Pagtataya ng Natutuhan Lydia B Liwanag Ph D
Pagtataya ng Natutuhan Lydia B. Liwanag, Ph. D. Pamantasang Normal ng Pilipinas
Sa K -12 Kurikulum ng Edukasyon, inaasahan na mababago ang pananaw sa larangan ng Pagtataya. Binibigyang diin sa K-12 na ang pagtataya ay ginagamit bilang kagamitang panturo tungo sa pagkatuto sa halip na isang paraan para sa layunin ng pagmamarka.
Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa pagtataya at magagamit nila ang resulta ng pagtataya para sa sariling pag-unlad. Kaya dapat na ang mga pagtataya ay tumutulong sa mga mag-aaral na magtagumpay bilang malikhaing tagaganap na may kaalaman sa halip na taga-ulit at taga-memorya ng ideya ng ibang tao.
Tatlong Uri ng Isang Balanseng Gawain sa Pagtatayang Tradisyunal (Pencil & Paper Tests) Paggawa/Pagpapakita (Performance) Pagtatayang Pagsasagawa (Performance Based Assessment) Produkto/Ginawa (Product) Portfolyo
Pagtatayang Tradisyunal (Traditional Assessment) 1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kilala sa tawag na lapis at papel na pagtataya o pagsusulit. 2. Dito binibigyan ng pagsusulit ang mga magaaral na pare-pareho ang tanong, oras, panuntunan at ang inaasahang sagot. 3. Madalas na sinusuri nito ang mga mababang antas ng kognitibong kasanayan.
4. Ang mga aytem sa pagsusulit ay maaaring ginagamitan ng mga salita, numero, simbolo o larawan kaya’t ang mga madalas na nakakapasa ay ang mga taong may talino sa linggwistika, lohika/matematika o viswal. 5. Ginagawa ito lalo na kung ang nais ay obhektibong pamamaraan na pagmamarka at pagpili ng mga dapat parangalang pangakademiko sa klase.
Pagtatayang Pagsasagawa (Performance Assessment) 1. Ito ay isang uri ng pagtataya na kinakailangang aktwal na ipakita ng mga mag-aaral ang kasanayan na nais husgahan. 2. Tinataya nito ang mga matataas na antas ng kognitibong kasanayan at mga kasanayang pangsaykomotor. 3. Binibigyang-diin ang mga kasanayang maaaring isagawa sa totoong buhay.
Mga Prinsipyo ng Pagtataya Pagbibigay-diin sa Pagtataya para sa Pagkatuto sa Halip na Pagtataya sa Natutunan 1. Ginagamit ang pagtataya bilang kagamitang panturo na naglalayon sa pagkatuto sa halip na pagbibigay lamang ng grado at ebalwasyon.
2. Ang mga mag-aaral ay aktibong partisipant sa pagtataya at nagagamit ang nilalaman ng pagtataya sa pagkatuto. 3. Parehong ginagamit ng guro at mag-aaral ang pagtataya upang mabago o mapabuti ang mga gawain sa pagkatuto at pagtuturo
4. Pagsasagawa ng mga peer tutoring o pagtatambal ng mga mag-aaral na mas mabilis matuto sa mga mag-aaral na may kabagalan
PAGSASANGKOT SA MGA MAG-AARAL SA PAGTATAYA 1. Pinoproseso ng mga mag-aaral ang mga impormasyong nasa pagtataya upang makagawa ng mga desisyon para sa kanilang pag-unlad, makilala kung ano ang may kalidad na gawain, mataya ang sarili at maipaalam ang kanilang kalagayan at progreso upang marating ang hinahangad na pagkatuto.
PAGSASANGKOT SA MGA MAG-AARAL SA PAGTATAYA 2. Dinidirekta ng mga mag-aaral ang sariling pagkatuto: ano ang dapat nilang matamo, nasaan na sila ngayon at paano matatakpan ang puwang sa pagkatuto.
