Pagpili ng Binhi at Barayti Key Check 1
Pagpili ng Binhi at Barayti Key Check 1: Gumamit ng mataas na kalidad na binhi ng rekomendadong barayti Unang Bahagi: Pag-unawa sa Sistemang Palay Check
Ang binhi ang pundasyon ng pagsasaka Kung ano ang inyong itinanim siyang inyong aanihin! Magtanim ng de-kalidad na binhi (+ maayos na Pamamahala) = malaki at de-kalidad na ani.
Ano ang mataas na kalidad na binhi? Bakit kailangang gumamit ng dekalidad na binhi?
Mataas na Uri ng Binhi Mataas Kalidad Halos puro mas kakaunti ang kalahok na buto ng damo Libre sa mga sakit at peste mula sa binhi Mahina May kakayahang tumubo o mabuhay Buo at pareho ang laki ng mga butil
Alin sa dalawa ang gumamit ng mataas na uri ng binhi?
Mga klase ng mataas na uri ng binhi Ang Breeder seeds ay produkto ng Phil. Rice mula sa parehas na laki ng uhay (nucleus seeds). Ang Foundation Seeds ay mula sa breeder seeds na pinatubo ng Phil. Rice at mga piling Seed. Net members. Ang Registered seeds ay mula sa Foundation Seeds na pinatubo ng Seed. Net at mga piling magbibinhi. Ang Certified Seeds ay mula sa registered seeds na pinatubo ng seed growers. At ito ang ipinagbibili sa mga magsasaka.
Philippine Laboratory Standards for Seed Certification Factor BS FS RS CS Purong bihi (%) 99 98 98 98 Ibang uri ng binhi (butil/500 g) 0 2 5 20 Damo/Ibang uri ng buto (%) Di gumagalaw na mga bagay (%) Pulang Bigas (butil/500 g) 0 0 0. 05 0. 1 1 2 2 2 0 0 1 2 Pagtubo (% min) 85 Hindi 100% na puro! Porsiyento ng halumigmig 14 (%) 85 85 85 14 14 14
Ang mga magsasaka ay maari ring makapagtanim ng de-kalidad na binhi mula sa kanilang ani.
Ang Kahalagahan ng Key Check 1 Kapag de-kalidad na binhi ang ginamit: Kakaunti ang peste Higit na kapakinabang gawaing pagtatanim Kakaunti ang gamit na binhi pero mas malulusog at parehas ang laki ng sibol 10 -15% dadag sa ani Higit na kapakinabang na pag-aani
Bakit kailangang gamitin ang inirekomendang binhi? Ang mga inirekomendang binhi ay angkop sa lugar : • • Nababagay sa kapaligiran. • Nasubukan na nakapagbigay ng mataas at de-kalidad na ani. • Tanggap ng mga magsasaka at ito ang hinahanap sa lokal na pamilihan. Matibay laban sa mga peste at masamang kalagayan (halimbawa: pagkatuyo, baha) sa lugar.
TRIVIA sa Barayti 1. PSB Rc ay nangangahulugan ng Philippine Seed Board Rice. Ang NSIC ay National Seed Industry Council. Ang NSIC, na dating PSB, ang nag-a-apruba ng paglalabas ng mga bagong binhi. 2. Ang mga barayti na pinangalanan ng numero na walang kapares (Oddnumbered) tulad ng PSB Rc 1 ay para sa mataas na lugar. Ang mga barayti na pinangalanan na may numerong kapares (even) tulad ng NSIC Rc 216 ay para sa mababang lugar na may patubig. 3. Ang mga malagkit na barayti ay nilagyan ng
TRIVIA sa Barayti 4. Hanggang 2001, ang mga barayti para sa mababang palayan ay isinunod ang pangalan sa mga ilog, (Pagsanjan, PSB Rc 10) samantala ang mga pang-mataas na palayan na barayti ay isinunod sa mga bundok (Apo, NSIC Rc 9). Ngayon, ang mga pangalan ng mga barayti ay: Saline-prone - Salinas Inbred – Tubigan Glutinous - Malagkit Hybrid – Aromatic- Mabango Mestiso Flood-prone – Upland varieties Submarino – Katihan Tungro-resistant Rainfed - Sahod-ulan
Pagtaya sa Key Check 1 § Ang mga binhi ay sertipikado ng National Seed Quality Control Services (Hal. kung certified, may nakakabit na asul na tarheta) o mula sa pinagkakatiwalaang magbibinhi (Hal. Phil. Rice, akreditadong magbibinhi) § Kung ang mga binhi ay hindi sertipikado gaya ng mga binhing natira ng nakaraang panahon o mula sa ani ng magsasaka, ang mga ito ay dapat sumailalim sa pagsubok ng pagsibol o germination test.
