PAMAMAHALA NG PAGBIBIGAY NG SUSTANSIYA SA PALAY Mga
PAMAMAHALA NG PAGBIBIGAY NG SUSTANSIYA SA PALAY Mga gamit na pataba(abono) at pagkalkula Unang Bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check
Mga Katawagan • Abono o pataba – anumang bagay na inilalagay, o idinadagdag sa halaman para mabigyan ng kinakailangang elemento ang lupa para sa nutrisyon ng halaman. • Grado ng abono – ang ginarantiyahang porsyento ng kabuuang Nitroheno (N), magagamit na posporo (P 2 O 5), at potasyo (K 2 O) ng isang abono. 16 -20 -0 16% N 0% K 2 O 20% P 2 O 5
Mga Katawagan • Kabuuang pagkain ng halaman/Total plant food – ang kabuuang porsyento ng mga sustansiya (karaniwang N, P, K at S) sa isang pataba 17 -0 -17 -12 = 46% kabuuang pagkain ng halaman 14 -14 -14 -12 = 54% kabuuang pagkain ng halaman • Tagapagdala/Carrier – kinakailangang materyal upang mapanatili ang mga elemento sa abono, sa anyong angkop gamitin. • 100% – 46% kabuuang pagkain ng halaman = 54% tagapagdala
Mga Katawagan • Pamasak/Filler – bagay na ginagamit upang mabigyan ang abono ng kailangang dami ng sustansiya kada yunit ng timbang, para sa madaling paglalagay, o para mabawasan ang pagsipsip ng tubig mula sa hangin. • Rekomendadong pataba – dami (kg) ng N, P 2 O 5, at K 2 O na rekomendado kada ektarya 90+30+60 = 90 kg N, 30 kg P 2 O 5, at 60 kg K 2 O aplikasyon kada ektarya
Mga klase ng pataba Ayon sa anyo Ayon sa dami ng taglay na elemento • Likas na organiko • Single/Solo • Kemikal o di likas na organiko • Likas na kemikal • Sintetikong kemikal • Incomplete/Hindi kumpleto • Complete/Kumpleto • Mixed/Halo
Ayon sa Anyo 1. Likas na Organiko/Organic fertilizer (OF) – anumang abono na nanggaling sa nabulok na halaman at/o dumi ng hayop. Halimbawa: Komersyal na organikong abono (OF), kompos, ipot ng manok Komersyal OF maaring purong organiko o purong pinatibay na organiko: Organikong Bagay (%) C: N katumbas Halumigmig (%) N+P 2 O 5+K 2 O (%) Purong organiko ≥ 20 12: 1 ≤ 35 ≤ 7 Pinatibay na Organiko ≥ 20 12: 1 ≤ 35 >7
Ayon sa Anyo 2. Kemikal o di-likas – anumang abono na natural o sintetikong produkto ng reaksyong kemikal ng mga bagay. § Likas na Kemikal– rock phosphate, Chilean nitrate ng soda, karamihan ng materyal na potasyum § Sintetikong kemikal – ammonium sulfate, ordinaryong superphosphate, ammonium phosphate, complete fertilizer; ang Urea ay sintetiko pero nasa pormang organiko.
Ayon sa dami ng taglay na elemento 1. Solo – nagtataglay lamang ng isa sa 3 mahalagang elemento ng abono (N, P, at K) Halimbawa: Urea, Ammonium sulfate, ordinaryong superphosphate, muriate of potash, sulfate of potash 2. Kulang o di kumpleto – nagtataglay ng 2 sa 3 mahalagang elemento ng abono Halimbawa: ammonium phosphate, 17 -0 -17, potassium nitrate, potassium phosphate, urea superphosphate (20 -10 -0)
Ayon sa dami ng taglay na elemento ng Abono 3. Kumpleto – nagtataglay ng lahat ng 3 mahahalagang elemento ng abono. Halimbawa: 14 -14 -14; 17 -7 -17; 10 -15 -15; 12 -12 -12 3. May kahalo – nagtataglay ng 2 o higit pang mahalagang elemento na ibinibigay ng 2 o higit pang abonong bagay Halimbawa: ammonium phosphate + muriate of potash; urea superphosphate (20 -10 -0)
Bakit pag-aaralan ang grado ng abono at pagkwenta nito? Isaalang-alang ito: Kung kailangan ni Shane ang isang kutsaritang asukal para itimpla sa kanyang juice subalit walang magagamit na asukal, pwede ba na honey ang gamitin nya? Kung si Aling Mena ay nagluluto ng adobo ngunit hindi sapat ang toyo, maari kaya syang magdagdag ng asin? Gaano karami? Kung kailangan ni Mang Ado na magsabog ng nirekomendang abono sa daming 90+30+60 subalit walang kumpletong abono, anong ibang abono at dami nito ang kailangan nyang gamitin para sumapat sa rekomendasyon?
