SI JESUS BILANG BIHASANG GURO Liksyon 5 para
SI JESUS BILANG BIHASANG GURO Liksyon 5 para sa ika-31 ng Oktubre, 2020
Si Jesus ang pinakamabuting guro sa lahat. Sino si Jesus? Tinuturuan Niya tayo tungkol sa Dios [“A ng nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. ” (Juan 14: 9)]; Nagbigay Siya ng halimbawa kung paano tayo mamuhay [“Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. ” (Juan 13: 15)]; binayaran Niya ang halaga ng ating mga kasalanan at pinagkasundo tayo sa Dios [“ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. ” (2 Corinto 5: 19)]. Walang anino ng pagdududa, si Jesus ang Dakilang Guro na dapat nating sambahin. Ang kaluwalhatian ng Ama Ang halimbawa Ang tagapagkasundo Karapat-dapat sa pagsamba
ANG KALUWALHATIAN NG AMA (I) “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama ” (Juan 14: 9) Ipinapaliwanag ng Hebreo 1: 1 -3 na hindi na maaaring harapin ng tao ang Dios ng mukhaan mula ng pumasok ang kasalanan sa mundo. Kaya nagpahayag Siya sa pamamagitan ng mga propeta (t. 1). Ang pahayag na iyon ay di perpekto. Taging si Jesus lang ganap na makapapahayag sa Dios (t. 2), dahil Siya ay Dios (t. 3): Siya ang liwanag ng Kanyang kaluwalhatian Siya ang ipinahayag na larawan ng Kanyang sarili Pinagtitibay Niya ang lahat ng bagay Nilinis Niya ang ating mga kasalanan Siya’s umuupo sa kanang kamay ng Dios Dumating si Jesus upang maabot ang katotohanan tungkol sa Dios at ipakita sa atin ang “kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo” (2 Corinto 4: 6)
ANG KALUWALHATIAN NG AMA (II) “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama’? ’ ” (Juan 14: 9) Ipinahayag ni Jesus ang kaluwalhatian at katangian ng Ama. Maaaring makita ng mga tao ang Dios sa Kanya. Si Jesus ang larawan ng Dios (Hebreo 1: 3), at tayo ay mabago tungo sa larawan ni Jesus (Roma 8: 29) upang ating maipakita ang kaluwalhatian at katangian ng Ama sa sanlibutang ito. Si Jesus ang liwanag ng mundo (Juan 8: 12), at ginawa din tayong ilaw (Mateo 5: 14) upang tanglawan ang sanlibutan ng mga kaalaman ng Kanyang katangian. Habang marami tayong panahon na ginugugol kay Jesus, mas magsasalamin tayo ng Kanyang kaluwalhatian. “Datapuwa't tayong lahat, na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon, ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian, na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu. ” (2 Corinto 3: 18)
“Kinuha Niya ang pagiging tao, si Kristo ay naging kaisa ng sangkatauhan, at sa parehong pagkakataon ay ipahayag ang ating makalangit na Ama sa makasalanang tao. Siya na naging kasama ng Ama sa pasimula, Siya na hayag na larawan ng hindi nakikitang Dios, ay Siya lamang makakapagpahayag ng katangian ng Dios sa sangkatauhan […] Magiliw, maawain, madamayin, mapagbigay sa iba, Siya ay kumatawan sa katangian ng Dios, at palaging abala sa paglilingkod sa Dios at tao. ” E. G. W. (The Ministry of Healing, cp. 35, p. 422)
ANG HALIMBAWA “Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo. ” (Juan 13: 15) Upang masunod ang halimba ni Jesus, dapat nating matutunan kung paano Siya namuhay nang naririto pa Siya sa Lupa. Bihasang inilarawan ni Pablo ang katangian ni Jesus at kung paano dapat natin Siang gayahin. Filipos 2: 3 -11. Mababa (Mateo 11: 29; Isaias 66: 2) Masunurin (Lucas 22: 42; Mateo 7: 21) Ang dakilang gawain ng Dios ng edukasyon at pagliligtas ay na natutupad, hindi sa pagmamalaki ng ating sarili kundi ng pagpapakumbaba sa harap ng Dios, pagsunod sa Kanya, at pagiging lingkod sa iba. Matulungin (Marcos 10: 45; 3 Juan 1: 5)
ANG TAGAPAGKASUNDO “Na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. ” (2 Corinto 5: 19) Gumawa ng pagitan ang kasalanan sa gitna ng Dios at ng tao. Hindi natin maisasara sa butas na ito sa ating sarili. Dagdag pa nito, pinipigilan ng kasalanan sa atin na naising sarhan ito. Ginawa ng Dios ang unang hakbang. Ibinigay Niya ang Kanyang Anak upang pagkasunduin tayo sa Kanya. Inilagay din Niya ang pagnanais sa ating mga puso na magsisi (Roma 2: 4). Si Jesus ang manlalalng at tagasustina sa buhay, at tinubos Niya tayo sa krus. Pinapatawad Niya ang ating mga kasalanan at pinapagkasundo tayo sa Dios. Ginagawa Niya rin tayong bahagi ng gawain ng pagtubos sa ating kapwa. (Colosas 1: 15 -20).
KARAPAT-DAPAT SA PAGSAMBA “Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan, at kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at kapurihan, at kaluwalhatian, at pagpapala! ” (Apocalipsis 5: 12) Mula nang maging tao si Jesus ay hinihikayat na ang sangkatauhan na sambahin Siya. Isang grupo ng mga anghel na nagpakita sa maning na hugis tala ang nagpahayag ng pagdating ng Tagapagligtas, Mesias, at Hari ng mga hari. Ang pahayag na iyon ay narinig sa mga burol ng Betlehem, at nakita mula sa Mesopotamia. Tumakbo agadiyon sa sabsaban ang mga pastol nang marinig nila ang balita. Naunawaan nila na ang isinilang ay Tagapagligtas, kaya sinamba nila Siya at ibinahagi ang balita (Lucas 2: 8 -20). Ang mga pantas na lalaki ng Silangan ay nakaunawa na ang bituin na mga anghel ay kaganapan ng hula tungkol sa darating na Tagapagligtas. Naghanda sila upang makatagpo Siya, at naglakbay tungo sa sabsaban upang sambahin at bigyan Siya ng mga kaloob (Mateo 2: 1 -12). Gaya nila, tinawagan din tayo upang sambahin si Kristo (Apoc. 5: 13).
“Ang gawain ng mahal na Anak ng Dios upang maiugnay ang nilikha sa Di-nilikha, sa may hangganan at Walang Hangganan, sa Kanyang sariling banal na persona, ay isang paksa na gugugol ng habambuhay sa ating kaisipan. Ang gawaing ito ni Kristo ay upang patunayan ang mga nabubuhay sa ibang mga mundo sa kanilang pagkawalang sala at katapatan, ganun din ang pagliligtas sa nawaglit at napapahamak sa mundong ito. Nagbukas Siya ng daan para makabalik ang mga suwail sa kanilang katapatan sa Dios, habang sa kaparehong gawain ay iniingatan Niya ang mga dalisay na, upang huwag silang madungisan. ” E. G. W. (Messages to Young People, cp. 81, p. 253)
- Slides: 9