PANLITERARYANG TEKNIK MABISANG PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO 1
PANLITERARYANG TEKNIK MABISANG PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO
1. PAGBABALIK-TANAW 2. PAGPAPAHIWATIG 3. SIMBOLISMO 4. ALUSYON 5. KAPANABIKAN 6. PAGLALARAWANG-DIWA 7. IRONYA URI NG PANLITERARYANG TEKNIK
Ang teknikong ito ay ang mga kuwentong nagsisimula sa gitna ng mga pangyayari (in media res) o sa wakas (in fine res) na ang simula ng lahat ay inaalaala na lamang. Nasa karaniwang ayos (simula-gitnawakas), ginagamit upang antalain ang takbo ng istorya. PAGBABALIK-TANAW
Kukuwentuhan ko kayo. Pero bago ko simulan, kailangang bumalik tayo, sa umpisa noong nabubuhay pa ako, tungo sa katapusan ng buhay ko- nga pala patay na ako ngayon. Namatay ako, kararaang limang minuto. Takot akong humikab. Naiisip ko pag inginanga kong maluwag, matutukap sa ulo ko hanggang sa ibaba ng leeg ko at babaliktad ako mula sa labas… (salin mula sa bahagi ng monologo ni Nick Darte, The Body) Halimbawa
Gumagamit ng mga palatandaan o senyales na nagbabadya sa magaganap na pangyayari sa dakong huli ng istorya. Lumilikha ng kapanabikan kaya nagiging pursigido ang mambabasa na malaman. PAGPAPAHIWATIG
“I drink, he said, to the buried that repose around us. ” Ito ang winika ni Fortunato habang nakikipagtaasang tagay kay Montressor na sa katapusan ay siya ngang nangyari sa kanya, nang ilibing siyang buhay ng kainuman. “I hastened to make end of my labor. I forced the last stone into its position. I plastered it up. Against the new masonry I re-erected old rampart of bone…” Halimbawa
Pamamaraan itong gumagamit ng sagisag, isang bagay na may sariling kahulugan ngunit nagsasaad ng ibang kahulugang malayo sa sarili. Tulad halimbawa ng kalapati na isang maamong ibon na sumasagisag sa kalayaan at kapayapan, o ng krus na pinagpakuan kay Hesus kaya sumasagisag sa kakristiyanuhan bilang tanda ng pagpapakasakit. SIMBOLISMO
Ang nakatutulig na tilaok ng katyaw ay nakatawag ng pansin ni Ernesto. Sinundan ng kanyang paningin ang pook ng pinagbuhatan nang muling tumilaok ang katyaw na yaong naiiba ang tilaok sa marami nang marinig niya…………………………… Parang kidlat na gumamit sa kanyang isip si Myrna, nang kanyang makatagpong minsan sa Escolta. Nakahawak sa kamay ni Alfredo……………. Halimbawa
ALUSYON Binabanggit ang kilala nang mga bagay mula sa iba’t ibang larangang sanggunian gaya ng Bibliya, Mitolohiya at iba pang panitikan o ng kilalang tao, pook o pangyayari sa labas ng panitikan. Nakawiwiling karagdagang impormasyon sa katha subalit hindi siyang pinakadiwa para maintindihan ang kuwento.
Maniniwala ka sa kadalubhasaan ni Rudyard Kipling! Hindi ako naniniwala sa kasabihan niyang: Ang Silangan ay Silangan, Ang Kanluran ay Kanluran, Magkapatid silang kambal, Magkalayo habang buhay. Halimbawa
KAPANABIKAN Gumaganyak sa damdamin at interes ng mambabasa dahil ang mga pangyayari ay nabibitin kaya hindi basta nabibitawan ang binabasa sa kagustuhang malaman ang mga susunod pang mangyayari sa kuwento kung ano ang kalalabasan o magiging solusyon sa problema na inihain ng may-akda sa kuwento.
