SA DALAMPASIGAN ni Teodoro A Agoncillo I O

  • Slides: 19
Download presentation
SA DALAMPASIGAN ni Teodoro A. Agoncillo

SA DALAMPASIGAN ni Teodoro A. Agoncillo

I. O mumunting alon! Buhat sa magalas na batong tuntungan, Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw

I. O mumunting alon! Buhat sa magalas na batong tuntungan, Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw Bago ka humalik sa dalampasigan. Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang Namadmad sa labi ng isang kariktan! Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan, Titik kang masigla ng luma ng talindaw. O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan, Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!

II Buhat sa malayo, Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis, Na kung ibuka mo’y parang

II Buhat sa malayo, Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis, Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit, Sa pananambulat ng iyong tilamsik Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig! Habang sa malayo ikaw ay mabagsik, Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit! Sa buhanging tuyo’t may kislap na init, Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!

III Lumapit-lumayo Ay pinapawi mo ang kayraming bakas Na sa buhangina’y limbag na balita

III Lumapit-lumayo Ay pinapawi mo ang kayraming bakas Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas, Aywan kung ang mga magkatabing yapak Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag Kung magkagayon man, nais kong isulat Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak; Ako, sa ganito, ay magkakapalad Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat! Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”

IV At ang mga bulong Sa aki’y di ingay kundi mga awit Ng pag-aanasan

IV At ang mga bulong Sa aki’y di ingay kundi mga awit Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig! At sa paanan ko kung aking mamasid Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib Ng isang dalagang bago pang ninibig Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit, Nang di ko madama yaring tinitiis! Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!

MGA URI NG PANITIKANG PATULA

MGA URI NG PANITIKANG PATULA

TULANG PASALAYSAY Epiko – nagsasalaysay ng isang kagitingan o kabayanihan ng isang tao Biag

TULANG PASALAYSAY Epiko – nagsasalaysay ng isang kagitingan o kabayanihan ng isang tao Biag ni Lam-ang (Iloko) Indarapatra at Sulayman (Muslim) Awit kwento tungkol sa mga dugong Kurido bughaw

TULANG PASALAYSAY (METRICAL POETRY) Awit – ay binubuo ng 12 pantig at may kumpas

TULANG PASALAYSAY (METRICAL POETRY) Awit – ay binubuo ng 12 pantig at may kumpas na mabagal Kurido – ay binubuo ng 8 pantig at may kumpas na mabilis o martsa

TULANG PANTIGAN O TULANG PALARO (JOUSTIC POETRY) Karagatan – paglalarong patula sa pamamagitan ng

TULANG PANTIGAN O TULANG PALARO (JOUSTIC POETRY) Karagatan – paglalarong patula sa pamamagitan ng pagsisid sa sing ng prinsesa sa dagat. Duplo – patulang pangangatwiran hango sa mga salawikain, sawikain o bibliya. Balagtasan – tagisan ng talino sa pamamagitan ng pangangatwiran sa paraang patula.

TULANG DULA O TULANG PANTANGHALAN (STAGE POETRY) Senaculo – pagtanghal sa buhay at pagpapakasakit

TULANG DULA O TULANG PANTANGHALAN (STAGE POETRY) Senaculo – pagtanghal sa buhay at pagpapakasakit ni Hesus Tibag –pagsadula sa paghahanap ni Reyna Elena ng krus na pinagpakuan ni Hesus Panunuluyan – pagsadula sa paghahanap nina Maria at Jose upang isilang si Hesus Pangaluluwa – pagbisita sa mga bahay sa araw ng kaluluwa Sarswela- pagsasadulang may awitan ukol sa damdamin ng tao.

TULANG PANDAMDAMIN / LIRIKO Dalit – nagpaparangal sa Maykapal Awit o Kantahin – madamdaming

TULANG PANDAMDAMIN / LIRIKO Dalit – nagpaparangal sa Maykapal Awit o Kantahin – madamdaming tula na inaawit ukol sa damdamin ng tao Elehiya Oda Soneto

ELEHIYA Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil

ELEHIYA Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni hinggil sa kamatayan. Mga Katangian ng Elehiya 1. Tula ng pananangis — pag-alaala hinggil sa yumao 2. Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di masintahin.

ODA Ito’y isang tulang liriko na may marangal na uri at karaniwang isang apostrope

ODA Ito’y isang tulang liriko na may marangal na uri at karaniwang isang apostrope o patungkol sa pagpuri ng isang tao o grupo ng tao, lugar o panyayari. Mga Katangian ng Oda 1. pagpapahayag ng masiglang damdamin ng isang kapusukang pigil ng maguni-guning pagbubulay 2. pagpapahayag ng isang papuri o kaya’y ng isang panaghoy na kapita-pitagan

SONETO Ito’y tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa

SONETO Ito’y tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin at kaisipan. Mga Katangian ng Soneto 1. Ito ay may tema ukol sa damdamin at kaisipan. 2. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman.

HALIMBAWA NG ELEHIYA ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS Kung tatanawin mo

HALIMBAWA NG ELEHIYA ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako'y tila isang nakadipang krus; Sa napakatagal na pagkakaluhod, Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. Organong sa loob ng isang simbahan Ay nananalangin sa kapighatian, Habang kandila ng sariling buhay, Magdamag na tanod sa aking libingan. . . Sa aking paanan ay may isang batis, Maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig

HALIMBAWA NG ELEHIYA ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS Sa kinislap-kislap ng

HALIMBAWA NG ELEHIYA ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS Sa kinislap-kislap ng batis na iyan, asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; at tsaka buwang tila nagdarasal, Ako'y binabati ng ngiting malamlam! Ang mga kampana sa tuwing orasyon, Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang daloy. Ngunit tingnan niyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw; Naging krus ako ng magsuyong laing At bantay sa hukay sa gitna ng dilim

HALIMBAWA NG ELEHIYA ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS Wala na, ang

HALIMBAWA NG ELEHIYA ISANG PUNONG KAHOY NI JOSE CORAZON DE JESUS Wala na, ang gabi ay lambong na luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha; kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa! At iyong isipin nang nagdaang araw, isang kahoy akong malago't malabay; ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan, dahon ko'y ginawang korona sa hukay

HALIMBAWA NG ODA BAYAN KO NI JOSE CORAZON DE JESUS Ang bayan kong Pilipinas

HALIMBAWA NG ODA BAYAN KO NI JOSE CORAZON DE JESUS Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pa-ibig ang sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda’t dilag At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nangahalina Bayan ko binihag ka Nasadlak sa dusa Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas, Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika Makita kang sakdal laya.

HALIMBAWA NG SONETO PHILIPPINE PANORAMA, VOL. 10, NO. 46, NOVEMBER 29, 1981. May pinahirapang

HALIMBAWA NG SONETO PHILIPPINE PANORAMA, VOL. 10, NO. 46, NOVEMBER 29, 1981. May pinahirapang puso ng pag-ibig, Dahil sa paghanap ng isa pang puso, Ang pusong nakita’y katulad ng langit, Magandang-maganda puso ng pagsuyo, Ang dalawang puso’y masayang nabuhay, At sa püso’y hindi na raw magtataksil, Naniwala silang pagmamahalan…. Pag likas at wagas ay walang kahambing, Bubuyog at kamya’y laging nag-uusap, Laging nagsasalo sa dusa’t ligaya, Sapagkat ang kamya’y langit ng pagliyang, Ang bubuyog nama’y puso ng pag-irog, Ang puso ng tao’y ligayang may dusa, Di lahat ng puso’y laging maligaya.