Wikang Pambansa Meriam R Torres Ano ba talaga
Wikang Pambansa Meriam R. Torres
Ano ba talaga ang tawag sa ating Wikang Pambansa?
Ano ang tawag sa ginagamit na Wika sa Klasrum?
Ano naman ang tawag sa Asignaturang Wika natin?
Ano nga ba ang tawag sa Wikang ginagamit natin?
Ano ang tawag sa Wikang naririnig sa radyo at telebisyon?
Tagalog? Pilipino? o Filipino?
Sagot: Filipino
1987 Konstitusyon ng Pilipinas Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na: wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Saman- �Ang talang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
�Alinsunod sa mga itinadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.
Maraming mga Cebuano’t mga taga Mindanao ang ayaw magsalita sa wikang pambansa dahil hindi sila marunong magtagalog. (Abangan, 2008)
Bakit tinatawag pa ring Tagalog ang Wikang Pambansa rito sa atin matapos baguhin ang tawag nito ilang taon na ang nakakaraan?
May pagkakaiba ba ang Tagalog, Pilipino at Filipino?
TAGALOG �Katagalugan ang tawag sa gitna at bahaging timog ng Luzon. �Tagalog ang wika sa Aurora, Bataan, Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang bahgi ng Nueva Ecija, Puerto Princesa, at pati Metro Manila.
TAGALOG �Itinadhan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato sa 1897 na Tagalog ang opisyal na wika ng mga Pilipino. (Constatino, 2003)
Wikang Tagalog Bilang Wikang Pambansa � Nasangkot ang Tagalog sa pambansang arena nang ideklara ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 (Executive Order No. 134). � Mula noong 1940, itinuturo ito sa lahat ng eskwelahang publiko at pribado.
Wikang Pilipino � Ang Wikang Pilipino ay ang Filipino National Language na batay sa Tagalog mula noong Agosto 13, 1959, nang ipasa ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. � Pilipino rin ng itinatawag sa wikang opisyal, wikang pampagtuturo at asignaturan sa Wikang Pambansa mula 1959.
Wikang Pilipino �Naging kontrobersyal ang pagbabago ng katawagan ng wikang pambansa, di-umano’y ang Wikang Pilipino ay ang Wikang Tagalog pa rin sa laman at istruktura.
Wikang Filipino �Ang kontobersyal na ito ang naging dahilan ng pagpapalit sa Wikang Pambansa mula Pilipino/Tagalog tungo sa Filipino sa Konstitusyon ng 1973 at 1987.
Bagong Konsepto ng Filipino (Dr. Ernesto Constantino) �Natural na Wika ang Filipino �Buhay na Wika ang Filipino �Demokratiko ang Wikang Filipino �Egalitaryan na wika ang Filipino �Dinamiko ang Filipino �Gumaganap ng lahat ng mga tungkulin ng wikang pambansa
Timeline 1937 - 1959 – 1973 – Kasalukuyan Tagalog Pilipino Filipino
Pamamayani’t Pamamayagpag ng Tagalog TAMA MALI aklat silid-aralan pamantasan libro klasrum kolehiyo/ unibersidad estudyante mag-aaral
�Taong 1959 nang unang ginamit ang salitang Pilipino upang tukuyin ang wikang pambansa, subalit hang-gang ngayon ay bakit Tagalog pa rin ang tawag ng karamihan sa wikang pambansa?
Sagutin: �Bakit ang lahat ng toothpaste ay Colgate ang tawag kahit ang totoo, ito ay Close up, Happee, Maxam, Pepsodent, at iba pa?
�Ang lahat kaya ng refrigerator ay Frigidaire, kaya tawag sa ref ay fridge? �Bakit ang lahat ng diaper ay Pampers ang tawag kahit na ito ay Huggies, EQ, Kimbies, Lampin at marami pang iba.
�Awtomatikong nasasambit natin ang pahiram ng Monggol, Pentel Pen, at Scotch Tape. Pa-Xerox, pa. Kodak, pabili ng shellane na gasul.
(Patunay na ang mga Pilipino ay mahilig mambansag nang ayon sa naunang popular na tawag).
FILIPINO ang Wikang Pambansa, Hindi TAGALOG FILIPINO TAGALOG Malaki ang pagkakaiba
Pilipino “Ang guro ay pumasok sa silidaralan para isulat sa pisara ang takdang-aralin. ” Filipino “Pumasok sa klasrum ang titser para isulat sa blakbord ang asaynment. ”
Tagalog �“Ang tagapagturo ay pumasok sa silid-aralan upang isulat sa kahoy sa ding ang takdangaralin. ”
Tagalog �“Inay, sandali po akong hihimlay sa ating silid-tulugan. Kung maaari po sana, sa takdang ika-6 ng gabi, ako’y inyong pukawin sa aking pagkakahimbing upang agad na makapagdulog sa ating hapag-kainan. Nang sa gayon ay makapagpanibagong lakas para sa magdamagang pagsusunog ng kilay. ”
Sa kabuuan, sa halip na sabihing “Mahirap mag. Tagalog”, subukan nating banggitin…
“Filipino?
Boom Panes! Sunod 3
- Slides: 34