PANAWAGAN NG DIOS Liksyon 3 para sa ika19

  • Slides: 11
Download presentation
PANAWAGAN NG DIOS Liksyon 3 para sa ika-19 ng Oktubre, 2019

PANAWAGAN NG DIOS Liksyon 3 para sa ika-19 ng Oktubre, 2019

Gumuhit ng plano ang Dios na sangkot ang mga tao, mga bansa o ang

Gumuhit ng plano ang Dios na sangkot ang mga tao, mga bansa o ang sangkatauhan. Tinatawag itong "katalagahan" sa Biblia. Ang plano ng kaligtasan ay isang halimbawa ng plano para sa sangkatauhan. May mga plano din ang Dios sa mga espesyal na tao sa espesyal na panahon. Maaaring hindi magawa ng ilang tao ang kanilang bahagi sa plano— halimbawa, si Saulo—, habang iba naman ay nakakagawa nito gaya nina Ezra at Nehemias. Ganunpaman, ang ilang plano ng Dios ay nakadesenyong matupad anuman ang mangyari. Halimbawa, ang mga hula tungkol sa mga kapangyarihan at emperio, ang Huling Panahon, katapusan ng kasalanan at kamatayan. Panawagan ng Dios at mga hula Panawagan ng Dios kay Ezra at Nehemias Panawagan ng Dios sa iyo Iyong tugon sa panawagan ng Dios

PANAWAGAN NG DIOS AT MGA HULA “Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na

PANAWAGAN NG DIOS AT MGA HULA “Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Pagkatapos na maganap ang pitong pung taon sa Babilonia, aking dadalawin kayo, at aking tutuparin ang aking mabuting salita sa inyo, sa pagpapabalik sa inyo sa dakong ito. ” (Jeremias 29: 10) Noong 538 BC, tinawa ng Dios si Ciro upang tuparin ang pagtatapos ng pitumpong mga taong hula. Gumawa ng kautusan si Ciro upang payagang makabalik ang mga Israelita sa Jerusalem, sa pangunguna ni Zerubabel (Ezra 1: 1 -4). “Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin s kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalan. ” (Daniel 9: 24) Noong 457 BC, tinawagan ng Dios si Artaxerxes upang ganapin ang pagsimula ng pitumpong linggong hula (Ezra 7: 11 -27). Di gayang mga naunang kautusan, ibinigay ni Artaxerxes ang buong kasarinlan sa mga Judio, sa ilalim ni Ezra.

PANAWAGAN NG DIOS AT MGA HULA Ang hula ng 70 linggo ay nagmula sa

PANAWAGAN NG DIOS AT MGA HULA Ang hula ng 70 linggo ay nagmula sa 457 BC hanggang 34 AD. Noong 34 AD, ipinakita ng buong bayan ng Israel na tuluyan na nilang tinanggihan si Jesus bilang Mesias sa pagbato kay Esteban. Pitong buwan bago iyon, pinahiran si Jesus bilang Mesias. Matapos ang tatlo at kalahating taon (sa gitna ng linggo), napako si Jesus. 457 BC 27 AD 31 AD 34 AD Ayon sa Daniel 9: 24, ang 70 linggo ay bahagi ng mas mahabang sukat ng panahon (sila’y châthak, na ibig sabihin ay "putulin" sa Hebreo). Ang mas mahabang panahon na iyon ay 2, 300 na mga araw (Daniel 8: 14). 457 BC 70 linggo 2, 300 taon 27 AD 408 BC 31 AD 7 62 1 49 434 7 34 AD 1844 AD 1810

PANAWAGAN NG DIOS AT MGA HULA Mayroong dalawang salita sa Hebreo na ang ibig

PANAWAGAN NG DIOS AT MGA HULA Mayroong dalawang salita sa Hebreo na ang ibig sabihin ay “pangitain”: hâzôn (buong pangitain) at mar’ah (ang 2, 300 araw na pangitain). Ang relasyon ng 70 linggo sa 2, 300 na mga araw ay hindi pinaliwanag ni Gabriel sa Daniel 8, ngunit mauunawaan ito kung paghahambingin ang kabanta 8 at 9. Sa ikatlong taon ng paghahari ni Haring Belshazzar isang pangitain [hâzôn] ang nagpakita sa akin(Daniel 8: 1) pangitain 2, 300 At ang pangitain [mar’ah] ng mga gabi at umaga na nasabi ay totoo; kaya tatakan mo ang pangitain [hâzôn], dahil tumutukoy iyon sa maraming araw sa hinaharap (Daniel 8: 26) pangitain 2, 300 Ako’y namangha ng pangitain [mar’ah], ngunit walang nakaunawa dito (Daniel 8: 27) samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si Gabriel, na aking nakita sa pangitain [hâzôn] nang una (Daniel 9: 21) pangitain kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain [mar’ah] (Daniel 9: 23) 2, 300 sa Daniel 9, ipinaliwanag ni Gabriel kay Daniel na ang 2, 300 araw na pangitain ay nagsisimula sa 70 -linggong panahon

PANAWAGAN NG DIOS KINA EZRA AT NEHEMIAS Bakit pinili ng Dios si Ezra “Sapagka't

PANAWAGAN NG DIOS KINA EZRA AT NEHEMIAS Bakit pinili ng Dios si Ezra “Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan. ” (Ezra 7: 10) Nagpasya si Ezra na hanapin ang Dios. Pinag-aralan niya ng maiigi ang Biblia. Malugod niyang tinanggap ang gawaing ipinagkatiwala sa kanya ng Dios. Bakit pinili ng Dios si Nehemias? “At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit. ” (Nehemias 1: 4) Si Nehemias ay nagigiliw sa bayan ng Dios. Nadurog ang kanyang puso dahil sa kahihiyan ng Jerusalem. Nagkusa siyang tuparin ang gawain ng Dios.

