SI NEHEMIAS Liksyon 2 para sa ika12 ng

  • Slides: 9
Download presentation
SI NEHEMIAS Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019

SI NEHEMIAS Liksyon 2 para sa ika-12 ng Oktubre, 2019

Matapos ang tinatayang 13 taon nang pagdating ni Ezra sa Jerusalem, si Nehemias ay

Matapos ang tinatayang 13 taon nang pagdating ni Ezra sa Jerusalem, si Nehemias ay tagapagdala noon ng cupa ng hari ng Persia. Nang marinig ni Nehemias ang mahirap na sitwasyon sa Jerusalem, tinanggap niya ang misyon na pinapagawa sa kaniya ng Dios: itayong muli ang Jerusalem. Kumilos agad siya matapos maitalagang gobernor ng Juda. Si Nehemias sa Persia: Ang balita Ang panalangin Ang kahilingan Si Nehemias sa Jerusalem: Kanyang autoridad Kanyang plano

ANG BALITA “At sinabi nila sa akin, ‘Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon

ANG BALITA “At sinabi nila sa akin, ‘Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy. ’” (Nehemias 1: 3) Noong 445 BC, dinalaw si Nehemias ng kanyang kapatid na si Hanani sa Shushan. Sinabihan siya ni Hanani ng masamang balita tungkol sa Jerusalem at mga napabalik na mamamayan doon. Ipinatigil ni Artaxerxes ang pag-aayos ng Jerusalem (Ezra 4). At ito’y sinira ng kanilang mga kalaban; ang kanilang mga pader at mga gate ay sinunog. Nanalangin agad at nagayuno si Nehemias para sa mga tao at sa syudad ng Jerusalem, at hinihiling na mamagitan ang Dios.

ANG PANALANGIN “Alalahanin mo, isinasamo ko sa iyo, ang salita na iyong iniutos sa

ANG PANALANGIN “Alalahanin mo, isinasamo ko sa iyo, ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na kay Moises” (Nehemias 1: 8) Ito ang panalangin ni Nehemias (Nehemias 1: 511): A Dios, Ikaw ay dakila at puno ng awa (v. 5) B Dinggin ang dalangin ko (v. 6) C Inaamin ko na nagkasala kami (v. 6 -7) D Alalahanin ang iyong mga pangako (v. 8 -9) C’ Tinubos mo kami (v. 10) B’ Dinggin ang dalangin ko (v. 11) A’ Dios, bigyan kami ng kaunlaran at biyaya (v. 11) Ang aklat ng Nehemias ay nagpapakitang siya ay mapanalangining tao (2: 4; 4: 4 -5, 9; 5: 19; 6: 14; 13: 14, 29). Ang punto ng panalanging ito ay alalahanin ang pangako ng Dios at angkinin ito. Gusto ng Dios na marinig tayong inaangkin ang Kanyang pangako. Sabik Siyang tuparin ito sa ating mga buhay (Lucas 11: 13).

ANG KAHILINGAN “Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa

ANG KAHILINGAN “Nang magkagayo'y sinabi ng hari sa akin, Ano ang iyong hinihiling? Sa gayo'y dumalangin ako sa Dios ng langit. ” (Nehemias 2: 4) Si Nehemias ay lingkod bayan sa palasyo ni Artaxerxes. Malaki ang hawak niyang katungkulan bilang tagapagdala ng cupa ng hari ng Persia. Apat na buwan matapos ang panalangin ni Nehemias, dumating ang tamang panahon, pinayagan siya ng Dios na masabi kay Artaxerxes ang kanyang kahilingan (444 BC). Nag-alala ang hari sa ipinapakitang kalungkutan ng tagadala niya ng cupa. Namanhik si Nehemias sa damdamin ng hari. Humingi siya ng pahintulot upang itayo na muli ang mga pader ng Jerusalem. Inudyukan ng Dios si Artaxerxe. Itinalaga niya si Nehemias bilang gobernadora ng Juda at ipinag-utos ang pagpapagawang muli.

“Walang panahon o lugar na hindi karapatdapat na magpahayag ng ating kahilingan sa Dios.

