PAGSULAT SA IBAT IBANG DISIPLINA PAGSULAT KATUTURAN AT
PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
PAGSULAT KATUTURAN AT LAYUNIN
ANO NGA BA ANG PAGSULAT?
1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al. , 2001)
Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al. , 2002)
Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin: Ekspresib Formulari Imaginatibo Informatib Persweysib
Mga layunin ng pagsulat Para kay James Kinneavy (1971) may limang kategorya sa pagsulat na naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Ekspresiv Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili
Mga layunin ng pagsulat 2. Formulari Isang mataas at istandardisadong pasulat katulad ng kasulutan o kasunduan sa negosyo o bisnes at iba pang transyong legal, politikal, at pang-ekonomiya 3. Imaginativ Ginagamit upang mabigyang-ekspresyon ang mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, isksrip at iba pa
Mga layunin ng pagsulat 4. Informativ Upang magbigay ng mahahalagang inpormasyon at ebidensya 5. Persweysiv Upang makapanghikayat, mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag
Gawaing interaktib Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod na sulatin: 1. iskrip pampelikula A. Ekspresib B. Formulari 2. Thesis C. Imaginatibo 3. Subpoena D. Informatib 4. Memorandum of Agreement E. Persweysib 5. Diary 6. Shopping list
Gawaing interaktib Sabihin ang kategorya (layunin) ng mga sumusunod na sulatin: 7. Ulat pamanahon 8. Panunumpa sa katungkulan 9. Talumpati ng Kandidato 10. Tula 11. journal 12. Liham pangkaibigan 13. State of the Nation Address 14. Bisnes kontrak 15. mensahe
Sosyo-Kognitibong na Pananaw sa Pagsulat Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang kognitib naman ay tumutukoy sa pag-iisip. Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.
Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso Para kay Badayos, ang multidimensyonal na proseso ng pagsulat ay binubuo ng sumusunod na proseso: Bago sumulat Binubuo ito ng pagpili ng paksa, paglikha ng mga ideya at pagbuo ng mga ideya Pagsulat Pagbuo ng draft, pagtanggap ng fidbak, pagsangguni at pagrerebisa
Pagsulat bilang multidimensyonal na proseso • • Paglalathala Sangkot dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya’y paglilimbag o paglalathala
Mga mungkahing tanong Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat? Ano ang layunin sa pagsulat nito? Saan at paano ako makakakuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa? Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa? Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa? Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsulat? Kailan ko ito dapat ipasa? Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto?
Mga Hakbang sa Pagsulat: Prewriting/ Gawain Bago Sumulat Pagsulat ng Draft/ Burador Revising o Pagbabago Editing o Pagwawasto Publishing o Paglalathala
Mga Hakbang sa Pagsusulat Pre-writing- Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
Mga Hakbang sa Pagsusulat Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
Mga Hakbang sa Pagsusulat Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng mga ideya o lohika.
Kalikasan ng Pagsulat ayon kina White at Arndt (1991) • • • Paglabas ng Ideya Paggawa ng Istruktura Paggawa ng Burador Pagpopokus Pagtataya o Ebalwasyon Muling Pagtingin
Mga Katangian ng Epektibong Pagsulat: Kalinawan ( Clarity ) Kaangkupan ( Appropriateness ) Kahustuhan ( Completeness ) May Katangian ng Katiyakan ( Emphasis ) Kawastuhan ng Gramar (Gramatical Accuracy ) May Layunin o Hangarin ( Objective ) Mababasa at Mauunawaan ( Readability )
Mga dapat itanong sa sarili kung magrerebisa ng isinulat: Tama ba ang aking pangungusap? Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad? May pagkakaugnay ba ang aking mga ideya? May malabo ang ideya? Angkop ba ang ginamit kong salita? May kaisahan ba ang bawat talataan ? Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe?
