PAGMAMAHAL NG INA Suzette B Chang Mumunting padyak
“PAGMAMAHAL NG INA” Suzette B. Chang
Mumunting padyak na aking ikinatuwa Magkahalong emosyon sa aki’y ipinadama. Papaano nga ba ang maging ganap na ina? Magagampanan kaya hanggang sa pagtanda?
Pinanabikan ko ang iyong pagdating Sa Diyos ika’y aking hiniling Walang bagay ang hindi gagawin Upang ikaw ay aking makapiling.
Pag-ibig ko sa iyo’y walang kapantay Iniirog kita ng walang humpay Buhay ko man ay handang ialay Pagka’t ikaw ang aking buhay.
Pagmamahal ng isang ina walang hanggan Di nasusukat, di mapantayan ninuman. Pagtanda ma’y ina pa rin ang gumagabay Sa lahat ng hamon sa iyong buhay.
GAWAIN (Pindutin ang bahay kubo para sa iyong pangalan at nang makapagsimula na sa iyong gawain)
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang mga sagot sa nakalaang kahon sa ibaba ng bawat tanong.
1. Sino ang persona o nagsasalita sa tula? Ilarawan ang kanyang katangian at damdamin batay sa nilalaman nito
2. Ano ang larawang nabuo mo sa iyong isipan pagkatapos basahin ang tula?
3. Ano ang masasalaming kultura ng mga Pilipino na makikita sa akda?
4. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga positibo at negatibong nagagawa ng tao nang dahil sa pagibig? Magbigay ng tigdadalawang halimbawa at ipaliwanag ang bawat isa
Kasunod…
IPASA (Pindutin at i-save kung sigurado ka na sa iyong mga kasagutan)
- Slides: 13