Nabalitaan mo na marahil ang mga sabi-sabi ukol sa akin………………. Huwag kang maniniwala. Pumarito ka at may lihim akong sasabihin sa iyo…………………… Halimbawa
Gumagamit ng mga salita o parirala na matinding pumupukaw sa mga pandama- pang-amoy, panlasa, paningin, pandinig, paghipo-tuloy bumubuo ng larawan o imahe sa guni -guni. Karaniwan na sa pagsulat ang imaheng biswal na nagpapakita sa mambabasa ng kung anong mga bagay-bagay. PAGLALARAWANG-DIWA
“Uminog ang kanyang paligid. Tumayo siya’t pasuray-suray na tinakbo niya ang gutom na pintuan. Sa kanyang pagmamadali, sumabit ang balikat niya sa gilid ng pinto na kung hindi siya agad-agad nakakapit, tiyak dapa sa ilong siyang sumubasob. At ang kanyang pagkakatingala, sumaliw sa mata niya ang bilang ng silid na kanyang pinanggagalingan. Kapipinta pa lang nito sa ding. Mistula itong dugong sariwa pang tumutulo…………………………… Halimbawa
Pagbabaliktad ng pangyayari. Kung ano ang inaasahan hindi pala ang mangyayari. Kung ano ang pagkakakilala hindi pala ang tunay na katayuan o kalagayan. Ganito ang sinasabi, ganoon ang kahulugan. Twist kung tawagin pa ito sa Ingles. IRONYA
Halimbawa Ironiko ang mga sitwasyon sa nobelang Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Tulad ng pangalan ng isa sa mga pinakapangunahing tauhang si Ligaya Paraiso na dapat sana’y maligaya, matiwasay at malaya subalit kabaligtaran ang naging kalagayan niya sa buhay nagging napakamiserable. Si Perla na isang hiyas na dapat mamahalin dahil sa pusod ng dagat na dalisay ang kapaligiran nakukuha pero dito siya’y nakasadlak sa squatter area at naging babaing walang halaga dahil nagbebenta ng kaluluwa……………………………… ………. .
Paglalarawan ng partikular na kapaligiran, sampu ng pagbanggit sa katawagan ng mga bagay-bagay na karaniwang dito lamang nakikita o natatagpuan. Tulad ng paglalarawan ni Macario Pineda sa gawaing pag-aararo sa kanyang maikling kuwentong Suyuan sa Tubigan. KATUTUBONG-KULAY
…………………………………… Sa aming nayon, ang kasaysayan ni Apong Isis ay isang buhay na alamat. Mayroon daw siyang anting-anting na kanyang inaagaw sa isang lamang-lupang nakipagbuno sa kanya sa buong magdamag. Mayroon din daw siyang agimat na puting batong ibinigay ng isang kaibigang nuno sa punso…………………. . Halimbawa
Isang paglalarawan itong hindi umalinsunod sa lohika kundi mga pasambut-sambot at waring humihingal na mga detalyeng basta lumalabas sa isip ng manunulat tuwing masasagi ng anumang bagay na makapagpapaalala ng mga karanasang nag-iiwan ng impresyon kaya nailahad. DALOY NG KAMALAYAN
Florante Obligacio. Mauupod ‘yan! Gusto mo bang mawalan ng mga daliri? Kung kailan nagsimula ang kinalakhang gawaing ito ni Florante ay hindi niya matiyak. Basta ang natatandaan niya, oras na humarap sa klase ang sinuman sa kanyang mga naging guro, lalo na si Miss Rucuan, di niya namamalayang mga leksyong itinuturo ng mga ito sa kanila ay sa daliri niya …………………………………….
Florante Obligacion…………………. . Pa-roll call ang tonong ito ng paring banat na banat ang buhok sa pomadang Brillantine…………… Pinababa ng sambit na iyon sa ikalawang baitang na kamuwangan si Florante. Nakita niya roon at narinig ang karaniwang pagtawag sa kanya ni Bb. Rucuan, ang kanyang guro. Halimbawa
Karaniwang gamitin ang simile at metapora. Ito’y pagkukuwento ng mga nagdaan na o di pa man nangyayari ngunit sa pagkukuwento ay parang nagaganap sa kasalukuyan. PAGGAMIT NG MGA TAYUTAY
Masaya siyang kumakanta at dinadala ang awit sa kanyang ugat at mga laman pababa sa tiyan ko. Naririnig ko ang tono sa kanyang panubigan; hindi pa bumubukas ang mga mata ko……. Lumulutang ako. Galaw siya nang galaw. At habang pakaliwa’t pakanang umiimbay ang kanyang mga balakang, sinusubukan kong makikanta sa kanya habang sa mabagal na ritmo’y sumasagi ang buhok ko sa malambot na ……………………………………. . Halimbawa
- Slides: 23