Mga Uri ng Pagsulat v v v Akademik Teknikal Journalistic Referensyal Profesyonal Malikhain
L Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba’t –ibang uri ng mambabasa. Ito ay naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa, ng kompyuter o anumang bagay na may kalikasang teknikal.
TEKNIKAL Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay -solusyon sa isang komplikadong suliranin.
TEKNIKAL Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.
TEKNIKAL Nagbibigay bg impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin Layunin nitong maibahagi ang impormasyon tungkol sa isang paksa sa paggawa ng isang bagay. Kasama rito ang proposal at iba pang uri ng propesyonal na dokumeto
REFERENSY AL May kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo, manwal at pagsusuring pangkasaysayan Ang layunin ng referensyal na pagsulat ay maiharap ang impormasyong batay sa katotohanan o kaya’y makabuo ng kongklusyon batay sa katotohanang ito. Ang anyo ng impormasyon ay kailangang totoo o tunay, tamang-tama, obhetibo at komprehensibo
REFERENSY AL Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes.
Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards. REFERENSY AL
JOURNALISTIC Ang isang balitang pamperyodiko ay sumasagot sa lahat ng mga tanong ng pangjornalistik na sino, ano, saan, kailan at bakit. Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi paliguy-ligoy. Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang iba pang impormasyon ay isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa digaanong mahalaga. Pinipili nang maingat ang mga salita at pinanatiling simple at tuwiran ang istilo ng pagsulat.
JOURNALISTIC Ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.
JOURNALISTIC Sa jornalistik na pagsulat, isaalang ang mga sumusunod na mungkahi: Kunin agad ang punto ng istorya. Iwasan ang mahahabang pangungusap hangga’t maari Sumulat ng malinaw
AKADEMIK Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
AKADEMIK Isa sa pinakamahalaga rito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatwiranan Ang layunin ng akademikong pagsulat ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng pananaliksik na ginawa.
Maliwanag Ang AKADEMIK paglalahad ng mga ideya ay dapat malinaw. Ang manunulat ay may pananagutang gawing malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng teksto May Paninindigan Kailangang may sarili kang pagpapasya at paninindigan sa partikular na paksa na iyong isinulat May Pananagutan May pananagutan ang manunulat sa pagkilala sa mga awtoridad na ginamit na sanggunian sa papel na pangakademiko
Narito ang mga katangian ng akademikong pagsulat: Pormal Sa pagsulat ng sanaysay, iwasan ang mga kolokyal na salita at mga ekspresyon Obhetibo Ang pagsulat dito ay obhetibo at hindi personal o pansarili. Kaunti lamang salitang tumutukoy sa manunulat at sa mambabasa Binibigyang-diin ang impormasyon na gustong ibigay
PROFESYONAL Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod: 1. police report – pulis 2. investigative report – imbestigador 3. legal forms, briefs at pleadings – abogado 4. patient’s journal – doktor at nurse
Malikha in Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.
Malikha in Ginagamit ng manunulat ang imahinasyon upang lumikha ng karakter, senaryo o pangyayari upang bumuo ng kuwento o tumalakay sa isang senteal na isyu o paksa Maaring gumamit ang manunulat ng unang panauhan (pumaloob bilang karakter) o kaya’y ikatlong panauhan ( bilang tagapagsalaysay) Sa malikhaing pagsulat, sariling-sarili ng manunulat ang format, lengguwahe, organisasyon ng kanyang sulatin.
Gawaing interaktib Ano ang layunin ng akademikong pagsulat? Bakit kailangang suportahan ang mga ideya sa akademikong pagsulat? Magbigay ng sariling reaksyon kung ano ang kaibahan ng ginagawang pagsulat sa elementarya at haiskul? Ano ang journalistik na pagsulat? Bakit may malaking pananagutan ang sinuman sa pagsulat ng tekstong teknikal?
Gawaing interaktib Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga sumusunod na paksa: Ako at Ang Pisay Ang Aking mga Magulang Ang Aming Barangay Ang Materyal na Mundo Ang Aking Pangarap
- Slides: 45