Pagtaya sa Key Check 1 § Ang barayti ay angkop sa kapaligiran (hal. pinatutubigan, sahod ulan, maalat na lugar, atbp); tumutukoy sa karaniwang problema sa bukid (Hal. matatag sa tungro); o maayos na naisakatuparan ng dalawa o mahigit pang panahon ng pagsubok kung angkop (sumangguni sa Phil. Rice, local DA office). Mestiso 20 (NSIC Rc 204 H) • Inirerekomenda para panagaraw at panag-ulang pagtatanim (DS & WS) sa Nueva Ecija, Isabela, Cagayan, Davao del Sur & del Norte, General Santos, Bukidnon, at katulad na mga lugar.
Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1 § Kadalasan, ginagamit ng mga magsasaka ang mga bagong barayti sa paniniwalang mga ito ay makapagbibigay ng mas mataas na ani. Subalit ang isang barayti ay maaari lamang ilabas batay sa ibang mga dahilan hindi lamang sa dami ng ani. (Hal: magandang kalidad ng butil at matibay sa peste). PSB Rc 56 ay nagbibigay ng 106 kaban kada ektarya samantala ang PSB Rc 58 ay nagbibigay ng 98 kaban kada ektarya. Subalit ang PSB Rc 58 ay matatag sa bacterial leaf blight (paltik). Dahil dito, pumili ng barayti na makapagbibigay ng mas mataas na ani, mabibili sa merkado, at sumailalim na sa pagsubok sa bukid. Alamin ang kakayahan ng barayti!
Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1 § Kung may nakakabit na tarheta ng NSQCS, suriin kung ito ay balido. Hangga’t maaari, ang pinagmulan ng binhi ay dapat nakalista na akreditadong seed grower. § Kung walang akreditadong magbibinhi sa lugar, o binhi mula sa mapagkakatiwalaan na magsaka sa lugar (Hal. mga bukid na namamareho ang pagkalago ng palay) o nakakapagbinhi ng mataas na kalidad ayon sa tamang pamamaraan lalung-lalo na sa pagtatanggal ng di katulad na palay.
Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1 10 Hakbang para magkaroon ng De-kalidad na binhi 1. Pumili ng malusog na bahagi ng bukid at panatilihin na walang damo. 2. Gumamit ng malinis at magandang kalidad na binhi. 3. Araruhin, suyurin, at pantaying mabuti ang bukid.
10 Hakbang para magkaroon ng De-kalidad na binhi 4. Kung lipat-tanim, magtanim ng batang punla (21 -25 araw) mula sa malusog at hindi madamong pasibulan 1 -3 kada tundos sa agwat na 20 sentimetro (sm) x 20 sm kung tag-ulan at 20 sm x 15 sm kung tag-araw. Maghulip sa loob ng 7 araw pagkatapos magtanim. 5. Maglagay ng balanseng sustansiya (N, P, K, S, Zn) ayon sa pangangailangan ng palay. 6. Panatilihin na ang palayan ay hindi madamo, walang insekto, peste, at mga sakit. 7. Sa kasagsagan ng pagsusuwi at pamumulaklak, tanggalin ang mga di kauri (ayon sa taas, itsura, panahon ng pagbulaklak, atbp. ) at mahina, may sakit o sirang halaman, o nangungupas na uhay.
Roguing o pag-aalis ng lahok na halaman Taas ng halaman: Tanggalin ang mga halaman na may di karaniwang taas o igsi Panicle: Tanggalin ang kaysa sa karamihang mga halaman na may halaman. bahagyan ng nakasulpot na uhay dahil sa panahon ng pagsapaw ang mga ganitong kakaibang klase ay maaaring maging maaga o huli ang Binhi o Butil: Kung karamihan ng mga butil ay pagsulpot ng uhay. may sungot tanggalin ang mga walang sungot (at kabalikan/vice-versa).
Pag-aalis ng nakalahok na kaibang palay FLAG LEAF A B A Anggulo ng banderang dahon: Tanggalin ang mga halaman na may nakatuwid na banderang dahon na nakatuwid pataas (A) o nakabaluktot (B) na kakaiba sa dahon, karamihan Kulay ng ng halaman talukap, tangkay: Tanggalin ang mga halaman na may kupas na dahon o may naiibang kulay na dahon.
10 Hakbang para magkaroon ng de-kalidad na binhi 8. Anihin ang palay kapag husto na ang gulang (8085% kulay dayami na ang butil). 9. Giikin, linisin, at patuyuin (12 -14% na halumigmig), graduhin, at markahan ang inaning binhi. 10. Iimbak ang minarkahang binhi sa isang selyado at malinis na lalagyan sa malamig, tuyo, at malinis na lugar.
Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1 § Kung ang barayti ay hindi pa nasusubukan sa lugar, magsagawa ng mga pagsubok kung may kakayahang maka-angkop sa lugar na hindi kukulangin ng dalawang panahon ng taniman. Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng susubukang barayti ü Panahon ng pagtatanim- tag-ulan o tag-araw ü Kasaysayan ng bukid- sakit at mga problema ng lupa ü Paggulang- maaga, kainaman, o huli ü Tipo - inbred, hybrid, espesyal na bigas ü Dami ng ani– mahina/mataas na potensiyal ü Katatagan sa mga pangunahing peste sa lugar ü Kalidad ng butil – sa kagustuhan ng merkado/magbibigas.