PANAWAGAN NG DIOS SA IYO “At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman:

PANAWAGAN NG DIOS SA IYO “At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag ay inari -ganap naman niya: at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya. ” (Roma 8: 30) Sabi ni Pablo, ang pagtawag ng Dios ay resulta ng pagtalaga. Para sa ano tayo itinalaga ng Dios? Na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak (Roma 8: 29) Na ariingganap at maluwalhati (Roma 8: 30) Na malaman ang plano ng Dios (1 Corinto 2: 710) Na makupkop bilang mga anak (Efeso 1: 5) Na tumanggap ng mana (Efeso 1: 11) Ang pagtawag ng Dios ay pangsanlibutan. Tinawagan tayo upang maligtas, at espesyal tayong tinawagan para sa natatanging gawain sa Kanyang plano.

E. G. W. (Testimonies to Ministers and Gospel Workers, cp. 63, p. 453) “Mayroong

E. G. W. (Testimonies to Ministers and Gospel Workers, cp. 63, p. 453) “Mayroong pagpili ng mga tao at bayan, ang tanging pagpili sa salita ng Dios, kung saan ang tao ay pinili upang maligtas. Maraming tumitingin sa dulo, iniisip na sigurado silang pinili upang magkaroon ng makalangit na kaligayahan; ngunit hindi ito ang ipinapahayag na pagpili ng Dios. Pinili ang tao upang gawin ang sariling kaligtasan ng may takot at panginginig. Pinili siya upang isuot ang baluti, makipaglaban ng mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya. Pinili siya upang gamitin ang mga paraang inilagay ng Dios sa naaabot niya upang labanan ang bawat di-banal na kasakiman, habang nilalaro ni Satanas ang buhay para sa kanyang kaluluwa. Pinili siya upang magbantay na may pananalangin, sa pagsaliksik sa Kasulatan, at sa pag-iwas na pumasok sa tukso. Pinili siya upang magkaroon ng patuloy na pananampalataya. Pinili siya upang maging masunurin sa bawat salita na nanggagaling sa bibig ng Dios, upang siya ay maging, hindi lang tagapakinig, kundi tagatupad ng salita. Ito ang pagpili sa Biblia. ”

IYONG TUGON SA PANAWAGAN NG DIOS “At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na

IYONG TUGON SA PANAWAGAN NG DIOS “At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: ‘Narito ako; suguin mo ako. ’” (Isaias 6: 8) Namatay si Jesus upang lahat ay maitalagang maligtas ng Dios (Juan 3: 16). Gayunpaman, hinahayaan tayong pumili ng Dios kung tatanggapin natin ang Kanyang panawagan. Dapat tayong makisama kay Jesus upang maisakabuhayan ang itinalagang plano ng Dios para sa atin (Filipos 3: 10). Tinawagan tayo ng Dios upang gampanan ang natatanging gawain sa Kanyang plano. May ilang tumanggi kay Jesus at lumayo sa Dios, gaya ni Saulo o Hudas. Ang ilan ay mga tutol sa panawagan ng Dios, gaya ni Moises (bagaman tinanggap niya ito sa huli). Ang iba ay malugod na tinanggap ang kanilang bahagi sa plano ng Dios at tinupad ito hanggang sa huli, gay ani Ezra at Nehemias.

“Hundreds, yea, thousands, who have heard the message of salvation are still idlers in

“Hundreds, yea, thousands, who have heard the message of salvation are still idlers in the market place, when they might be engaged in some line of active service. To these Christ is saying, “Why stand ye here all the day idle? ” and He adds, “Go ye also into the vineyard. ” Matthew 20: 6, 7. Why is it that many more do not respond to the call? Is it because they think themselves excused in that they do not stand in the pulpit? Let them understand that there is a large work to be done outside the pulpit by thousands of consecrated lay members. Long has God waited for the spirit of service to take possession of the whole church so that everyone shall be working for Him according to his ability. ” E. G. W. (The Acts of the Apostles, cp. 11, p. 110 -111)

“Ibubuhos ng Dios ang Kanyang Espiritu sa mga tutugon sa Kanyang panawagan. Sa lakas

“Ibubuhos ng Dios ang Kanyang Espiritu sa mga tutugon sa Kanyang panawagan. Sa lakas ni Kristo ay makakagawa sila ng gawaing maglalagay ng kasiyahan sa langit. ” E. G. W. (Testimonies for the Church, vol. 7, cp. 44, p. 230)