GAMIT NG MGA DITRADISYUNAL NA PAGTATAYA 1. 2. Sa pamamagitan ng mga ditradisyunal na pagtataya, nakukuha ng mga guro ang mabisang impormasyon tungkol sa kanilang mga mag-aaral na mula sa iba’t ibang paraan. Nakapagbibigay ang mga pagtatayang ito ng mga ebidensya ng pagsasagwa na higit pa sa kaalamang natutuhan at nagbibigay ng malinaw na larawan sa kabuuang natutunan ng mag-aaral sa
PAG-UUGNAYAN NG PAGTATAYA AT ISTANDARD O PAMANTAYAN 1. 2. Ang mahalagang pagtataya ay malinaw na nakikita kung ano ang tinataya at sinusukat ang higit na dapat pahalagahan. Bilang isang patakaran sa ating pagtuturo ngayon, hinihikayat na gamitin ang pagtatayang pagsasagawa (Performance-based) sa pagsukat sa kakayahan ng mga mag-aaral.
MGA URI NG PAGTATAYA NG NATUTUNAN TRADISYUNAL ü Pagsusulit üGamit ng Lapis at Papel üMaramihang Pamimili (Multiple Choice Test) üIsang Tamang Sagot (Single Correct Answer) üKabuuang Pagsusulit (Summative) DI-TRADISYUNAL üAlternatibong Pagtataya üPagsasagawa (Performance Type) üPagpupuno o sariling pagbibigay ng sagot (Supply Type) üMaramihang tamang sagot (Many correct answer) üPagsusulit habang natututo (Formative)
MGA URI NG PAGTATAYA NG NATUTUNAN TRADISYUNAL DI-TRADISYUNAL üProdukto o Kinalabasan (Outcomes only) ü Proseso at Produkto (Process and Product) üFokus sa Kasanayan (Skill. Focused) ü Batay sa gawain o task (Taskbased) ü Hindi magkakaugnay ang kaalaman (Isolated Facts) ü Aplikasyon ng Kaalaman (Application of Knowledge) ü Walang kontekstong gawain (Discontextualized Task) ü May kontekstong mga gawain (Contextualized Task) ü Pagtatayang Panlabas (External Evaluation) ü Sariling Pagtataya ng mga magaaral (Student-Self Evaluation)
MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA Si Stiggins (1997) ay nagbigay ng mga sumusunod na pangunahing simulain na magbibigay patnubay ng pokus tungo sa isang komprehensibong pananaw ng pagtataya:
MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA 1. Pagkakaroon ng malinaw na Pag-iisip at Epektibong Komunikasyon 2. Mahalaga ang Papel ng Guro sa Pagtataya
MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA 3. Mga Mag-aaral ang Pangunahing Tagagamit ng Resulta ng Pagtataya 4. Pagkakatoon ng Mataas na Uri ng Pagtataya
MGA PAMATNUBAY NA SIMULAIN SA PAGTATAYA 5. Pagbibigay ng Tuon sa Intra at Interpersonal na Epekto 6. Pinapatnubayan ng Pagtataya ang Pagtuturo
MGA PARAAN NG PAGTATAYA Uri ng Pagkatuto na Tinataya 2. Prosedyural na 1. Konseptwal na kaalaman 3. Proseso ng Pagkatuto 4. Atityud at Gawi 5. Produkto ng Pagkatuto
MGA PARAAN NG PAGTATAYA Sa aklat na Learner-Centered Assessment – inaangkupan ng mga paraan ng pagtataya ang bawat uri ng pagkatuto
MGA PARAAN NG PAGTATAYA 1. Konseptwal/Deklarativ na kaalaman – Pagsasagawa, Panayam, Pagsagot sa Pagsusulit na Pasulat 2. Prosedyural na kaalaman – Obserbasyon, Panayam, Interbyu, Portfolyo
MGA PARAAN NG PAGTATAYA 3. Proseso/Produkto ng Pagkatuto – Pagsasagawa, Portfolyo 4. Atityud at Gawi – Interbyu, Obserbasyon, sample ng mga Gawa
MGA PARAAN NG PAGTATAYA Narito ang ilang tiyak na paraan ng pagtataya sa proseso at produkto ng pagkatuto.
