Presentasyon ng Ika Apat Na Pangkat Pagkakaiba ng
Presentasyon ng Ika -Apat Na Pangkat Pagkakaiba ng Korido at Awit Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura at mg tauhan nito.
Ang Pagkakaiba ng- At Awi t Korid o
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido • Ang awit at korido ay mga patulang salaysay na paawit kung basahin. • Hanggang ngayon ay hindi maliwanagan kung papaano nagkakaiba ang dalawa. May mga mananaliksik na nagsasabing ang isang akda ay korido at may iba namang nagsasabi na ang akda ay awit.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo: Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro” Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
• Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.
• Unang Paglimbag • Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875. • Nalilimbag ang pamagat ng bersiyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay: • PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA. • QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA. AT TINULA NANG ISANG MATOUAIN SA VERSONG TAGALOG
• Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.
Mga Tauhan Sa Florante at Laura
Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persiya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura Sultan Ali-Adab - sultan ng Persiya, ama ni Aladin Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante Konde Sileno - ama ni Adolfo Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo. Antenor - guro ni Florante sa Atenas Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura Heneral Osmalik - heneral ng Persiya na lumaban sa Crotona Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya Heneral Abu Bakr - Heneral ng Persiya, nagbantay kay Flerida
- Slides: 10