Talumpati I Layunin Pagkatapos ang talakayan ang mga
- Slides: 7
Talumpati
I. Layunin Pagkatapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Malaman ang layunin at ang dapat isaalang-alang. b. Malaman ang bahagi ng talumpati. c. Makabuo ng isang talumpati. II. Paksang Aralin Paksa : Pagtatalumpati Sanggunian : Komunikasyon sa Akademikong Filipino Kagamitan : Libro at Manila Paper
III. Pamamaran A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati 3. Pagtala ng mga lumiban 4. Pagbabalik-aral B. Panlinang na Gawain q Pagganyak Ø Magtatanong ang guro kung sino na ba ang nakasubok magtalumpati at kung saan ito ginanap. magsasalaysay siya ng kahit kaunti lamang sa kanyang experience.
q Aralin � Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang tungkol sa Pagtatalumpati, ididikit na ang manila paper sa pisara. � Bibigyang kahulugan na ng guro ang pagtatalumpati. � Ilalathala na ng guro ang mga Layunin ng Pagtatalumpati (tatawag siya ng mag-aaral na babasa sa nakasulat sa manila paper), , magtatanong siya para makuha ang atensyon ng mga mag-aaral. � Ipapaliwanag ng guro ang mga dapat isaalang –alang ng nagtatalumpati:
1. May pananabik na magtalumpati 2. May sapat na paghahanda at kaalaman sa paksa 3. Kakayahang gumamit ng kawili-wili, malinaw at madalingmaintindihan na salita 4. May mayamang talasalitaan 5. May kaganyak-ganyak na tinig 6. May sapat na kaalaman sa balarila � Ibabahagi na ng guro ang mga bahagi ng talumpati: 1. Panimula 2. Katawan 3. Pamimitawan 4. Paglalahat
q Paglalahat Ano ang pagtatalumpati? paano maisakatuparan ang isang mahusay na talumpati? isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang ng mananalumpati at ipaliwanag ang bawat isa. C. Pangwakas na Gawain � Paglalapat � Pakinggan ang talumpating babasahin sa harapan at magtala ng mga importanteng isinasaad dito. Subukang hanapin ang mga alituntunin na tinalakay. � Pamagat: “RTU sa patuloy na pag-abot sa Tugatog ng Tagumpay
IV. PAGTATAYA Pumili at Sumulat ng isang talumpati hinggil sa mga paksang: a. Kahalagahan ng Edukasyon b. Ang Isang Mabuting Mag-aaral c. Ang kahalagahan ng Wikang Pambansa d. Ang Pangingibabaw ng katotohanan V. TAKDANG-ARALIN � Isaulo ang talumpating ginawa dahil bukas ay bibigkasin mo ito sa klase.