MGA PARAAN NG PAGTATAYA PROSESO üPanayam/Interbyu PRODUKTO üPagsulat ng sanaysay üObserbasyon, üPaggawa ng pasulat na datos proyekto üMga ginawang logo üPortfolyo o jornal üPasalita/Pasulat na üPagsasagawa o sariling ebalwasyon demonstrasyon,
MGA PARAAN NG PAGTATAYA PROSESO üPag-uusap sa ginawang proyekto o produkto üTseklist, rating scale, feedback forms üSariling Pagsasalita ng mga mag-aaral (Selftalk) üMga pagsusulit, Report ng Progreso PRODUKTO üImbestigasyon, Pagsasagawa, Pagguhit, Dula, Kuwento üImbentaryo ng Atityud üSarbey üPasulat na Pagsusulit
Iba’t ibang Paraan / Metodo ng Pagtatayang Pangsilid-aralan May Pinipiling Sagot (Selected Response) Sariling Pagsagot (Constructed Response) • Maramihang Maikling Sariling Sagot Pamimili • Dalawahang na Aytem Pamimili • Pagtatapat • Interaktiv • Maikling sagot • Pagpupuno (Completion) • Paglalabel ng dayagram • Pagpapakita ng ginawa Pagsasagawa ng mga Gawain (Performance-Based Tasks) Pagsulat o Essay Oral na Pagtatanong Produkto • Proyekto • Drowing / Illustrasyon • Sariling tula o kuwento • Refleksyon • Jornal • Grap o Table • Portfolio • Kontroladong Pagsulat • Malayang Pagsulat • Impormal na pagtatanong • Interbyu • Pagsusulit • kumperensya Kasanayan • Madulang Pagbasa • Debate • Pagsasalita • Pagsasakilos • Demostrasyo n ng Gawain Obserbasyo n ng Guro Sariling Pagtataya • Formal • Di-formal • Sarbey ng Atityud • Talatanunga n • Imbentaryo • Sosyometrik na mga kagamitan
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya) WORKSHEET 3 Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Pagsusulit 1. Nabibigyang reaksyon Sariling ang pananaw, tono, Pagsagot layunin at saloobin ng (Constructed akda. Response Test) Produkto / Pagsasagawa • Pagsasakilos • Madulang pagbasa • Sabayang pagbigkas
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya) WORKSHEET 3 Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Pagsusulit 2. Nabibigyang kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari Napipili ang mga salitang magagamit para sa tiyak na sitwasyon Maramihang pagpipiliang pagsusulit (Multiple Choice Test) Produkto / Pagsasagawa • Debate hinggil sa isang balita/ talumpati News Story • Talumpati tungkol sa isang tampok na isyu mula sa akda
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagbasa (Sekondarya) WORKSHEET 3 Mga Kasanayan sa Pakikinig/Pagbasa Mga Kompetensi 3. Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga pansariling karanasan -aktwal -naranasan -nasaksihan Mga Tradissyunal na Pagsusulit Sariling Pagsagot Produkto / Pagsasagawa • Pagkukwento • Pagsasakilos • Pagguhit
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya) WORKSHEET 4 Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Pagsusulit 1. Naisusulat nang wasto ang mga babala, patalastas o direksyon Pagsulat ng patalastas, babala, tuntunin na gamit ang malaking titik at bantas Produkto / Pagsasagawa Pagsulat ng Poster o paggawa ng bulletin board
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya) WORKSHEET 4 Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Pagsusulit 2. Naisusulat ang mga tuntunin sa paaralan sa anyong payak na pangungusap Pagsulat ng patalastas, babala, tuntunin na gamit ang malaking titik at bantas Produkto / Pagsasagawa Pagsulat ng Handbook hinggil sa mga tuntunin ng paaralan
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya) WORKSHEET 4 Mga Kompetensi Mga Produkto / Tradisyunal Pagsasagawa na Pagsusulit 3. Nakasusulat ng Pagsulat ng liham mga bahagi tungkol sa binibiling pangangalakal ng liham produkto sa kompanya 4. Nakasusulat ng Pagsulat ng Malayang pagsulat talatang naglalahad talata ayon ng komposisyon ng tao, lugar o sa modelo ayon sa mga paksa o pangyayari isyu sa paligid
Mga Tradisyunal at Pagsasagawang (Performance) Pagtataya sa Pagsulat (Sekondarya) WORKSHEET 4 Mga Kompetensi Mga Tradisyunal na Pagsusulit Produkto / Pagsasagawa 5. Nakasusulat ng talatang naglalarawan ng ng tao, lugar o pangyayari, kultura Pagsulat ng talata ayon paglalarawan ng sa modelo mga gawi, tradisyon o kultura ng lugar 6. Nakasusulat ng talatang nangangatwiran tungkol sa isang isyu Pagsulat ng talata ayon sariling panig sa sa modelo isang isyu na ipadadala sa editor