“Walang panahon o lugar na hindi karapatdapat na magpahayag ng ating kahilingan sa Dios. Walang makakahadlang sa pagtataas ng ating mga puso sa espiritu ng taimtim na panalangin. Sa mga tao sa lansangan, sa gitna ng transakyon sa negosyo, maaari tayong humiling sa Dios at magsumamo ng banal na paggabay, gaya ni Nehemias nang ginawa niya ang kahilingan kay Haring Artaxerxes. Mayroong maliit na silid ng pakikipag-isa saan man tayo naroon. Dapat laging bukas ang pinto ng ating puso at pumapailanlang ating paanyaya na si Jesus ay dumating at manirahan sa ating kaluluwa. ” E. G. W. (Steps to Christ, cp. 11, p. 99)

KANYANG AUTORIDAD “Nang magkagayo'y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog,

KANYANG AUTORIDAD “Nang magkagayo'y pumaroon ako sa mga tagapamahala sa dako roon ng Ilog, at ibinigay ko sa kanila ang mga sulat ng hari. Sinugo nga ako ng hari na may kasamang mga punong kawal ng hukbo at mga mangangabayo. ” (Nehemias 2: 9) Ang Juda ay matatagpuan sa “kabila ng Ilog”, o Transeuphratia. Binigyan ng hari si Nehemias ng mga bodyguard at mga sulat para sa mga gobernor ng rehiyon doon. Inutusan si Asaf na ibigay kay Nehemias lahat ng mga kagamitang kailangan niya sa pagtatayo ng pader. Sanballat (governor ng Samaria), Tobias (governor ng Ammon) at Geshem (governor ng Edom at Moab) ay nainis nang mabalitaan nilang padating si Nehemias upang tulungan ang mga Judio. Sinubukan nilang sirain ang gawain ni Nehemias mula pa sa pasimula.

KANYANG PLANO “At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung

KANYANG PLANO “At hindi naalaman ng mga pinuno kung saan ako naparoon, o kung ano ang ginawa ko; ni hindi ko rin isinaysay sa mga Judio, ni sa mga saserdote man, ni sa mga mahal na tao man, ni sa mga pinuno man, ni sa nalabi man na gumagawa ng gawain. ” (Nehemias 2: 16) Hindi lang umasa si Nehemias sa kanyang iilang sundalo ngunit gumamit ng espesyal na baluti: Mga pangako ng Dios, at ang kasiguruhang ginagawa niya ang gawain ng Dios. Maingat siyang nagpatuloy: Nireview niya ang tunay na sitwasyon kanyang plinano ang mga dapat magawa Kanyang tinipon ang mga pinuno at ibinahagi ang kanyang plano Kanyang hinimok ang bawat isa na gumawa Humiling siya ng pagtatalaga Dapat nating isali ang Dios sa ating mga plano at pag-uusap kung nangunguna tayo sa mga proyekto at kung nakikitungo tayo sa tao. Gumamit lagi ng mga salitang nagpapasigla at nagpapalakas ng loob.

“Hindi lang dapat manalangin sa pananampalataya ang mga anak ng Dios, ngunit upang gumawang

“Hindi lang dapat manalangin sa pananampalataya ang mga anak ng Dios, ngunit upang gumawang may kasipagan at masinopna pag-iingat. Marami silang hirap na hinaaharap at malimit ay nahahadlangan ang paggawa ng Dios para sa kanila, dahil itinuturing nila ang kahinahunan at pag-iingat na kaunti ang nagagawa sa relihiyon. Inisip ni Nehemias na hindi pa tapos ang kanyang tungkulin nang siya ay tumangis at nanalangin sa Panginoon. Sinamahan niya ang kanyang mga kahilingan ng banal na paglilingkod, inilagay ang mataman, at mapanalangining paggawa para sa pagtatagumpay ng proyektong ginagawa niya. Maingat na pagsasaalang-alang at mga planong pinag-aralang mabuti ay mahalaga upang maisulong ang banal na gawain ngayon gaya ng panahon ng pagtatayo na muli ng mga pader ng Jerusalem. ” E. G. W. (Prophets and Kings, cp. 52, p. 633)