RIZAL SA BRUSSELS Umalis si Rizal patungo ng
RIZAL SA BRUSSELS
• Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie.
• Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad.
• Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima. • Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran ni Rizal (sa bahay lamang kumakain at nagluluto ng pansit)
ANG KONTRIBUSYON NI RIZAL SA KILUSANG PROPAGANDA ANG LA SOLIDARIDAD
Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad (Made in Brussels) • A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura. • La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mang at tanga.
• Vicente Barrantes Teatro Tagalog ipinakita ni Rizal ang kamangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog. • Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa.
• Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. • Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito.
• Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma. • Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas.
• Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino. • Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador Weyler sa mga taga. Calamba na huwag magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito si Rizal).
• Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagala na kanyang inilathala sa La Solidaridad.
Masamang Balita sa Brussels • Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita. – Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba. – Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal. – Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon sa Bohol.
“GUSTO KONG UMUWI!” • Nagbalak umuwi upang makatulong sa pamilya ngunit sinalungat nina Graciano Lopez- Jaena, Jose Maria Basa, Ferdinand Blumentritt at Mariano Ponce. • Nagbago lamang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa Korte Suprema sa Madrid.
PAGHINGI NG TULONG • Humingi ng tulong sa Asociacion Hispano. Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.
• Tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado ni Rizal • Kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
• Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang. "
• Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng PAGPAPAALIS SA MGA TAGACALAMBA MULA SA HACIENDA NG MGA PARING DOMINIKANO. .
• Ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
DUELO! vs. • Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duelo. • Si Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang.
• Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang duelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino.
• Si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal.
MAGKARIBAL! • Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat sa La Solidaridad. Sa kabilang dako, ang lideratura ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at matularan ng kanyang mga kasamahan.
MAGKARIBAL! • Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar.
• Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino sa Madrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pulong sa Enero 1, 1891.
• Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo.
• Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -- Rizalista at Pilarista. Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta.
• Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal. • Dahil dito, natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan.
• Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hating samahan.
BAKASYON NI RIZAL SA BIARRITZ
• Bakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada. • Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng Paris.
SA PARIS • Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Maria Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor.
SA BRUSSELS • Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo.
GALIT SI RIZAL? • Mula sa Brussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong 50 piso bawat buwan.
GALIT SI RIZAL? • Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan.
ANG PAKIUSAP NI DEL PILAR • Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng Kilusang Propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan.
SI RIZAL SA GHENT ANG EL FILIBUSTERISMO
Si Rizal sa Ghent • Mula sa Brussels si Rizal ay nagtungo sa Ghent na isang lunsod pamantasan ng Belgium. • Mula pa sa Calamba ay sinimulan na ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo at natapos ang huling kabanata sa Biarritz.
• Sa lunsod ng Ghent ay nakatagpo ni Rizal ang dalawang Pilipino na estudyante ng inhinyera sa Unibersidad ng Ghent na sina Jose Alejandrino at Edilberto Evangelista. Nanirahan si Rizal sa isang mumurahing bahay paupahan at nakasama niya si Jose Alejandrino na nakapuna ng kanyang labis na katipiran.
• Naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagang F. MEYER-VAN LOO PRESS sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan. • Isinanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa palimbagan.
• Habang nasa palimbagan si Rizal ay naubusan siya ng pera at ang pagpapalimbag sa El Filibusterismo ay napahinto sa kalagitnaan. • Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon ang manuskrito ng El Filibusteri. Smo sa apoy.
ANG TAGAPAGLIGTAS! • Nang malaman ni Valentin Ventura ay agad pinadalhan si Rizal ng salapi para maituloy ang pagpapalimbag.
• Noong Setyembre 18, 1891 ay lumabas ng palimbagan ang El Filibusterismo at kanyang ipinadala ang dalawang kopya sa Hongkong kina Jose Basa at Sixto Lopez. • Pinadalahan din niya ang kanyang mga kaibigang sina Blumentritt, Ponce, Lopez. Jaena, T. H. Pardo de Tavera, Antonio Luna at Juan Luna.
