PAGKAKULONG SA CESAREA Liksyon 12 para sa ika22

  • Slides: 8
Download presentation
PAGKAKULONG SA CESAREA Liksyon 12 para sa ika-22 ng Setyembre, 2018

PAGKAKULONG SA CESAREA Liksyon 12 para sa ika-22 ng Setyembre, 2018

Nakulong si Pablo sa Cesarea para sa kanyang kaligtasan. Nasa ilalim siya ng kapangyarihan

Nakulong si Pablo sa Cesarea para sa kanyang kaligtasan. Nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng Roma. Lahat ng nagtanong kay Pablo ay nakaunawa na wala siyang ginawang illegal. Ganunpaman, kinailangang dumulog si Pablo kay Cesar para hindi siya madakip ng mga Hudio. Sa Harap ni Felix. Gawa 24. • Paratang at depensa. Sa harap ni Festus. Gawa 25: 1 -12. • Politikal na mga isyu. Sa harap ni Agripa. Gawa 25: 13 -26: 32. • Haring Agripa at Bernice. • Talumpati ni Pablo. • Sagot ni Agripa.

PARATANG AT DEPENSA “Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan

PARATANG AT DEPENSA “Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta” (Gawa 24: 14) Umupa ng abogado si Ananias na Punong Pari at Tertulo ang pangalan, upang akusahan si Pablo sa harap ni Felix: 1. Humihimok ng pag-aalsa si Pablo sa mga Hudio. [HINDI] 2. Siya ay pinuno ng sekta ng mga Nazareno. [OO] 3. Sinubukan niyang lapastanganin ang Templo. [HINDI] Tinanggap ni Pablo ang pangalawang “Paratang”, kahit hindi pa naman illegal ang Kristyanismo sa panahong iyon. Sinabi niyang pinaparatangan siyang tinatanggap niya ang pagkabuhay na mag-uli ni Hesus. Sinubukan niyang maging maawain sa harap ng Dios at ng tao. Si Felix ay isang taong mapaghinala. Ipinagpaliban niya ang paghukom, upang makatanggap siya ng

POLITIKAL NA MGA ISYU “Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga

POLITIKAL NA MGA ISYU “Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, ‘Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko? ’” (Gawa 25: 9) Pinalitan ni Festo si Felix bilang gobernador ng Judea noong 60 AD. Sinikap ng mga Hudio na dalhin si Pablo sa Jerusalem upang patayin siya sa panahon ng paglipat. Tinanggihan ni Festo ang kanilang hiling, kaya pumunta ang mga Hudio sa Cesarea upang paratangan si Pablo ng mga bagay ng “hindi nila mapatunayan”. Simple lang depensa ni Pablo: “Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman. ” (Gawa 25: 8) Inalok ng pang. Hudiong paghukom ni Festo si Pablo. Ito ay pampolitikong hakbang na pabor sa mga Hudio. Umapela si Pablo sa pinakamataas na korte ng Roma: Cesar (Nero!)

“Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan,

“Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo. ” (Gawa 25: 23) Kahangalan para kay Festo ang paniniwala sa pagkabuhay ni Jesus, pero hindi ito krimen. Ano kaya ang ipaparatang kay Pablo sa harap ni Nero? Dumating si Herod, Agripa II at Bernice, at humingi sa kanila ng payo si Festo. Dumating sila nang may malaking karangyaan, upang maitago ang problema nila sa pamilya at kay Hesus. Sinubukang patayin ng kaniyang lolo si Hesus noong siya ay maliit pa. Pinatay ng kapatid ng lolo niya si Juan Bautista at humatol kay Hesus. Pinatay ng tatay niya si Santiago na apostol.

TALUMPATI NI PABLO “Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko

TALUMPATI NI PABLO “Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin. ”(Gawa 26: 2) Alam ni Pablo na mauunawaan siya ni Agrippa, dahil siya ay Hudio at alam niya ang tungkol kay Hesus. Ang talumpati ni Pablo ay higit pa sa pagtatanggol, ngunit ito ay patotoo at panawagan. Kinuwento niya kung paano siya naging masig na pareseo na inuusig ang Kristianong Iglesia (v. 4 -11) Kinuwento niya ang kanyang pagbabago at ang misyon na inutos sa kanya ni Hesus para tapusin (v. 12 -18) Itinanggi niyang sinuway niya ang batas ng Hudio, at pinakilala niya ang Mesias (v. 19 -23)

SAGOT NI AGRIPA “‘Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala

SAGOT NI AGRIPA “‘Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka. At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano. ’” (Gawa 26: 27 -28) Sumambad si Festo kay Pablo. At sinubukang konsensyahin ni Pablo si Agripa. Hindi inalala ni Pablo na makawala siya sa kanyang pisikal na kadena. Gusto niyang makawala ang mga nakikinig sa kanya sa kadena ng kasalanan. Ang kasigang misyonero ni Pablo ay humigit pa sap ag-aalala niya sa sariling kaligtasan. Karangyaan? Kayabangan? Takot baka mawala ang kanyang posisyon? Muntik nang maligtas!. . . ngunit nawaglit. Huwag hayaan ang anuman na humadlang sa pagpapasakop ng iyong buhay kay Hesus.

“Mayroong liksyon para sa atin itong karanasan ni Pablo, dahil ito’y nagpapakita kung paano

“Mayroong liksyon para sa atin itong karanasan ni Pablo, dahil ito’y nagpapakita kung paano gumagawa ang Dios. Magdadala ng pagtatagumpay ang Dios sa mga kabiguan at pagkatalo. Nanganganib tayong makalimutan ang Dios, at tumingin sa mga bagay na nakikita natin, sa halip na ituon ang mga mata ng pananampalataya sa mga hindi nakikita. Kung dumating ang mga sakuna at kalamidad, handa tayong akusahan ang Dios ng kalupitan at pagpapabaya. Kung nakikita niyang tamang itigil ang ating kahalagahan sa isang linya, nagluluksa tayo, at hindi natin iniisip na gumagawa ang Dios para sa ikabubuti natin. Dapat nating matutunan na ang parusa ay bahagi ng Kanyang malaking plano at sa ilalim ng paghihirap minsan ang Kristiano ay nakakagawa ng mas marami pa para sa Panginoon kaysa kung nasa aktibong paglilingkod. ” E. G. W. (The Acts of the Apostles, cp. 45, p. 481)