Mga karaniwang grado ng abono sa pamilihan FERTILIZER 14 -14 -14 50 kg FERTILIZER 16 -20 -0 50 kg Kumpletong abono 14% nitrogen 14% phosphorus 14% potassium 50 kilong sako: 7 kilo nitrogen 7 kilo phosphorus 7 kilo potassium Ammonium phosphate 50 kilong sako: 16% nitrogen 20% phosphorus 0% potassium 8 kilo nitrogen 10 kilo phosphorus 0 kilo potassium
FERTILIZER 46 -0 -0 Urea 46% nitrogen 0% phosphorus 0% potassium 50 kilong sako: 23 kilo nitrogen 0 kilo phosphorus 0 kilo potassium 50 kg Iba pang karaniwang abono: Ammonium sulfate (21 -0 -0) Solophos (0 -18 -0) Muriate of potash (0 -0 -60) Urea superphosphate (21 -10 -0) 46% x 50 kg 100
Pagkalkula ng Abono Kung kailangan ni Mang Ado na magsabog ng nirekomendang abono sa daming 90+30+60, subalit walang kumpletong abono, anong ibang abono at gaano karami nito ang kailangan nyang gamitin para sumapat sa rekomendasyon? Dami ng abono = (kilo) Rekomendadong dami (kilo/ sustansiya/ha) x Sukat (ha) Porsyento ng sustansiya na nasa abono
Gumamit ng 3 kumbinasyon ng solong abono 1 21 -0 -0 18 -0 0 - 0 -0 -60 2 16 -20 -0 0 -0 -60 Gumamit ng kumbinasyon ng di-kumpleto at solong abono 0 -0 -60 14 -14 -14 46 -0 -0 Pamimilian 46 -0 -0 3 Gumamit ng kumbinasyon ng kumpleto at solong abono
1 pwedeng gawin. Para makalkula ang dami ng abono sa isang ektarya sa rekomendadong dami na 90 + 30 + 60 gamit ang kumbinasyon ng mga solong abono: • • • 21 -0 -0 (ammonium sulfate) 0 -18 -0 (ordinary superphosphate) 0 -0 -60 (muriate of potash o potassium chloride)
Dami ng 21 -0 -0 (kg) = 90 kg N/ha x 1 ha 0. 21 = 428. 6 Dami ng 0 -18 -0 (kg) = 30 kg P 2 O 5/ha x 1 ha = 0. 18 166. 7 Dami ng 0 -0 -60 (kg) = 60 kg K 2 O/ha x 1 ha = 0. 60 100. 0 Kaya si Mang Ado ay dapat maglagay ng 428. 6 kilo ng 21 -0 -0, 166. 7 kilo ng 0 -18 -0, at 100. 0 kilo ng 0 -0 -60 para makamit ang rekomendadong 90 + 30 + 60 sa isang ektarya.
