THE TAUSUG TRIBE TAUSUG BACKGROUND Ang mga Tausug
THE TAUSUG TRIBE
TAUSUG BACKGROUND Ang mga Tausug o Suluk ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas at Malaysia. Ang katawagang Tausug ay nagmula sa mga salitang Tau Sūg na nangangahulugang "mga tao ng agos" (Ingles: "people of the current"), na tumutukoy sa kanilang lupang tinubuan sa Kapuluan ng Sulu. Ang mga Tausug ay tinatawag na Suluk sa Sabah, Malaysia. Ang mga Tausug ay bahagi ng mas malaking pangkat-etniko na Moro, ang ika-anim na pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Mayroon sila noon na isang nagsasariling estado na tinawag na Sultanato ng Sulu, na dating ipinamalas ang kanilang kapangyarian sa pook na sa ngayon ay binubuo ng mga lalawigan Basilan, Palawan, Sulu, Tawi at ng estado ng Malaysia na Sabah (dating Hilagang Borneo).
KASUOTAN O PANANAMIT � Ang mga lalaking Tausug ay nagsusuot ng mga hapit na pantalon at kamiseta na nilalagyan ng “sash” sa palibot ng beywang. � Ang mga babae naman ay nagsusuot sarong na kahawig ng kasuotan ng mga Malay. Nagsusuot rin sila ng mga tansong aksesorya (Accessory) sa kanilang blusa o ginagamit ito bilang kwentas at bracelet.
SOCIAL CLASS 3 Klase ng tao: • Nobility – Kinabibilangan mg Sultan, Datu, mga mahaharlikang angkan o mayayamang tao at mga banal. • Ordinaryo o Malayang Tao – sila ang mga taong may prilibihiyong dumalo sa kahit anong mahahalagang patitipon sa kanilang lugar. • Alipin – kinabibilangan mg mga taong nabihag mula sa labanan at ginawang alipin; anak ng alipin.
KAUGALIAN SA KASAL � Ang kasal ay itinatakda ng mga magulang. Sila lamang maaaring magsabi kung sino ang narararapat para sa anak na babae. � Bago maganap ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao, ang pamilya ng lalaki ay nagbibigay ng mahahalagang bagay sa pamilya ng babae. Maaring ito ay hayop, lupa, pera o mga alahas.
INHERITANCE/PAMANA Ang mga lupain o mga ari-arian ay hinahati ayon sa bilang ng natitirang memybro ng pamilya kung saan mas malaki ang parteng naibibigay sa panganay na anak.
PAGDADALAMHATI AT LIBING � Kapag namatay ang isa sa myembro ng pamilya ay agad na ipinapatawag ang mga “Religious Officials” upang magsagawa ng ritwal para sa patay. � Ang katawan ng namatay ay binabasahan ng salita mula sa sagradong aklat ng “Kuran”. Ito ay magpapatuloy hanggang sa mailibing ang bangkay. � Pinaniniwalang mga salita mula sa kuran ay ang syang magbibigay liwanag sa espirito ng nangamatay na tao.
MGA RELIHIYOSONG PANINIWALA AT PAMAMARAN �Ang mga Tausug ay naniniwala kay Allah bilang Diyos at ang kanilang propeta ay si Muhammad. �Naniniwala sa pagdarasal, paglilimos, pag-aayuno at paglalakbay papuntang Mecca kahit isang beses sa isang taon.
GOBYERNO � Kinikilala ang kapangyarihan at posisiyn ng isang pinuno ayon sa yaman at estado nito sa buhay. � Ang mga pinuno ang syang tagapagtaguyod ng batas, katahimikan, at kapayapaan sa kanilang lugar.
TAUSUG LAW 3 Kinikilalang Batas ng mga Tausug: �Ang Batas ng Kuran – dito nakasulat ang mga batas ni Allah. �Ang mga batas na ginawa at ipinatupad ng Sultan at mga nahalal na opisyal ng kanilang komunidad. �Nakaugaliang Batas – Kasama rito ang kasalanang pantutuya at pagbaba sa puri ng isang tao.
KATAYUAN NG MGA KABABAIHAN SA LIPUNAN. � Ang lahat ng gawain ay pinangungunahan ng mga kalalakihan. � Umaasa lamang sa mga kalalakihan upang protektahan ang sarili at puri. � Hindi maaaring magdasal o sumamba kay allah hanggat hindi pa ikinakasal.
ANG KANILANG LINGWAHE O SALITA �Nabibilang kanilang lingwahe sa Hilagang Mindanao. �Kahawig ang pananalita sa mga Butuanun at Badjao.
SINING AT MUSIKA � Sila ang nagpalaganap sa paggawa ng mga bangkang pangingisda, sandata, mga kagamitan sa loobng tahanan at paggawa ng iba’t ibanginstrumento. � Isa rin sila sa mga taong magaling maglilok at magkurba ng iba’t ibang bagay kung saan ang estilong ito ay tinatawag na “Ukkil”.
MGA GAWAING PANG-EKONOMIYA • Magaling na mga magsasaka ang mga Tausug. Nagtatanim sila ng mga mais, kamote, at mga gulay upang masuportahan ang pang-araw na pangangailangan. • Ang mga Tausug naman na malapit sa dagat ay pangingisda ang pinagkakaabalahan.
MGA PAMAHIING PANINIWALA � Naniniwala sila sa mga espirito na naninirahan sa mga halaman, puno at bato. � Naniniwalang si Satanas ay kampon ng kasamaan. � Naniniwala sila sa mga albularyo na syang tumutulong upang pagalingin ang kanilang mga karamdaman. � Ang lubusang paggaling ng isang sakit ay idinaraan sa mga dasal at mga halamang gamot.
PRESENTED BY: MARINEL M. OLITAN Timoteo jiim roxas Renz marion manalili THANK YOU! AND GOD BLESS!!
- Slides: 16