• Pinagkaloob ni Rizal kay Valentin Ventura ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo. • Inilathala ng sipian ng El Filibusterismo sa pahayagang El Nuevo Regimen sa kanyang isyu ng Okt. Ubre 1891. • Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa ala-ala ng GOMBURZA.
ANG EL FILIBUSTERISMO
Sipi mula sa liham ni Blumentritt “Madaling makukumbinsi na lihim na nakagayuma ang isang filibustero sa kampo ng mga prayle at taong urong, yayamang ito, walang malay na tumutugon sa isang inspirasyon, ay sang-ayon at nanunulsol ng patakarang nakatuon lang sa isang patutunguhan: pagpapakalat ng mga ideya ng filibusterismo sa buong bansa at panghihikayat sa bawat Pilipino na walang ibang kaligtasan maliban sa paghihiwalay sa Inang Bayan. ” (nakasulat sa pahina ng pamagat ng aklat)
• Nakapuslit palabas ng Pilipinas si Ibarra at yumaman bilang isang alahero samantalang nasa labas ng bansa. • Sa Cuba nakaibigan niya ang Gobernador. Heneral at ibang mga opisyal, na nagpakilala sa kanya sa mga matataas ng nanunungkulan sa Pilipinas na binalikan niya ngayon bilang Simoun para manulsol ng rebolusyon.
• Suot-suot ang makapal na dark-glasses- di kapansing balatkayo sa tropiks- di nakilala si Simoun, na sadyang nagkalat ng lagim na bunga ng matinding pagkamuhing dulot ng personal na pagkaapi.
• Gumagalaw-galaw siya sa hanay ng mga mayayaman at makapangyarihan, saanman makakita ng kasamaan, sinusulsulan pa ito para sumama pa lalo, samantalang lihim na kumikilos sa hanay ng mga api at mahihirap, tinutulak sila para mag-alsa.
• Buong lipunan ang saklaw ng nobela, batbat ng panimdim, may kulimlim ng sikil na pagkamuhi. May sa demonyo itong si Simoun. Maraming sitwasyong katatawanan, subalit saklob ng lambong ng kapanglawan; malagim din itong pagpapatawa.
• Sa mambabasang Filipino ng 1891, kung mapuwersa ang Noli, napakabigat ng Fili. – Nobela itong nanghahatak ng rebolusyon, ngunit walang ipinapangako mula rito. – Bigo si Simoun, bigo lahat, dapat, paniwala ni Rizal para sa anumang nakasalalay sa pagkamuhi.
Dalawang Layunin na Nakamit ng Fili • Panunulsol sa rebolusyon • Mariing babala laban dito – Urong sulong – Walang alternatibo sa rebolusyon dahil bigo ang lahat nang nasubok – Pero hindi makita kung paano magtatagumpay ang isang rebolusyon
• Isang moralidad, isang malalim na pagkalarawan ng mentaliti at klima ng pagaalsa, kasama ang kaigtingan ng mga pangangailangan nito at pagkukulang sa pagsasatupad. • Isang paghahayag ng mga katunayan
• Ngayong nasabi na, muli iniwan niya sa iba na gumawa ng kanilang konklusyon, at sa panahon para mangyari kung ano ang mangyayari.
SI RIZAL SA HONGKONG
BAKIT LUMIPAT SI RIZAL SA HONGKONG? • pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa. • Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas. • Para kupkupin ang kanyang pamilya.
PAMAMAALAM SA EUROPA • Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga Pilipino sa Europa. • Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo.
• Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.
PASKO SA HONGKONG • Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad. • Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya noong KAPASKUHAN sa ibang bansa.
PANGGAGAMOT SA HONGKONG • Sa tulong ni Dr. Lorenzo Marquez , inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata. • Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano. • Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
SABAH, ANG BAGONG CALAMBA?
• Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa.
• Nagpunta siya sa Sandakan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50, 000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad.
PAGTUTOL • Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan. • Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneo ngunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang PAGTUTOL dito.
MGA SINULAT SA HONGKONG • Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses ng 1789. • A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba. • Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa Calamba.
MGA SINULAT SA HONGKONG • Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas. • The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si Rizal ay nagpapadala ng mga artikulo. • ang SALIGANG BATAS NG LA LIGA FILIPINA.
