Pangungusap at Bantas MODULE 3 Ayos at Kayarian
Pangungusap at Bantas MODULE 3
Ayos at Kayarian ng Pangungusap: q Sa makalumang balarila, ang kayarian simuno-panaguri ay itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap at ang kayariang panaguri-simuno ay kabalikang ayos. q Nagkaroon ng pagbabago ang tuntuning pangwika kaya tinatawag na karaniwang ayos ang pangungusap na nauuna ang panaguri kaysa sa simuno at nasa kabalikang ayos ang nauuna ang simuno at panaguri. q Sa tradisyonal na balarila, ang “AY” ay itinuturing na pandiwang pangawing.
MGA BAHAGI NG PANANALITA Pang-Nilalaman at Mga Konektor
PANG-NILALAMAN: q Pangngalan q Panghalip q Pandiwa q Pang-uri q Pang-abay
PANDIWA q Ang pandiwa ang pinakakaluluwa ng pangungusap q Karaniwang nagiging malabo ang diwa ng pangungusap dahil sa hindi wastong paggamit ng tinig ng pandiwa. 2 ANYO NG PANGUNGUSAP BASE SA TINIG NG PANDIWA: TAHASAN AT BALINTIYAK
q Sa tinig tahasan, simuno ang aktor o gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa(um, mag, makipag, mang) q Sa tinig balintiyak, ang simuno ay hindi gumaganap sa kilos ng pandiwa. (in, hin, an, han, ipaki, ipag, pag-an, i) q Ang karaniwang nagiging dahilan ng kalabuan ng pagpapahayag ay ang pagpapalit ng gamit ng tinig ng pandiwa.
MGA TINIG NG PANDIWA Balintiyak MALI: Ang propesor ay binigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral. TAMA: Ang mga mag-aaral ay binigyan ng propesor ng pagsusulit. Ang propesor ay nagbigay ng pagsusulit sa mga mag-aaral. (Ito? ) BALINTIYAK: Ikinuha si Maria ng pagkain ng kanyang ina. TAHASAN: Kumuha ng pagkain ang ina para kay Maria.
MGA KONEKTOR PANG-ANGKOP PANGATNIG PANG-UKOL PANANDA na -ng at, o, pati saka, ni, kung, sapagkat, palibhasa, kapag, dahil sa, kaya ayon sa tungkol sa/ kay hinggil sa/kay alinsunod sa para sa/kay ukol sa/kay laban sa/kay ang/ ang mga ng/ ng mga si/ sina ni/nina kay/kina
Ang mga pantukoy na PANANDA q Karaniwang pagkakamali ang paggamit ng ANG at NG q Ang ANG ay ginagamit sa kaukulang palagyo o ginagamit upang tukuyin ang isang pangngalang ginagamit sa simuno ng pangungusap. MALI: Mag-aaral ang Feati ng nagwagi sa timpalak. TAMA: Mag-aaral ng Feati ang nagwagi sa patimpalak.
Ang pantukoy na “ng” ay ginagamit sa kaukulang palayon. Ito ay ginagamit na pananda o pantukoy sa mga sumusunod na mga kalagayan. q Pananda ng aktor ng balintiyak na pandiwa. Hinagad ng pulis ang tumatakbong magnanakaw. q Pananda ng layon ng pandiwang palipat Bumigkas ng tula ang kampeon sa patimpalak.
q Pananda ng instrumento o gamit sa kilos ng pandiwa Nilampaso ko ng basahan ang sahig. q Nagpapakilala ng pagmamay-ari ng bagay na binabanggit sa pangungusap Nahulog sa tubig-baha ang aklat ng guro.
Ang panandang SA q Ang SA ay panandang ganapan na nagsasabi kung saan naganap ang kilos na sinasabi ng pandiwa May isang mahalagang pagdiriwang na magaganap sa London. q Ang SA ay nagiging panandang pinaglalaanan kung ito ay sinasamahan ng para. Ibigay mo sa kanya ang para sa kanya.
Mga uri ng PANGUNGUSAP
MGA URI AYON SA GAMIT PATUROL Katorse anyos pa lamang si Nene. PAUTOS/ PAKIUSAP Huwag kang magtapon ng basura diyan. PATANONG Paano ba talaga malalaman kung totoo ang nararamdaman? PADAMDAM Naku! Nasira na.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN A. Payak – kung ang pangungusap ay nagbibigay ng iisang kaisipan lamang. B. Tambalan- kung ang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang mga sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig na panimbang C. Hugnayan – binubuo ng isang punong sugnay at isa o higit pang pantulong na sugnay. Pinag-uugnay ito ng pantulong na pangatnig D. Langkapan-binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at isa o higit pang pantulong na sugnay.
q Pinagsisikapan kong maiahon sa hirap ang aking pamilya. q Kumakalam ang sikmura ko sa matinding gutom. q Ang mga militar at tinagubilinan ng pangulo na dapat silang maging makatao. q Ang Royal Wedding nina Prince William at Kate ay inaabangan ng marami. q Ang mga alagad ng simbahan ay tumututol sa RH Bill. q Ang bawat mamamayan ay dapat na magbayad ng buwis sa pamahalaan.