Rekomendasyon para makamit ang Key Check 1 § Sa panag-ulan, bigyang pansin ang mga kumakalat § na peste sa lugar at isaalang-alang din ang pagkalugas at pagdapa na katangian ng isang barayti. Sa panag-araw karamihan sa mga hybrid na barayti ay maganda ang ani. Sa mga lugar na sahod-ulan, inirerekomenda na pumili muna ng mga barayti na naka-disenyo para sa sahod-ulan. Isaalang din ang mga tradisyunal o barayti para sa sahod-ulan sa dahilang ito ang mas angkop sa lugar.
Gawain - Resulta - Pakinabang bumili ng sertipikadong binhi sa mapagkakatiwalaang magbibinhi o magbinhi galing sa sariling ani; sumunod sa resulta sa isinailalim na pagsubok. gumamit ng sertipikadong binhi ng inirekomendang barayti. mataas na ani, magandang kalidad ng butil, mataas na kita, di gaanong nakapinsala sa kapaligiran
Ang binhi ang pundasyon ng pagsasaka. Kung ano ang inyong itinanim, siyang inyong aanihin! Mataas na uri ng binhi (+ maayos na pamamahala) = malaki at de-kalidad na ani
Tandaan ang KEY CHECK 1! Gumamit ng mataas na uri ng binhi ng rekomendadong barayti
CREDITS Instructional presentation designer: Dr. Karen Eloisa Barroga Sources of technical content/reviewers of presentation: Ms. Thelma Padolina; Dr. Gerald Ravelo; Ms. Emily Arocena; Ms. Susan Brena; Mr. Manny Alejar, IRRI; Ms. Eleanor Ayos, BPI; Ms. Joventina Elep, BPI; Mr. Alvaro Pamplona, IRRI Note: Adapted from powerpoint presentations developed by: Mrs. Thelma Padolina; Ms. Susan Brena You may use, remix, tweak, For more information, visit: & build upon this presentation non-commercially. However, always use with acknowledgment. Unless otherwise stated, the names listed are Phil. Rice staffers. Produced in 2011 Text: 0920 -911 -1398
Mga lugar taniman ng palay(rice environment) Source: IRRI § Ang apat na pangunahing lugar taniman ng palay ay ang lupang pinatutubigan; sahod-ulan sa mababang lugar; bahaing lugar; at lupang kataasan.
Mga lugar taniman ng palay § Mga halimbawa ng barayti para sa bawat lugar taniman: Katihan (Upland): PSB Rc 7, NSIC Rc 9 Pinatutubigan: NSIC Rc 160, Rc 210 H Sahod-ulan sa mababang lugar: PSB Rc 12, Bahaing lugar: Rc 14 NSIC Rc 194 medlibrary. org
Paano magsagawa ng pagsubok o pagtantya sa kakayahang sumibol ng binhi (viability) 1) Ikalat ang 100 butil ng binhi sa paper towel (o sa lumang puting kamisetang pinutol sa kalahati) na binasa sa tubig. 2) Takpan ang mga binhi ng paper towel (o ng kaputol na kamiseta na pinagkalatan ng binhi). 3) Irolyo ang paper towel na may binhi sa loob at iimbak sa lilim ng 710 araw. Panatilihing basa sa buong panahon (Lagyan ng stick o patpat ang nakakalat na binhi kung kamiseta ang gagamitin at saka irolyo). Ikalat ang mga binhi ng pantay Source: IRRI (some modifications made) Takpan ang mga IImbak ang binhi inirolyong binhi sa loob ng 1 linggo
Paano magsagawa ng pagsubok o pagtantya sa kakayahan ng binhi na sumibol Gumawa ng 4 pangkat na may tig. Bawat 100 pangkat ay dapat na na butil ng binhi. mayroon di mababa sa 85% na sibol o 85 na punla. 4) Gumawa ng 4 na pangkat na may tig 100 na butil ng binhi. 5) Pagkalipas ng 7 -10 araw, bilangin ang mga sumibol ng normal na punla (hal. mayabong na ugat o supang).
Paano magsagawa ng pagsubok o pagtantya sa pagpapasibol ng binhi Ang bilis ng pagsibol ay hindi mababa sa 85%. Pagtaya sa bilis ng pagsibol Pagsibol (%) = Bilang ng binhing sumibol x Bilang ng binhi sa tray 100 Hal: Kung 85 ang sumibol na binhi sa tray na may 100 na butil pagkalipas ng 10 araw, ganito : 10 -araw na pagsibol (%) = 100 85 x 100 = 85%
- Slides: 32