Ang La Liga Filipina • Isang pambansang lipunang oorganisahin sa mga rehiyon at distrito. • Ang mga kasapi manunumpang magdadamayan at magtatanggol sa isa’t isa sa anumang hilahil, karahasan, at kawalang katarungan, magpapasigla ng edukasyon, agrikultura at komersyo, magaaral at maglalapat ng mga reporma, at magiging malihim hinggil sa kautusang inisyu ng mga konseho nito.
“BABALIK KA RIN!” • Para kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo • Para itatag ang La Liga Filipina sa Maynila • Para patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang lamang si Rizal dahil sa siya ay malayo sa mga Espanyol. • Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa ito ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
Ngunit bago umalis ng Hongkong, nagiwan siya ng dalawang liham na bubuksan lamang sa kanyang kamatayan…
• Unang liham ay para sa kanyang magulang, pamilya, kaibigan • Ikalawang liham para sa bayang Filipino, ipinaliliwanag ang kanyang mga motibo sa harap ng kasaysayan • Ipinatago kay Dr. Laurenco Pereira Marquez at hiniling na itago ito at ilathala sa angkop na oras.
“Walang dudang napakamapanganib nitong hakbanging aking ginawa, o gagawin, at hindi ko na kailangang banggiting tunay na masusi ko itong napagdili-dili. Natatanto kong tutol ang lahat dito. Subalit natatanto ko na rin na halos walang nakakaalam sa tunay kong nasa loob. Hindi ako maaaring mabuhay sa pagkaalam na maraming di-makatwirang inuusig dahil sa akin; hindi ako mabubuhay na nakikitang tinutugis na parang kriminal ang aking mga kapatid at kanilang pamilya. ”
“Buong pusong inialay ko ang aking buhay para mawakasan ang pagdurusa ng aking pamilya. Batid ko sa sandaling ito na sa ilang paraan, nakasalalay sa akin ang kinabukasan ng aking bansa…Kung iniisip kong sa akin lang nasesentro ang politikang Pilipino…mag-aatubili ako marahil sa hakbanging io; pero mayroon pang mga ibang makahahalili sa akin, a mas makakapagsulong pa…”
FINAL TERM QUIZ 1 (1 -5 ) Magbigay ng limang artikulo ni Rizal sa La Solidaridad na sinulat niya sa Brussels
6. Ano ang pinakamasamang balita na natanggap ni Rizal mula sa Pilipinas nang siya ay nasa Brussels? 7. Sino ang nagsilbing abogado ni Rizal sa Madrid nang pumunta siya doon para tulungan ang kanyang pamilya sa suliranin sa Calamba?
8. Espanyol na hinamon ng duelo ni Rizal at may akda ng unang talambuhay tungkol kay Rizal, ang Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal 9. Sino ang naging matinding karibal ni Rizal sa pamunuan sa kilusang propaganda at sa La Solidaridad?
10. Palimbagang pumayag na ilathala ang El Filibusterismo ng hulugan 11. Kaibigan ni Rizal na tumulong sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo at pinagkalooban ng manuskrito ng El Filibusterismo
12. Kanino inialay ni Rizal ang El Filibusterismo? 13 -14 Dalawang layunin na nakamit ng El Filibusterismo
15. Saang bansa naoperahan ni Rizal sa mata ang kanyang inang si Teodora Alonzo? 16. Manggagamot na tumulong kay Rizal na magkaroon ng pasyente sa Hongkong at pinaghabilinan ng dalawang liham na bubuksan lamang sa kanyang pagkamatay bago bumalik ng Pilipinas
17. Saan binalak ni Rizal na magtayo ng bagong kolonya para sa mga Pilipinong nawalan ng lupa dahil ng mga Dominikano? 18. Pangalan ng pahayagan na naglathala ng mga artikulo ni Rizal sa Hongkong
19 -20 Para kanino ang dalawang liham na iniwan ni Rizal sa Hongkong at ibinilin bago bumalik ng Pilipinas na ilalathala pagkamatay niya?
- Slides: 85