Listening Comprehension 1. Note specific Elements on the narrative listened to 2. Determine the order of significant events in the text Traditional Testing Completion type Sequencing Events Performance / Product Based Testing • Graphic Organizer -Story map -Story grammar • Role play • Retelling
Oral Language Proficiency Traditional Testing Performance / Product Based Testing 1. Express agreement or Alternate Response Test • Debate disagreement with ideas • Panel Discussion presented in a solution 2. Narrate specific personal experiences related to the ideas presented in the selection Constructed Response Test • Retell personal experiences 3. Present points of view and opinions concerning the message of a Constructed Response Test • Role play • Speech presentation
Reading Conprehension Reading Comprehension Traditional Testing Performance / Product Based Assessment 1. Use information Completion Type Test • Dramatization what presented in a reading will happen in the selection to infer, to selection evaluate 2. Determine the intended purpose of an informative text Constructed Response Test • Graphic Organizer • FAN • KWL
Writing and Composition Traditional Testing Performance / Product Based Assessment 1. Recognize the parts of a simple paragraph based on writing purpose Modeling • Writing a paragraph for the purpose of: - describing a place - narrating as experience 2. Retell a chosen myth or legend in a series of 5 – 7 sentence paragraphs Arrange sentences to • Write a narrative form paragraph for the purpose of retelling a legend
Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin Level Ng Pagsasagawa (Performance) Mga Krayterya 1 2 3 4 Organisasyon Hindi maayos ang organisasyon ng mga ideya at walang panimula at kongklusyon May lohikal na organisasyon ngunit hindi masyadong mabisa ang panimula at kongklusyon Maayos ang organisasyon pagkakabuo ng talata na may angkop na simula at kongklusyon Mahusay ang pagkakasunod ng mga ideya sa kabuuan ng talata, mabisa ang panimula at malakas ang kongklusyon batay sa ebidensya
Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin Mga Krayterya 1 2 3 4 Lalim ng Refleksyon Napakababa w na walang paguugnay ang dati at bagong kaalaman at makikita lamang kung ano ang tinalakay sa klase Mababaw at hindi gaanong nakikita ang paguugnayan ng dati sa bagong kaalaman Malalim na nakikita ang paguugnayan ng dati sa bagong kaalaman Napakalalim na nakikita ang paguugnayan ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman
Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin Mga Krayterya 1 Paggamit ng Wika at Mekaniks Kailangang baguhin dahil halos lahat ng pangungusa p ay mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas. 2 Mga kaihnaan dahil maraming mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas 3 4 Mahusay dahil kakaunti lamang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas Napakahusa y dahil walang mali sa gramar, baybay at gamit ng bantas, mayamang vocabularyo
Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin Mga Krayterya 1 Presentasyon Mahirap 2 May basahin kahirapang dahil sa unawain hindi ang maayos at pagkakasul malinis na at ng pagkakasula pangungus t ap 3 4 Malinis ngunit hindi lahat ay maayos ang pagkakasul at ng mga pangungus ap Malinis at maayos ang pagkakasul at ng talata
Rubric sa Pagtataya ng Talata / Sulatin Mga Krayterya Pamamahala ng Oras 1 2 Hindi handa Naisumite at hindi dahil tapos binantayan ng guro 3 4 Ginamit ang oras na itinakda sa paggawa at naibigay sa tamang oras Ginamit ang sapat na oras at may ebidensya na ginagawa ito sa labas ng kalse at sariling disenyo ang plano sa pagsulat
RUBRIC SA DULA-DULAAN/ISKIT Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman) 2 (Di-gaanong mahusay) 1 (Di-lubhang mahusay) PAGMAMARKA PAMANTAYAN POKUS PANGKAT GURO 1. Pagbibigay ng interpretasyon • Tama at angkop sa diwa ng nilalaman ang pagpapakahulugan/ interpretasyon ng piyesa. Nagpakita ng reyalistikong tagpo ng maigting na tunggalian ng mga tauhan. 2. Pagkakaganap ng • Maayos, makatotohanan, at makatarungang pagbibigay mga tauhan buhay sa uri ng personalidad na taglay ng tauhan sa piyesa mula sa pagsasalita, pagkilos at ekspresyon ng mukha.