Pangalawang pwedeng gawin- Para makalkula ang dami ng abono para sa isang ektarya ng rekomendadong dami ng 90 + 30 + 60 gamit ang kumbinasyong di-kumpleto at solong abono : • • • 16 -20 -0 (ammonium phosphate 46 -0 -0 (urea) 0 -0 -60 (muriate of potash)
Dami ng 16 -20 -0 (kg) = 30 kg P 2 O 5/ha x 1 ha = 150. 0 0. 20 150 kg 16 -20 -0/ha Dami ng 46 -0 -0 (kg) = 90 kg N – kg N from x 1 ha 0. 46 – = 66 = 90 – (150 x 0. 16) = 90 24 0. 46 = 143. 5 60 kg K 2 O/ha x 1 Dami ng 0 -0 -60 (kg) = = ha 100. 0 0. 60 Kaya dapat syang gumamit ng 150. 0 kilong 16 -20 -0, 143. 5 kilong 46 -0 -0, at 100. 0 kilong 0 -0 -60 para makamit ang rekomendadong dami ng 90 + 30 + 60
Pangatlong pwedeng gawin- Para makalkula ang dami ng abono para sa isang ektarya sa rekomendadong dami na 90 + 30 + 60 gamit ang kumbinasyong kumpletong abono at solong abono: • • • 14 -14 -14 (complete) 46 -0 -0 (urea) 0 -0 -60 (muriate of potash)
Dami ng 14 -14 -14 = 30 kg P 2 O 5/ha x 1 = 214. 3 ha (kg) 0. 14 Dami ng 46 -0 -0 (kg) = 90 kg N – kg N from 214. 3 kg 14 -14 -14/ha x 1 ha = 0. 46 90 – (214. 3 x = 90 – = 60 = 130. 0. 14) 30 0. 46 4 0. 46 K 2 O from 214. 3 kg 14 -14 Dami ng 0 -0 -60 (kg) = 60 kg K 2 O – kg 14/ha x 1 ha = 0. 60 60 – (214. 3 x = 60 – = 30 = 50. 0 0. 14) 30 0. 60 Kaya dapat syang gumamit ng 214. 3 kilong 14 -14 -14, 130. 4 kilong 46 -0 -0, at 50. 0 kilong 0 -0 -60 para makamit ang rekomendadong dami ng 90 + 30 + 60
Pasyahan ang pinakamababang halagang kumbinasyon ng mga abono na makakapagpakamit ng rekomendadong dami na (90 + 30 + 60).
Halaga ng unang pwedeng gawin- kumbinasyon ng 0 -0 -60 mga solong abono: 8 -0 1 0 0 0 2121 -0 -0 = 428. 6 kg 50 kg/bag x P 550/bag = P 4, 714. 60 0 -18 -0 = 166. 7 kg 50 kg/bag x P 550/bag = P 1, 833. 70 0 -0 -60 = 100. 0 kg 50 kg/bag x P 825/bag = P 1, 650. 00 Kabuuang gastos = P 8, 198. 30
Halaga ng pangalawang pwedeng gawinkumbinasyon ng di 0 -0 16 -20 -0 46 kumpletong abono at mga solong 0 -0 -60 abono: 150. 0 kg 16 -20 -0 = 50 kg/bag x P 820/bag = P 2, 460. 00 143. 5 kg 46 -0 -0 = 50 kg/bag x P 890/bag = P 2, 554. 30 100. 0 kg 0 -0 -60 = 50 kg/bag x P 825/bag = P 1, 650. 00 Kabuuang gastos = P 6, 664. 30
Halaga ng pangatlong pwedeng gawinkumbinasyon ng kumpletong abono at mga solong abono: 0 -0 -60 14 -14 -14 46 -0 -0 14 -14 -14 = 214. 3 kg 50 kg/bag x P 810/bag = P 3, 471. 66 46 -0 -0 = 130. 4 kg 50 kg/bag x P 890/bag = P 2, 321. 12 0 -0 -60 = 50. 0 kg 50 kg/bag x P 825/bag = P 825. 00 Kabuuang gastos = P 6, 617. 78
Gumamit ng kumbinasyon ng 3 solong abono 21 -0 -0 0 -18 -0 16 -20 -0 0 -0 -60 46 -0 -0 0 -0 -60 Gumamit ng kumbinasyon ng di-kumpletong abono at mga solong abono 0 -0 -60 14 -14 -14 46 -0 -0 Gumamit ng kumbinasyon ng kumpleto at mga solong abono
CREDITS Instructional presentation designer: Ms. Ev Parac Note: Adapted from powerpoint presentations developed by: Mr. Salvador Yabes You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are Phil. Rice staffers. Produced in 2011. Text: 0920 -911 -1398
- Slides: 26