Paunawa 1 Ito ay di isang karaniwang pagtatanghal
- Slides: 33
Paunawa: 1. Ito ay di isang karaniwang pagtatanghal ng Power. Point tulad ng maraming ibang matatagpuan sa Internet. 2. Ang taong nagpadala nito sa iyo ay nais makabuti sa iyo at naniniwala na ikalulugod mo ang impormasyong ito. 3. Buksan mo ang tunog-pihitan ng iyong compyuter. 4. Kinakailangan mo lamang ng 4 na minuto, kaya't ituon mo lamang iyong pansin dito. Di ka magsisisi. 5. Ngayon tingnan mo ang petsa ngayon – sapagkat ito'y magiging mahalaga sa malaon – at simulan mong manood.
Halina't magbalik sa nakalipas
Paris, ika-27 ng Nobyembre, 1830
Ito ay isang combentong matatagpuan sa 140 Rue du Bac, Paris
Dito ay kung saan may kamanghang nangyari
Ang Mahal na Birhen ay nagpakita sa isang abang madre at sinabi sa kaniya:
““Ang lahat ng magsusuot ng Medalyang ito ay makakatanggap ng labis na mga biyaya lalo na sila na magsusuot nito sa paligid ng kanilang leeg. ” “Ang mga grasya ay lubos na lalago sa kanila na magsusuot nito ng buong tiwala. ”
Ang madre na nakatanggap ng mensaheng ito ay si Santa Catalina Labouré.
Ang kaniyang katawan ay nakahimlay ng buong-buo na walang pagkaagnas sa kapilya ng combento sa 140 Rue de bac, Paris.
Ngunit anong Medalya kaya iyon? Ano ang naging palatandaan ng dakilang pangako ng Mahal na Birheng Maria?
Ito ay ang Mapaghimalang Medalya ng Mahal na Birhen ng Grasya
Kaniyang ipinangako, “Ang lahat ng magsusuot nito ay makakatanggap ng maraming mga grasya. ” Hindi sinabi ng Mahal na Birhen na “mangilan” lang makatatanggap at ang iba'y hindi. Maliwanag niyang ipinahayag na “lahat” ay makakatanggap. At ipinagako din niya na “ang mga grasya ay magiging labis. ”
Nais mo bang malaman ang kahulugan ng Mapaghimalang Medalya? Samakatuwid magpatuloy na masdan ang pagtatanghal na ito.
Sa harapan ng Mapaghimalang Medalya
Nakatungtong ang Mahal na Birhen sa ibabaw ng mundo, na nagangahulugang, bukod sa pagiging Ina ng langit, Siya rin ay Reyna ng Lupa at ng buong sanlibutan. Kaniyang dinudurog sa ilalim ng kaniyang paa ang ahas na kumakatawan sa demonyo, na siyang patuloy na nanunukso sa mga tao upang kaladkarinn sila sa Impyerno.
Ang kapangyarihan ng Mahal na Birhen ay di hamak na mas higit kaysa sa demonyo. Ipinagtatanggol niya ang kaniyang mga anak na dumudulog sa Kaniya ng buong tiwala.
Sa kaniyang mga daliri ay suot niya ang mga sing na pinalamutian ng mahahalagang hiyas na bato. Nagkalat sa lahat ng dako ang liwanag mula sa mga hiyas na bato bilang palatandaan ng mga grasyang ibinubuhos ng Mahal na Birhen sa lahat ng humihiling nito. Nang tanungin ni Santa Catalina kung bakit ang ilang mga bato ay di nagpamalas ng sinag. , Aniya nais sana niyang magkaloob ng marami pang grasya ngunit di ito hinihiling ng mga tao.
1830 ay ang taon ng pagpapakita ng Mahal na Birhen, na kung kailan ay ipinakita niya ang Medalya kay Catalina Labouré. Ito ay sa kalaunan ng hapon ng 27 ng Nobyembre.
Ang pananalitang nakapaligid sa medalya ay mababasa na: “O Maria na ipinaglihi ng walang sala, ipanalangin mo kaming dumudulog sa Iyo. ” Iniutos ng Mahal na Birhen na itala ang maikling panalanging ito sa Medalya upang ito'y madasal ng malimit.
Sa kabila ng Mapaghimalang Medalya
Ang malaking “M” sa likod ng Mapaghimalang Medalya, na pinapatungan ng isang krus, ay ang unang titik ng pangalang Maria. Sa paanan ng Krus nagpapakasakit si Maria at hinihikayat niya tayong magkaroon ng lubos na pagkakaisa sa kaniya at sa pagdurusa ni Hesus. Sa paligid ng malabiluging likod ng Medalya ay isang korona ng labing-dalawang bituin. Bilang Reyna ng Langit at Lupa, ang Mahal na Birhen ay may korona ng labing-dalawang bituin na kumakatawan sa kaniyang kapangyarihan sa lahat ng Nilalang.