PAGMAMARKA PANGKAT GURO PAMANTAYAN POKUS 3. Mga kasuotan, bagay/props na gamit sa tagpuan • Umaangkop sa papel na tauhan ang kasuotang ginamit. Naaayon ang mga props at kagamitan sa panahon at kalagayan ng sitwasyon sa dula. 4. Kaangkupan ng tunog/ musika • Isinasaad ng mga musika at tunog na inilapat ang himig, tema at damdamin ng dula na nakatulong upang higit na mabigyang buhay ito. Interpretasyon: 17 -20 (Napakahusay) (Katamtaman) KABUUAN: 13 -16 (Mahusay) 9 -12 5 -8 (Di-gaanong mahusay) 1 -4 (Di-lubhang mahusay)
RUBRIC SA PAGSASATAO Iskala ng Pagmamarka: 5 ( Natatangi) 4 (Napakahusay) 3 (Mahusay) 2 (Kasiya-siya) 1 (Hindi kasiya-siya) PAMANTAYAN 1. Reyalistiko at natural ang pagganap sa katauhang binibigyang buhay. 2. Angkop ang ekspresyon ng mukha sa ipinakikitang emosyon o sa damdaming pinalilitaw. 3. Umaakma ang gmait ng tinig sa edad, saloobin at kaisipan ng tauhang ginagampanan. PAGTATAYA
RUBRIC SA PAGSASATAO PAMANTAYAN PAGTATAYA 4. Mahusay at malinaw ang pagbibitiw ng mga pahayag kaya’t nauunawaan. 5. Maayos ang blocking sa paggalaw ng tauhan. 6. May angkop ng kasuotan at pangkalahatang anyo ng tauhan sa kanyang papel na ginagampanan. 7. Nakapukaw ng interes at kawilihan sa mga manonood ang pagsasatao. Interpretasyon: 17 – 20 ( Natatangi) 13 – 16 (Napakahusay) 9 – 12 (Mahusay) 5 – 8 (Kasiya-siya) 1 – 4 (Hindi kasiya-siya)
Mga Kalakaran sa Pagtatayang Pangsilid-Aralan Noon Ngayon Pagbibigay diin sa kalalabasan o resulta Pagtatataya sa proseso kung paano natuto Hiwa-hiwalay ang pagtuturo ng mga kasanayan Integratibo o magkakaugnay ang pagtuturo ng mga kasanayan Pagsasaulo ng mga Aplikasyon ng kaalaman impormasyon Gamit ng lapis at papel Mga awtentikong gawain na pagsusulit Mga gawaing walang konteksto Mga gawaing may konteksto o sitwasyon
Mga Kalakaran sa Pagtatayang Pangsilid-Aralan Noon Ngayon Isa lang tamang sagot na mga pagsusulit Itinatago ang resulta ng pagsusulit, guro lang nakakaalam Maraming maaaring tamang sagot Ang mag-aaral at maging ang magulang nakakaalam ng resulta Isahan ang pagkuha ng pagsusulit Pangkatan ang pagtataya Ginagawa ang pagsusulit pagkatapos magturo Ginagawa habang nagtuturo
Mga Kalakaran sa Pagtatayang Pangsilid-Aralan Noon Ngayon Hindi gaanong malinaw sa Malinaw at nauunawaan ng mga mag-aaral ang resulta ng mag-aaral ang tunay na nangyayari pagsusulit sa pagsusulit Obhektibong Pagsusulit Mga pagsusulit na malaya sa pagsagot ang mga bata (constructed response tests) Guro lang nagtataya May sariling pagtataya Isang paraan lang ng pagtataya ang ginagawa ng guro Maraming paraan ang ginagawa Hindi regular ang pagtataya ng guro Patuloy ang pagtataya
Pagtataya Batay sa Pagsasagawa ( Performance Based Assessment ) Ito ay paraan ng pagtataya kung saan ang guro ay nagmamasid at naghuhusga sa ginagawang pagpapakita ng mga mag-aaral ng kanilang mga kasanayan o kagalingan sa pagbuo ng produkto, paglikha ng sagot, at pagpapakita o presentasyon Ito ay magkasamang paggawa at produkto (performance and product).
