Gawa 6: 8 -15 Talumpati at babala. Gawa 7: 1 -53 Pangitain at kamatayan. Gawa 7: 54 -8: 2 3. Paglilingkod ni Felipe: Samaria. Acts 8: 3 -25 “Sa kadulo-duluhan ng lupa. ” Acts 8: 26 -40

“At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong

“At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio. ”(Gawa 6: 5) Gawa 6: 1 -7 PAGTATALAGA NG MGA PINUNO ANG PROBLEMA Lahat ng mga mananampalataya sa puntong ito ay mga Hudio, ngunit ang ilan sa kanila ay nanggaling sa labas ng Hudea. Ang mga “Griego” ay nagreklamo tungkol sa discriminasyon kapag nagbabahagi ng tulong sa mga byuda. ANG SOLUSYON Ang mga apostoles ay nagmungkahi na magtalaga ng mga pinuno na maglilingkod [diakineō]sa mesa” habang sila ay “naglilingkod [diakonia] sa pamamagitan ng salita. ” Ang mga diakono ay tagapangalaga sa pisikal at spiritual na pangangailangan ng Iglesia. ANG KAKAYAHAN Kailangang itatalaga na pinuno sa Iglesia ay mabuting patotoo, puno ng Banal na Espiritu at may karunungan.

“At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga

“At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. ” (Gawa 6: 8) Dagdag pa sa pangangalaga sa Simbahan, si Esteban ay nangaral din sa mga Hudio na hindi ipinanganak sa Hudea. Marami ang sumalungat sa kanya sa sinagoga. Iyong mga sumasalungat ay hindi kayang tutulan ang kanyang katwiran (v. 10), kaya nagbayad sila ng mga bulaang saksi upang maakusahan siya sa Sanhedrin (v. 11) Inakusahan nila siya na nagsasalita laban kay Moses at sa templo (v. 14). Ibig sabihin marahil sinasabi ni Esteban na si Hesus ang Kordero na nag-aalis ng kasalanan (ito ang dahilan kaya hindi na kailangan ang paghahandog sa templo) Gawa 6: 8 -15 PANGANGARAL AT TAGASALUNGAT

“Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang

“Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo. ” (Gawa 7: 51) Ipinagtanggol ni Esteban ang kanyang sarili sa pagsalita kung paanong iningatan ng Dios ang ATING mga ninuno. Tinanggihan ng Sanhedrin ang kanyang mensahe, kaya itinigil din niya ang kanyang sermon. Tapos, nagsalita siya ng malupit para sa kanila (v. 51). Ihiniwalay niya ang kanyang sarili mula sa mga pinuno na Hudio sa pagsasalita tungkol sa KANILANG mga magulang. Pinatay nila ang Mesias gaya ng pagpatay ng kanilang mga magulang sa mga propeta noong una. Walang panawagan ng pagsisisi sa mga babala ni Esteban. Sinelyohan ng Sanhedrin ang kapalaran ng Israel sa kanilang pagtanggi sa gawain ni Esteban. Gawa 7: 1 -53 TALUMPATI AT BABALA (I)

Ang mga salita ni Esteban ay kagaya ng desenyo na ginamit ng mga propeta

Ang mga salita ni Esteban ay kagaya ng desenyo na ginamit ng mga propeta noong una. Ihambing natin ito sa Micah 6. Ang kasunduan ng Dios sa Kanyang bayan Ang makapangyarihang gawa ng Dios Ang mga sugnay ng kasunduan at ang pagsuway dito Ang sumpa matapos na suwayin ang kasunduan Micah 6: 1 -2 Gawa 7: 2 -8 Micah 6: 3 -5 Gawa 7: 9 -36 Micah 6: 6 -12 Gawa 7: 37 -50 Micah 6: 13 -16 Gawa 7: 51 -53 Gawa 7: 1 -53 TALUMPATI AT BABALA (II)

“Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at

“Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios. ” (Gawa 7: 55) Binago ni Esteban ang kanyang talumpati dahil sa mapanlabang ugali ng mga miembro ng Sanhedrin. Sa oras na iyon, nakatanggap ng pangitain si Esteban ng pagluwalhati kay Hesus. Naunawaan niya na iyong mga humuhusga sa kanya sa Lupa ay huhukuman balang araw sa hukuman sa Langit. Nanalangin siya sa kahulihan habang binabato siya. Panalangin ng awa para sa mga pumapatay sa kanya. Ang panalanging iyon ay nagiwan ng bakas sa isip ng isang saksi: si Saul ng Tarsus. Gawa 7: 54 -8: 2 PANGITAIN AT KAMATAYAN

Pagkamatay ni Esteban, si Saul ang nanguna ng pag-usig sa Iglesia. Maraming mga Kristiano

Pagkamatay ni Esteban, si Saul ang nanguna ng pag-usig sa Iglesia. Maraming mga Kristiano ang umalis sa Jerusalem upang maligtas ang kanilang buhay. Pumunta si Felipe sa Samaria, kaya nagawa niya ang misyon na iniutos ni Jesus (Gawa 1: 8) Tinanggap ng mga Samaritano ang Pentateuch (ang unang limang aklat ni Moses) at naghintay sa Mesias, ngunit ang kanilang relihiyon ay nahaluan ng paganismo. Nang marinig nila si Felipe at Nakita ang mga himalang ginawa niya, marami ang tumanggap kay Hesus. Pinadala roon sina Pedro at Juan upang Makita kung ano ang mga pangyayari doon. Maraming Samaritano na tumanggap ng Banal na Espiritu ang nagpasalamat sa kanila. Naging kaanib sila ng Kristianong Iglesia. Gawa 8: 3 -25 SAMARIA “At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo. ” (Gawa 8: 5)

“Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at

“Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang. ” (Gawa 8: 26) Gawa 8: 26 -40 “SA KADULU-DULUHAN NG LUPA” Tinawag si Felipe mula sa pangangaral sa maraming tao upang mangaral sa isang tao. Kailangang maunawaan ng taga-Etiopiang tresorero ang Mabuting Balita, upang maipapangaral niya ito sa Africa. Hindi pwedeng tumigil ang Iglesias sa Judea o Samaria. Ang mensahe ng kaligtasan ay kailangang makarating sa buong Mundo. Binautismuhan ni Felipe ang taga-Ethiopia at dinala siya sa Azotus. Nangaral siya sa hangganan ng Mediterranea hanggang sa Caesarea. Maraming mga tao ang tumanggap sa Pabalita at ipinangaral ito sa malalayong

E. G. W. (Thoughts From the Mount of Blessing, cp. 2, p. 33) “Sa

E. G. W. (Thoughts From the Mount of Blessing, cp. 2, p. 33) “Sa bawat panahon ang ma pinili ng Dios na mmga mensahero ay nilalait at inuusig, ngunit sa kabila ng kahirapan nila ang pagkaalam sa Dios ay kumalat sa ibayong lugar. Bawat alagad ng Dios ay kailangang humakbang at isulong ang kaparehong gawain, sa pagkaalam na walang magawa ang mga kalaban sa katotohanan, kundi pabor sa katotohanan. Nais ng Dios na dalhin ang katotohanan sa harap at maging paksa ng pagsusuri at pag-uusap, sa kabila ng paghamak dito. Ang isip ng mga tao ay dapat mabalisa; bawat kontrobersiya, bawat pagsira, bawat gawain upang hadlangan ang malayang pag-iisip, ay paraan ng Dios upang gisingin ang natutulog na mga isipan. ”