Anong Uri ng pangungusap? Batay sa kayarian….
1. Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan sa disco at sounds. 2. Sa gulang na disisiyete--nakaburol siya sa Malate Church, namamaga ang noo dahil hindi nakalabas ang balang pumasok sa ulo, putok ang mga labing nasubsob sa kalsada, duguan ang knapsack. 3. Kagaya siya ng karaniwang bangkay na pinapangit ng kamatayan pero lubhang pinapangit ng pangyayaring ang mga pumatay sa kanya'y maaring hindi na matagpuan kailanman. 4. Siya ang pinakahuling biktima ng mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally. 5. Basahing mabuti ang materyal.
6. Ang epekto ng global warming ay nakita sa pagtaas at pagbabago ng kalagayan ng karagatan tulad ng: pagsisimula ng pagbagsak ng “cod fisheries” sa Hilagang Atlantiko. 7. Suriing muli ang orihinal at tingnan kung may pangunahing ideya na ‘di naisama. 8. Lagumin ang mga pangunahing idea ng may-akda. 9. Umaalis ang mga “plankton” kung saan dating nakapirmi upang makaiwas sa acidity ng tubig at mas mataas na temperatura ng karagatang dala ng mataas na antas ng carbon dioxide na pumapasok sa tubig ng dagat kaya nagbabago din ang karagatan na hindi kinakaya ng naninirahan dito. 10. Ang pinakabuod o katas ng isang talata, mahabang prosa o kaya ay ng isang tula ang tinatawag na preysi.
Gawing tambalan, hugnayan, at langkapan ang mga sumusunod na payak na pangungusap. Kumakain ako ng kendi. Nagulat ako. Bumili ng mga damit sa mall sina Kara at Lala.
Ang mga bantas Mahahalagang Biswal na Wika
WASTONG GAMIT NG BANTAS 1. TULDOK [. ] a. Sa isang ganap na pangungusap b. Sa nag-iisang titik ng pangalan ng tao at sa mga salitang dinaglat c. Inilalagay sa loob ng panipi, ngunit sa labas ng parentesis o panaklong. 2. KUWIT [, ] a. Sa paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay b. Sa paghihiwalay ng Oo at Hindi sa iba pang bahagi ng pangungusap
c. Sa pagitan ng petsa at taon d. Sa salitang pantawag e. Sa lipon ng mga salitang panuring f. Sa bating panimula at pamitagang pangwakas ng liham g. Sa sugnay na pantulong kung ito ay nasa unahan ng pangungusap h. Sa pagitan ng tuwiran at di –tuwirang pahayag i. Sa halip na salitang ayaw nang ulitin
3. GITLING [-] a. Sa pagitan ng salitang hinahati sa magkasunod na guhit o linya. b. Sa pagitan ng mga salitang inuulit c. Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig na g at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig d. Sa pagitan ng panlaping ika na sinsundan ng tambilang e. Sa pagitan ng maka, taga, magsa na sinusundan ng pangngalan pantangi f. Sa pagitan ng dalawang salita namay nawawalang kataga sa gitna
g. Sa pagtatambal ng dalawang salitang kapwa nagtataglay pa rin ng kanya-kanyang kahulugan 4. KUDLIT [‘] a. Sa halip ng titik na nawawala sa loob ng salita 5. TUTULDOK [: ] a. Sa simula ng sunod-sunod na tala b. Sa bating panimula ng liham-pangangalakal c. Sa paghihiwalay ng dalawang sugnay ng pangungusap kung ang huli’y paliwanaga o halimbawa ng una. d. Sa oras ng tambilang
6. TULDUKUWIT [; ] a. Sa paghihiwalay ng mga sugnay ng pangungusap na tambalan bilang kahalili ng pangatnig b. Sa paghihiwalay ng mga sugnay na sunod-sunod na ginagamitan ng kuwit c. Sa mga sugnay ng pangungusap na tambalan na ginagamitan ng mga pangatnig na at, ngunit, gayunam, samakatuwid, bukod diyan
7. TULDOK-TULDOK […] a. Sa pagsasalitang putol-putol b. Sa pahayag na hindi ipinagpatuloy c. Sa halip ng mga salitang malaswa o di dapat limbagin 8. PANIPI [“ ” ] a. Sa tuwing sinasabi ng nagsasalita b. Sa pamagat ng akda o paksa
- Slides: 27