TULA Tula Anyo ng pagsussulat na nagpapahayag ng

  • Slides: 9
Download presentation
TULA

TULA

Tula - Anyo ng pagsussulat na nagpapahayag ng isip at damdamin sa pamamagitan ng

Tula - Anyo ng pagsussulat na nagpapahayag ng isip at damdamin sa pamamagitan ng masining na pananalita. - Isang masining na pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salitang pinaganda sa pandinig, umaakit ng damdamin at pinalalawak ang imahinasyong bumabasa. - Naglalarawan ng buhay, hinango sa guni, pinarating sa ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Ito’y likha ng isang makata sa kalikasan at buhay ng tao.

KATANGIAN NG ISANG TULA 1) Mapaglarawan – naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata

KATANGIAN NG ISANG TULA 1) Mapaglarawan – naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata sa isang kalagayan, lunan o pangyayari sa buhay ng isang tao. 2) Mapagpanuto – nagbibigay ng patnubay o magturo o magpayo ng isang aral sa pamamagitan ng mga taludtod. 3) Mapang-aliw – manlibang o mang-aliw sa mga palaisipan o panunudyong napapaloob sa mga taludtod. 4) Satiriko – kumutya sa mga bisyo o kahalagahan ng tao na maaaring sa katawa-tawang paraan.

MGA URI NG TULA

MGA URI NG TULA

A) Tulang pasalaysay o Buhay – naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o

A) Tulang pasalaysay o Buhay – naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. URI: 1. Epiko – tulang tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. 2. Awit at korido – ang paksa nito ay hango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo o pakikipagsapalaran. 3. Balad – karaniwang inaawit. Naglalaman ito ng madamdaming pasalaysay.

B) Tulang Pandamdamin o Liriko – nagpapahayag ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya

B) Tulang Pandamdamin o Liriko – nagpapahayag ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya ay ng ibang tao. Likha ng mapangaraping imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. URI: 1. Awit – madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, kawalng-pag-asa, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan. 2. Soneto – naglalaman ng damdamin at kaisipan at malinaw na kabatiran sa likas na pagkato at naghahatid ng aral sa mambabasa sa kabuuan.

3. Oda – nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang

3. Oda – nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang damdamin. 4. Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. 5. Pastoral – naglalarawan ng tunay na buhay sa bukid. 6. Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

C) Tulang Pandulaan – naglalarawan ng madudulang pangyayari halos katulad ng nagaganap sa tunay

C) Tulang Pandulaan – naglalarawan ng madudulang pangyayari halos katulad ng nagaganap sa tunay na buhay at lunin nitong itanghal D) Tulang Sagutan/ Patnigan – tulang pampagtatalo at pangangatwiran.

WAKAS

WAKAS