PINAKAKAPANIWALANG KATIBAYAN Liksyon 9 para sa ika1 ng
PINAKAKAPANIWALANG KATIBAYAN Liksyon 9 para sa ika-1 ng Desyembre, 2018
Kung tatanggapin natin ang kaligtasang inihandog ni Kristo sa Krus, tayo ay kaisa sa Kanya sa isang kasunduan. Tayo ay pinagkasundo sa Dios at sa tao. Nagbagong buhay na tayo. Nagkakaisa ang mga mananampalataya sa iisang misyon, isinasantabi ang ating mga pagkakaiba. NAGKAKAISA KAY KRISTO NAGKAKAISA SA PAGKAKASUNDO NAGKAKAISA SA GAWI NAGKAKAISA KAHIT MAGKAKAIBA NAGKAKAISA SA MISYON
NAGKAKAISA KAY KRISTO “Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko. ” (Efeso 1: 10) Naligtas tayo ng kamatayan at pagkabuhay na muli ni Jesus. Nagiging kaisa tayo ni Jesus sa ating pagtanggap nitong kaligtasan. Ang pangalawang mithiin ng plano ng Kaligtasan ay naabot dahil nagkakaisa tayo sa iisang Tagapagligtas: “upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat. ” (Juan 11: 52) Sa panahong tayo’y bautismohan, hayagang tinatanggap natin si Jesus, at nabubuo ang pagkakaisa kasama ng mga kapatiran. “Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. ” (Efeso
NAGKAKAISA SA PAGKAKASUNDO “Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministeri sa pagkakasundo. ”” (2 Corinto 5: 18) Ang kamatayan ni Jesus ang nagwasak sa pader na nasa gitna ng mga Hudio at mga Hentil. Napagkasundo sila at naging isang bayan (Efeso 2: 13 -16). Gusto ng Dios na pagkaisahin ang Kanyang mga anak. Ang gawain ng pagkakasundo ay may tatlong tapyas: akikipagkasun do sa Dios • Malayo tayo sa Dios, ngunit tayo’y pinagkakasundo sa Kanya sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. akikipagkasundo ating kapatiran • Ang ating pakikiisa kay Kristo ay ipinapakita ng kapayapaan at pagkakaisa natin sa kapwa. ansanlibutang pagkakasundo • Tinawagan tayo para anyayahan ang iba na makiisa sa Dios Habang pinapalago ng iglesia ang pagkakaisa at pagkakasundo, nakikita ng daigdig ang paggawa ng katalinuhan ng Dios (Efeso 3: 8 -11).
NAGKAKAISA SA GAWI “Ang nagsasabing siya'y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya. ” (1 Juan 2: 6) Ang pagtanggap kay Jesus ay hindi lamang sa isipan. Nakakapagbago ito sa ating buhay sa praktikal na paraan. . Nagbabago ang ating mga damdamin at ugali, at lumalakas ang pagkakaisa. Ang buhay na nabago ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay pinakamakapangyarihang patotoo sa (1 Pedro 2: 11 -12). Pinapaliwanag ng Biblia kung paano tayo nabago. Halimbawa, tingnan ang Efeso 4: 255: 2, Colosas 3: 1 -17, Mateo 7: 12, Galacia 6: 2, 1 Pedro 3: 3 -4, 1 Corinto 10: 31…
NAGKAKAISA SA GAWI Ayon sa mga naunang talata, ano ang dapat itigil ng mga Kristiano? Pakikipagtalik ng hindi kasal Karumihan Kalaswaan Masamang hangarin Kasakiman Poot Galit Malisya Kalapastanganan sa Dios Hindi tapat na pananalita Masamang pananalita Kasinungalingan Pagnanakaw Pighati Pagsigaw pagmamayabang
NAGKAKAISA SA GAWI Ayon sa mga naunang talata, ano ang dapat gawin ng mga Kristiano? Pag-isip ng mga bagay sa itaas Pagiging banal Paglakas sa pag-ibig Pagkakaroon ng awa Pagiging mabait Pagpapakumbaba Pagiging kalma Pagiging matyaga Pag-alalay sa iba Pagpapatawad sa iba Paglagay ng pag-ibig Humahanap ng kapayapaan Pagiging mapasalamatin Pag-aaral ng Biblia Pagiging matalino Pag-awit sa Panginoon Gawin ang lahat para sa ikaluluwalhati ng Dios. Pagsalita ng mga kinakailangan Pagiging mabait Maawain Ginagaya ang Dios Tinitingnan ang kapakanan ng iba Pagdala ng pasanin ng iba Naghahanap ng kabanalan sa loob Pamumuhay na malugod
“Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios. ” (Roma 14: 6) Sa Roma 14 -15, inaayos ni Pablo ang mga isyu na nagsisira ng pagkakaisa ng iglesia sa Roma. Mga isyu iyon tungkol sa kaugalian, mga tradisyon, at problema ng konsensya. Halimbawa, pangingilin ng fiesta, pagaayuno, pag-iwas sa mga karneng inihandog sa diosan… Pinayuhan ni Pablo ang dalawang panig na magparaya, sapagka’t ang mga isyung iyon ay walang kinalaman sa kaligtasan. Matalinong payo ito. Makakatulong itong panatilihin natin ang pagkakaisa sa iglesia ngayon. .
NAGKAKAISA SA MISYON “At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagkakatipon sa isang dako. ” (Gawa 2: 1) Some days before Pentecost, the disciples were trying to be the greatest above others (Luke 22: 24). Upang maganap ang kanilang misyon (Gawa 1: 8), dapat nilang iwaksi ang mga kaisipang iyon at hanapin ang pagkakaisa. Paano nila gagawin iyon? Lumapit sila sa Dios sa panalangin at humingi ng tawad sa isa’t-isa. Itinigil nila ang paninisi sa iba. Walang umakusa kay Pedro na ipinagkanulo niya si Jesus, kay Santiago at Juan na makasarili at kay Tomas na mapagduda. Paano natin maisasantabi ang kamalian ng iba, para sa hangarin na tugunan ang ating misyon?
E. G. W. (Counsels for the Church, cp. 4, p. 45) “Kung ang panalangin ni Kristo ay lubos na pinaniwalaan, kung ang mga turo nito ay madala sa pang-araw na pamumuhay ng bayan ng Dios, isang gawain ng pagkakaisa ang makikita sa ating hanay. Bibigkisin ang magkapatid ng ginintuang bigkis ng pag-ibig ni Kristo. Kahit isa lang Banal na Espiritu ay kaya Niyang magdala ng pagkakaisa. Siyang nagpapagingbanal ay mapapaging banal ang kanyang mga alagad. Ang pakikiisa kay Kristo ay magdudulot ng paglalapit sa isa’t-isa sa pananampalataya. Kung nagsisikap tayong magkaisa gaya ng gusto ng Dios, ito ay darating sa atin”
- Slides: 10