PAGLILINIS AT PAGAAYOS NG SARILI EPPIV Prepared by
PAGLILINIS AT PAGAAYOS NG SARILI (EPP-IV) Prepared by: Annabelle B. Carino MT-I Sta. Cruz District
GANITO MAGHUGAS Maghilamos ka sana Tono: Mulberry Bush Ganito maghugas ng mukha, maghugas ng mukha. (2 x) Ganito maghugas ng mukha Tuwing umaga. (Palitan ang parte ng katawan) v. Maaghugas ng paa v. Magsuklay ng buhok v. Magsipilyo ng ngipin v. Magpalit ng damit Maghilamos ka sana At hugasan pati paa Suklayin ang iyong buhok At humanda sa pagpasok
Paglilinis ng Sarili 1. Pagligo 4. Pagputol ng Kuko 2. Paghihilamos 3. Pagsisipilyo 5. Pag-aayos ng buhok
Paliligo 1. Basain ang buong katawan. Tumapat sa shower o dutsa. Kung wala nito, gumamit ng tabo sa pagbubuhos ng tubig sa buong katawan. 2. Guguan o shampuhan ang buhok. Banlawang mabuti. 3. Lagyan ng sabon ang bimpo o munting tuwalya. Ihilamos sa mukha. Kuskusin ang leeg, braso, kili, katawan, mga singit, pababa hanggang paa. Kuskusin at hiluring mabuti ang mga tuhod, talampakan at sakong upang ito ay kuminis at pumuti. Linisin ang pagitan ng mga daliri. Banlawan ang katawan. Ulitin ang pagsasabon kung kailangan. 4. Magbanlaw at magpunas ng malinis na tuwalya.
Paghihilamos 1. Basain ang mukha at leeg. Gawin ito sa lababo o gumamit ng palanggana. 2. Basain ang mukha at leeg. Gawin ito sa lababo o gumamit ng palanggana. 3. Banlawang maigi ang bimpo. Ikuskos muli sa mga bahaging may sabon pa. Ulitin kung kinakailangan. 4. Dampian at patuyuin ang mukha. Gumamit ng malinis at tuyong tuwalya. 5. Pulbusan nang kaunti ang mukha at leeg.
Pagsisipilyo 1. Hugasang mabuti ang sariling sipilyo. Lagyan ng kaunting toothpaste. Kung wala nito, maaaring gamitin ang pinong asin. 2. Ikuskos ang sipilyo nang pababa at pataas sa mga gilid ng ngipin. Labaspasok naman ikuskos kapag bandang ibabaw ang lilinisin. 3. Marahan ding sipilyuhin palabas ang dila. 4. Diinan ang gilagid at puno ng ngipin ng pinong-pinong asin upang mamasahe ito. 5. Magmumog nang mabuti. Gumamit ng baso at hindi ang palad.
Pagputol ng kuko 1. Basain ang mga kuko upang lumambot. 2. Sabunin at linisin ang mga kuko sa pamamagitan ng nail brush o lumang sipilyo. 3. Maingat na gupitin nang maikling-maikli ang kuko. Higit na mabuting gamitin ang nail cutter sa halip na gunting. 4. Kinisin ang magagaspang na bahagi at mga sulok ng kuko. Gamitin ang nail file. 5. Itulak nang marahan ang cuticle o ang paligid ng kuko. 6. Punasan at patuyuin ang mga kuko.
Pag-aayos ng buhok 1. Nililinis din ang buhok upang maiwasan ang kuto, balakubak o sakit sa anit at masamang amoy sa ulo. 2. Gumamit ng shampoo o gugo. Ito ay higit na mabuti kaysa buong sabon. Ilagay sa tabo ang kaunting shampoo. Haluan ito ng kaunting tubig bago ibuhos nang unti-unti sa buhok. Magiging pantay ang dami ng shampoo sa buhok. Kuskusin nang paikot ang buhok na tila nagmamasahe. Paabutin ang pagkuskos sa anit. Banlawang maigi upang walang maiwang shampoo. 3. Pamalagiing maiksi ang buhok lalo na ng lalaki, upang mainam itong tingnan. Ang maikling buhok ay madaling linisin at madaling ayusin. 4. Mag-brush ng buhok tuwina. Ito ay nagpapakintab at nagpapalusog ng buhok. 5. Ang babaeng may mahabang buhok ay kailangang gumamit ng pang-ipit, laso, o kaya ay headband upang hindi pumunta sa mukha ang buhok. 6. Kung may kuto at lisa, alisin ito. Gumamit ng suyod na pinahiran ng kaunting langis.
TANDAAN: May mga wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili tulad ng:
PAHALAGAHAN MO 1. Paano nating pananatilihing malinis at maayos ang sarili? 2. Dapat sundin ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili. 3. Kung susundin natin ang mga ito, ano ang mangyayari sa ating sarili? Magiging malinis at maayos ang sarili natin.
Kopyahin sa kuwaderno at buuin ang mga sumusunod ayon sa iyong gawi. Lagyan ng tsek (√) sa kolum na inyong napili. Gawain 1. Paliligo 2. Paghihilamos 3. Paghihilod 4. Pagputol ng kuko 5. Pagpapagupit ng buhok 6. Paglilinis ng kuko 7. Paghuhugas ng kamay 8. Pagsisipilyo ng ngipin 9. Pagpapalit ng damit-panloob Palagi Minsan Kung Ibig
Isulat sa kuwaderno kung Tama o Mali ang mga kaisipan. Kung Mali, isulat ang dahilan. 1. Ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ay kailangang pansarili lamang. 2. Maraming uri ng suklay, brush, at tuwalya. 3. Ginagamit ang pangkaraniwang suklay sa pag-aalis ng kuto. 4. Ang panlinis at pamputol ng kuko ay hindi maaaring hiramin. 5. Hindi maaaring magsipilyo kung walang “toothpaste. ”
6. Itago agad pagka gamit ang mga pantulong sa kalinisan. 7. Itinatago ang mga kagamitan sa isang lalagyan. 8. Higit na mabuting pamputol ng kuko ang gunting. 9. Kung magaspang dulo ng kuko, ginagamit ang nail brush. 10. Iwasang ipanghiram ang pansariling kagamitan.
Takdang Gawain: Gumuhit ng batang babae o lalaking malinis at maayos na handa sa pagpasok.
- Slides: 14