SAMPLE POWERPOINT SLIDES USED AS INSTRUCTIONAL MATERIALS Tukuyin

























- Slides: 25
SAMPLE POWERPOINT SLIDES USED AS INSTRUCTIONAL MATERIALS
Tukuyin ang mga pakinabang na pang ekonomiko mula sa mga sumusunod: ______ 1. Taniman ng strawberry sa Baguio ______ 2. Lungsod ng Tagaytay ______ 3. Puerto Galera ______ 4. marmol ______ 5. Bulkang Mayon ______ 6. ginto, pilak, at tanso ______ 7. Puerto Princesa Underground River ______ 8. tarsier
Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa Bawat pagbabago at pag-unlad ng isang bansa ay may kaakibat na epekto sa kapaligiran. Maaaring ito ay mabuti o masama ayon sa kinalalagyan ng mga pagbabago.
Industriyalisasyon - ang malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalan, at iba pang mga gawaing pangekonomiya.
Global Warming - ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng mga chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga industriya at maging sa kabahayan.
Greenhouse Effect - pagkakakulob ng init ng araw na nakaapekto sa kalusugan at maging sa mga pananim.
Pagbaha at Pagguho ng Lupa - bunga ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan.
Pagkakaingin - pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa, o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali.
Polusyon - isa rin sa mga isyung pangkapaligiran na nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa mga likas na yaman.
Basahin ang mga suliraning pangkapaligiran. Piliin ang sanhi ng bawat isa sa listahan. Isulat ang sagot sa notbuk. Walang habas na pagpuputol ng mga puno Kaingin Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig-ulan Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbons 1. Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig 2. Pagkaubos ng mga halamanan at mga hayop sa kagubatan 3. Pagbaha at pagguho ng lupa 4. Pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone layer o global warming 5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan
TAKDANG ARALIN: Ipaliwanag ang sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano ka makatutulong sa pagbawas o pagpigil sa mga epekto ng global warming? 2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran at pagtugon sa mga isyung ito?
Climate Change - pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay nakaaapekto rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto gaya ng pagbaha.
MGA BAHAGI NG LIHAM PAANYAYA • Pamuhatan • Bating Panimula • Katawan ng Liham • Bating Pangwakas • Lagda
367 Libtong, Tagudin, Ilocos Sur Agosto 19, 2015 Mahal kong Donna, Inaanyayahan kita sa aking kaarawan sa Sabado, Agosto 22, sa ganap na ika-3: 00 ng hapon. Isama mo na rin ang iyong mga kapatid. Hanggang dito na lamang at aasahan ko ang inyong pagdalo. Ang iyong kaibigan, Sofia
Pagtambalin ang Hanay A at B. Piliin ang letra ng tamang sagot. _____1. Ang iyong kuya, a. Pamuhatan _____2. Inaanyayahan kita para b. Bating Panimula sa pagdiriwang ng aming pista. c. Lagda _____3. Daniel d. Bating Pangwakas _____4. 143 San Martin c. Katawan ng Liham Meycauyan, Bulacan Setyembre 1, 2015 _____5. Mahal kong Kathryn,
Gawain: Sa isang buong papel, gumawa ng isang liham na nag-aanyaya para sa isang mahalagang pangyayari na inyong nais. Sundin ang tamang pagsusulat na sinusunod ang mga bahagi ng liham.