Ang Puso ni Hesus at Puso ni Maria ay makikitang magkatabi sa isa't isa. Ang dalawang munting apoy ay tanda ng kanilang nagaalab na pagmamahal para sa atin. Sa dakong kaliwa, ang Puso ni Hesus ay napapaligiran ng isang koronang tinik na may bukas at nagdurugong sugat. Ito's tanda ng ating mga masamang gawain at kasalanan na nagbibigay sakit sa Kaniyang Puso.
Sa dakong kanan, ang Puso ni Maria ay tinagusan ng isang espada na kumakatawan sa lahat ng sakit na tinamo niya noong Pasyon ng Kaniyang Anak. Inialay niya ang mga pagpapakasakit na ito kaisa ng kay Hesus upang tayo ay makaligtas at makarating sa langit.
Sa pagyao ni Santa Catalina Labouré. noong 1876, ang pagpapakalat ng Medalya sa buong mundo ay humugit sa ISANG MILYONG kopya. Ang maraming pagbabalik loob o kombersyon, pagpapagaling at kakaibang proteksyon ang mabilis na nagpakalat sa kaniyang reputasyon bilang “Mapaghimalang Medalya. ”
At ikaw naman? Mayroon ka na ba ng Mapaghimalang Medalya? Nakatatanggap ka na ba ng maraming biyaya na ipinangako ng Mahal na Birhen?
Pindutin ang mga sumusunod na pagpipilian: Mayroon na ako ng Mapaghimalang Medalya! Wala pa akong Medalya! Nais kong makatanggap ng mga biyaya ng Mahal na Birhen ng Mapaghimalang Medalya ngayon.
Makakatanggap ka ng isang Mapaghimalang Medalya sa korreo at, sa pamamagitan ng pagsisindi ng kandila, makakatanggap ka rin ng maraming grasya mula sa Mahal na Birheng Maria. Pindutin dito upang pumidido ng Medalya
Ipadala ang impormasyong ito sa lahat ng iyong mga kaibigan at kamaganak na nagangailangan ng mga grasya. Ang mensaheng ito ay kapakinabang na ipakalat. Ipapakalat namin ang pangako ng Mahal na Birhen mismo, kaysa sa mga pamahiin o mga bagay na inilalayo tayo sa Diyos. Alalahanin lalong-lalo na sila na nagdurusa, ang maysakit sa katawan at kaluluwa.
O Maria na ipinaglihi ng walang sala, ipinalangin mo kami na dumudulog sa Iyo. Bumisita sa Oratoryo ng Mapaghimlang Medalya at sindihan ang kandila para sa iyong mga intensyon. Irekumenda ang Oratoryo ng Mapaghimalang medalya sa mga kaibigan, kakilala at kamaganak sa pamamagitan ng pagpindot DITO apenas busquem conhecimento
- Isang uri ng pagtatalo ng dalawang panig sa isang paksa
- 1. ito ay isang
- Mga halimbawa ng pangungusap
- Ito ay ang pag-aaral ng makabuluhang tunog ng isang wika.
- Larawan ng anyong tubig sa pilipinas
- Korido at awit
- Panauhan ng tula
- Ang tunggalian ay isinusulat sa pagitan ng suliranin at
- Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan
- Pasalaysay halimbawa pangungusap
- Soberanya ng pilipinas
- Ito ang pumalit sa duplo
- May apat na uri ng pangungusap
- Sino ang prinsesang javanese?
- Panimulang bahagi ng sanaysay
- Isang anyo ng maikling kwento
- Tiyakang silohismo halimbawa
- Paano maging pilipino
- Sangkap ng palatunugan
- Pagkakaiba at pagkakatulad ng pormal at di pormal
- Ano ang kahulugan ng ngayon kakahigin ngayon tutukain
- Proseso sa paggawa ng pananaliksik
- Dalawang uri ng pagtukoy ng lokasyon ng pilipinas
- Karagatan panitikan
- 1. pagkamamamayan ayon sa dugo ng magulang
- Yamang lupa gulay
- Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik
- Tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa
- Pang mukhang balita
- Tulang liriko
- Dalit kahulugan
- Halimbawa ng demand schedule
- Ayon kay goodman ang pagbasa ay
- Layunin ng el filibusterismo at noli me tangere