PAGHATOL SA BABILONIA Liksyon 12 para sa ika23

PAGHATOL SA BABILONIA Liksyon 12 para sa ika-23 ng Marso, 2019

Magkakaron ng 3 pangunahing grupo o alyansa sa huling sandal ng Mundo: 1. Alyansa ng mga relihiyon, na kilala sa pangalang Babilonia ang dakilang patutot. 2. Alyansa ng mga kapangyarihang political, kilala bilang mga hari ng Lupa, ang 7 ulo o ang 10 sungay. 3. Alyansa ng mga lingkod ng Dios, kilala bilang mga natatakan, ang 144, 000 o ang Nalabi. Tinawagan sila, pinili sila at mga tapat. Ipinakita ng Apocalipsis 17 ang pagkakakilanlan ng mga alyansang iyon at gumagarantiyang magtatagumpay si Kristo at ang tapat Niyang bayan (v. 14). Babilonia at kanyang alyansa. Apocalipsis 17: 1 -2 Babilonia at ang pulang hayop. Apocalipsis 17: 3 -7 Ang pulang hayop: Ito’y dati, ngayo’y hindi, at aahon. Apocalipsis 17: 8 Ang pitong ulo. Apocalipsis 17: 9 -11 Ang sampung sungay. Apocalipsis 17: 12 -18

BABILONIA AT KANYANG ALYANSA “Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid. ” (Apocalipsis 17: 2) Ano ang kumakatawan sa babaeng Babilonia? Ang babae sa Apocalipsis 12 ay kumakatawan sa iglesia ng Dios, dalisay at tapat. Ang Babilonia ay kumakatawan sa tumalikod at hindi tapat na iglesia sa Huling Panahon. Ang iglesiang iyon ay samahan ng maraming iglesia. Sino ang mga kaalyansa niya? Ayon sa talatang 1, 2 at 15, sila ay mga taong hinati sa dalawang grupo: 1. Mga hari ng Lupa. Mga pinunong political na susuporta sa Babilonia na may mga relihiyoso at political na batas. 2. Mga naninirahan sa Lupa. Silang mga lasing ng maling mga aral ng Babilonia. Sumasamba sila sa hayop at sa larawan nito.

“Maraming Protestanteng iglesia ang sumusunod sa halimbawa ng Roma na may koneksyon ng kasamaan sa ‘mga hari ng lupa’—ang mga iglesia ng bayan, sa pakikipag-ugnay sa gobyerno; ang ng ibang denominasyon, sa paghahangad ng pabor ng mundo. Ang salitang ‘Babilonia’—pagkalito—ay maaaring gamitin sa mga grupong ito, umaangkin lahat na natuturo mula sa Biblia, ngunit nahahati sa di mabilang na sekta, na may magkakasalungat na mga doctrina at pananaw. ” E. G. W. (The Great Controversy, cp. 21, p. 383)

BABILONIA AT ANG PULANG HAYOP POLITICAL NA KAPANGYARIHAN RELIHIYOSONG KAPANGYARIHAN “At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at sangpung sungay. ” (Apocalipsis 17: 3) Kumakatawan ang Babilonia ng relihiyosong kapangyarihan, at ang hayop ay kumakatawan sa political na kapangyarihan. Kasalungat ng lumang panahon, madaling makita ang pagkakaiba ng political at relihiyosong kapangyarihan sa Huling Panahon. Ang Babilonia ay nakaupo sa hayop, kaya kokontrolin ng relihiyon ang politika at muling gagamitin ito upang malasing ng dugo ng mga banal. Sinubukang palitan ng Babilonia ang Punong Paris a pagsuot ng ube at pula, hiyas at plaka sa ulo na may sulat (tingnan

ITO’Y DATI, NGAYO’Y HINDI, AT AAHON “At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. ” (Apocalipsis 17: 8) Ang hayop ay may pitong ulo at sampung sungay gaya ng dragon at ng hayop mula sa dagat. Kinokontrol ito ni Satanas. Kumakatawan ito sa lahat ng kapangyarihang umusig sa bayan ng Dios sa kasaysayan. Umaangkin ito na gaya ng Dios , “ngayon at nang nakaraan at sa darating” (Apoc. 1: 8), ngunit bahagyang kaiba: 1. “ito’y dati”. Kabilang dito ang mga ulong kasama sa kasaysayan, sa panahon ni Juan hanggang. 2. “Ito’y hindi”. Ito’y nasugatan ng nakamamatay. 3. “Ito’y babangon”. Magiging makapangyarihan ulit ito.

ANG PITONG ULO “At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon. ”(Apoc. 17: 10) Una, ang hayop ay kinilala bilang Roma, ang bayan na may pitong burol (v. 9), ngunit dinagdag ang ikalawang kahulugan (v. 10). Ang ikanim na “hari” “ay”. Yun ang Roma (ang ikaapat na hayop sa Daniel 7 at ang sungay sa Daniel 8). Kaya, ang limang hari “na bumagsak” ay ang Ehipto (unang emperio na nag-usig sa bayan ng Dios) Asiria, Babilonia, Media, Persia, at Gresya. Ay ang ikawalong hari (ang kapapahan, gumaling sa nakamamatay na sugat nito). Tinipon ng huling hari ang lahat na political na kapangyarihan upang matupad ang hangarin ng Babilonia.

ANG SAMPUNG SUNGAY “At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy. ”(Apocalipsis 17: 16) Ang mga sungay na iyon ay nakita sa konteksto ng pagbagsak ng Babilonia, at gumagawa sila ng mahalagang tungkulin sa sandaling iyon (v. 16 -17). Kaya lalabas sila sa panahon ng mga salot, at makikilala sila bilang mga hari ng lupa (v. 18). Sa simula ay sumuporta sila sa Babilonia sa kanyang paglaban sa bayan ng Dios. Gayunman, sa huli’y kinamuhian nila siya at iniwan siya sa panahon ng ika-5 at ika-6 na mga salot (v. 16). Siya’y pinarusahan nila. Ang parusang iyon ay kumakatawan sa kung paanong pinaparusahan ang anak ng Pari kung siya’y magiging patutot (Lev. 21: 9). Hinimok sila ng tatlong makademonyong kapangyarihan na lumaban muli kay Kristo at sa Kanyang bayan (v. 17).

“Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din. ” ANG TAGUMPAY NI KRISTO (Apocalipsis 17: 14) Bago magwakas, mayroong huling panawagan upang lumabas sa Babilonia at tumanggi sa pagkakaron ng marka ng hayop. Ang mga tumanggap ng mensaheng ito at nanatiling tapat kay Kristo ay tinawag na pinili at tapat. Sigurado ang ating pagtatagumpay, dahil nakikipaglaban ang Kordero para sa atin. Bakit napakahalaga na maging dalisay at tapat sa mensahe na ibinigay ng Dios sa

“Dapat nating laging alalahanin na maiksi lang oras. Lumalago ang kasamaan sa lahat ng dako. Itinalagang ilaw ng sanlibutan ang mga banal. Sa pamamagitan nila’y maipapakita ang kaluwalhatian ng Dios sa mundo. Lagi mong tatandaan ang mga tapat na pangyayari sa hinaharap—ang dakilang pagsiyasat sa paghuhukom at pagdating ni Kristo. Ikaw at ang iyong pamilya ay dapat maghanda sa araw na iyon. ” E. G. W. (This Day With God, November 9)
- Slides: 10