Pagtataya Batay sa Pagsasagawa ( Performance Based Assessment ) Ang binibigyang diin ay ang kakayahan ng mga mag-aaral na maisagawa ang mga gawain at makalikha ng kanilang sariling produkto o gawa gamit ang sariling kaalaman at kasanayan. Ang terminong performance based assessment ay kapareho rin ng performance assessment.
Mga Katangian ng Performance Based Assessment o Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa Ang mga mag-aaral ay nagsasagawa, lumilikha, bumubuo o may ginagawang isang bagay. Malalim na pag-iisip at pangangatwiran ang tinataya. Patuloy ang pagsasagawa na maaaring abutin ng ilang araw o linggo. Hinahayaang magpaliwanag, magdepensa ang mga magaaral.
Mga Katangian ng Performance Based Assessment o Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa Nakikita nang direkta ang pagsasagawa. Malaman ang mga ideya na ipinahahayag. Walang isang tamang sagot. Ang mga gawain ay kaugnay ng tunay na nangyayari sa paligid.
Mga Gawain o Task sa Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa Restricted Type Tasks – isang tiyak na kasanayan ang sinusubok at nangangailangan ng maikling sagot. Maaaring maitulad ang mga gawaing ito sa mga tanong na kailangang sagutin sa pagsulat ng maikling talata o mga pagsasanay na nangangailangan ng interpretasyon na tulad sa mga aytem na may nawawalang bahagi na dapat punan ng mga mag-aaral (open-ended items).
Mga Halimbawa nito: Bumuo ng bar grap mula sa mga datos na ibinigay. Basahin ang artikulo sa pahayagan at sagutin ang mga tanong. Makinig sa isyu na pinag-uusapan sa TV at ipaliwanag ang iyong panig. Umawit o awitin mo ang awit. Bigkasin mo ang tula. Isulat sa isang talata ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga kagubatan.
Mga Gawain o Task sa Pagtatayang Batay sa Pagsasagawa Extended type Tasks – mas kumplikado, malawak at kailangan ang mahabang panahon o oras sa pagsasagawa. Nangangailangan ito ng kolaboratibong gawain ng mga mag -aaral at ng maraming sanggunian o pagkukunan ng impormasyon.
Mga Halimbawa nito: Sumulat ng isang awit o tula at iparinig ito sa klase. Maghanda ng plano o mga hakbang sa paggamit ng mga basura. Magsagawa ng pananaliksik sa mga uri ng pagkain na binibili ng mga mag-aaral sa kantina at gumawa ng report tungkol dito. Magdesenyo ng isang patalastas para sa isang produkto. Maglathala ng isang newsletter ng inyong klase.
Pagtatayang Portfolyo (Portfolio Assessment) Ito ay isang uri ng pagtataya na nangangailangan ng pangongolekta ng isang mag-aaral ng iba’t ibang bagay na makapagpapatunay ng kanyang natutuhan sa klase. Ito ay ginagawa nang may layunin at matagalan. Nagbabago ang porma at laman nito ayon sa kagustuhan ng may-ari nito.
- Slides: 60