TEKSTONG PROSIDYURAL Ang tekstong ito ay nagpapakita at

  • Slides: 5
Download presentation
TEKSTONG PROSIDYURAL

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod na mga hakbang. Malinaw

Ang tekstong ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod na mga hakbang. Malinaw sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod- sunod sa paggawa ng isang bagay. Tinola sa Katagalugan at Kabisayaan at La uya sa Ilocano ang tawag sa klasikong sabaw na ito. Inihahanda ito bilang pampagana o pinakapangunahing handa sa hapag ng mga Pilipino. At sa tradisyon manok ang pangunahing sangkap nito at hilaw na papaya kasama ang dahon ng sili. Ang sabaw ay pinapakuluan kasama ang luya sibuyas at patis bilang pampalasa. Maaari rin gumamit ng sayote bilang pamalit sa papaya o kaya naman ay malunggay.

Hindi ganap ang impormasyon sa pinagmulan ng putaheng ito. Subalit sa Nobelang nilikha ni

Hindi ganap ang impormasyon sa pinagmulan ng putaheng ito. Subalit sa Nobelang nilikha ni Jose Rizal ang “Noli Me Tangere” nabanggit sa isa sa mga kabanata ang paghahanda ni Kapitang Tiago ng “tinola” bilang pagsalubong kay Crisostomo Ibarra sa kanyang pagdating galing ng Europa kung saan ibinigay sa kanya ang pitso ang malaman parte ng manok at leeg naman ang napunta kay Padre Damaso na siya naming ikinadismaya nito. Kaya naman ang lutong tinola noon at hanggang sa kasalukuyan angisa sa mga pagkaing masasabing sariling atin. Sumasalamin ito sa kultura natin mga Pilipino at sa pamilyang Pilipino na may malaking pagkilala sa hapag –kainan bilang simbolo ng mahigpit na ugnayan ng pamilya.

Narito ang paraan sa pagluluto ng tinolang Manok Sangkap 1 kilo manok, hiniwa sa

Narito ang paraan sa pagluluto ng tinolang Manok Sangkap 1 kilo manok, hiniwa sa maliit na piraso 3 kutsara mantika 4 kutsarita dinikdik na bawang 2 kutsara ginayat na luya ½ tasa tinadtad na sibuyas 2 kutsara patis 4 tasa hugas-bigas 2 tasa hiniwang berdeng papaya o sayote ½ tasa dahon ng sili

Paraan ng Pagluluto Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya

Paraan ng Pagluluto Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at sibuyas. Idagdag ang manok at patis. Timplahan ayon sa panlasa. Ibuhos ang hugas-bigas at takpan ang kaserola. Hayaang kumulo at lumambot ang manok. Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot. Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili.