PAGHAHANDA SA PAGBABAGO Liksyon 3 para sa ika20
PAGHAHANDA SA PAGBABAGO Liksyon 3 para sa ika-20 ng Abril, 2019
Ang ating buhay ay karaniwang pinamamahalaan ng paulit-ulit na gawain. Gayunman, minsan ay nababago ng pagbabago ang mga gawaing ito. Ang mga pagbabagong iyon ay maaaring diinaasahan o nakikita na agad. Pag-aralan natin kung paano nakakatulong ang Biblia sa atinupang mapaghandaan ang mga pagbabagong iyon, lalo na sa mga nakikita nating maaaring mangyari. Paghahanda sa pagbabago Paghahanda sa pag-aasawa Paghahanda sa pagiging magulang Paghahanda sa pagtanda Paghahanda sa kamatayan
PAGHAHANDA SA PAGBABAGO “Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. ”(1 Corinto 10: 11) Mahahanda ba tayo upang maharap natin ng tama ang anumang pagbabago? Oo, maari tayong mahanda—kahit maaari tayong mabigo sa ilang pagbabago, dahil hindi tayo perpekto. Ang susi ay ang pagkakaroon ng relasyon sa Dios araw-araw. Sa ganun, mahaharap natin ang mga pagbabago ng may pananampalataya at pagtitiwala. Magiging handa tayong sumunod sa Dios anuman ang pangyayari o tuksong darating. Naalala ni Pablo ang kwento ng Israel sa disyerto. Paano nila hinarap ang kakulangan ng maiinom na tubig, ang pagalis ni Moises, o ang paanyaya ng mga babaeng Moabita? (1 Corinto 10: 1 -13).
“Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. ”(1 Corinto 10: 11) May mga halimbawa sa Biblia na tumugon ng positibo at negatibo sa mga di-inaasahang pangyayari: JONAS DANIEL • Naging duwag siya nang hiniling siyang mangaral sa Nineve. • Pinili niyang manatiling Dalisay nang siyang bihagin sa ibang bansa. PEDRO ESTHER • Naging marahas siya nang dumating ang mga tao upang hulihin si Jesus. • Sinapalaran niya ang sariling buhay upang maligtas ang kanyang bayan. DEMAS NEHEMIAS • Nagplano siyang itayo muli • Iniwan niya si Pablo nang silay usigin. ang Jerusalem nang malaman niyang nawasak
PAGHAHANDA SA PAG-AASAWA “Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon. ” (Kawikaan 18: 22) Maraming nag-aasawa—ngunit hindi lahat. Nakatala ang paksang ito sa mga unang pahina ng Biblia (Genesis 2: 24). Dinadala ng pag-aasawa ang isang babae at lalaki sa pagiging isa. Ang relasyong iyon ay mas matibay kaysa sa ating mga magulang o sa iba man, ngunit hindi nagpapawalang bisa sa kanila. Ang unang hakbang sa pag-aasawa ay pagiging ulirang tao. Ang ikalawang hakbang ay ang paghanap ng ating ulirang kapares.
PAGHAHANDA SA PAG-AASAWA “Sinomang lalaking nakakasumpong ng asawa ay nakasumpong ng mabuting bagay, at nagtatamo ng lingap ng Panginoon. ” (Kawikaan 18: 22) Pag-aralan ang mga talata at itanong sa iyong sarili ang tungkol sa magiging kabiak mo. Makakapasa ka ba sa pasulit na ito bilang kabiak? Kawikaan 24: 30 -34 Siya ba ay masipag ? Kawikaan 22: 24 -25 Siya ba ay magagalitin ? 2 Corinto 6: 14 -15 Pareho ba ang paniniwala ninyo ? Kawikaan 11: 14 Ano ang iniisip ng aking pamilya at mga kaibigan? Kawikaan 3: 5 -6 Nadadala lang ba ako ng aking damdamin?
“Hayaang dalaga ay tumanggap ng katuwang sa buhay ng tanging mayroong dalisay, maginoo, masipag, minimithi, at matapat, isang nagmamahal at may takot sa Dios. Hayaang isang binata ay maghanap ng isang tatayo sa kanyang panig at marapat na magdala ng kanyang bahagi ng hirap sa buhay, isang may impluwensyang nakakapadakila at nakakapabuti sa kanya, at makapagpapasaya sa kanya ng kanyang pag-ibig. ” E. G. W. (Messages to Young People, cp. 148, p. 435)
“Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. ”(Kawikaan 22: 6) Ang pagsilang ng bata ay isang malaking pagbabago para sa mga magulang. Kaligayahan, responsibilidad, kabalisahan… Gaano man karaming anak, bawat isa ay espesyal at natatangi, isang biyaya mula sa Dios, maniwala ka man o hindi (Awit 127: 4). Ayon sa Biblia, paano tayo mahahanda sa pagiging magulang? 1 Samuel 1: 27. Laging ipanalangin siya, kahit bago siya ipanganak Hukom 13: 7. Maging maingat sa pagkain at kalusungan sa pagbubuntis, at huwag tumigil matapos na magluwal Lucas 1: 6. Lumayo sa kasalanan Lucas 1: 41. Humingi ng gabay sa Banal na Espiritu Lucas 1: 46 -47. Magpasalamat sa Dios sa biyaya ng bagong buhay Lucas 1: 76. Ang pangunahin mong hangarin ay palakihin ang iyong anak sa paraan magiging tunay siyang anak ng Dios
E. G. W. (Child Guidance, cp. 8, p. 63) “Sa mga tatay at nanay nakaatang responsibilidad para sa maaga at huling pagsasanay ng anak, at para sa mga magulang ay ang pangangailangan ng maingat at masinsinang paghahanda. Bago pumasok sa kalagayang maaari silang maging magulang, ang mga babae at lalaki ay dapat makaalam ng mga batas ng paglago ng pangangatawan—kasama dito ang mga bahagi, kalinisan, kamalayan sa impluwensya bago makapanganak, kasama ng mga batas ng pagmamana, kalinisan, pananamit, ehersisyo, at pagpapagamot sa sakit; dapat din nila maunawaan ang mga batas ng paghasa sa isip at paghubog sa ugali. ”
PAGHAHANDA SA PAGTANDA “Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon. ’” (Ecclesiastes 12: 1) Ang paghahanda sa katandaan ay nagsisimula sa kabataan. Ang mga ugaling nabuo mula sa pagkabata ay may kinalaman sa paraan ng pamumuhay natin sa pagtanda. Ayon sa Awit 71, paano tayo mahahanda sa pagtanda? Kilalanin ang Dios sa personal at malalim na paraan (v. 1 -7) Pagkamit ng mabuting ugali: Tiwala sa Dios (v. 3) Papuri (v. 6) Pag-asa (v. 14) Pagmamahal sa misyon (v. 15 -18)
“Sinabi ni David na kahit ang ilan sa kanilang kabataan ay matuwid, nawalan sila ng pagtitimpi sa kanilang pagtanda. Pumasok si Satanas at nagbantay sa kanilang isip, ginagawa silang balisa at hindi kontento. Nakita niya na maraming mga matatandang mukhang iniwan ng Dios at inilantad ang kanilang sarili sa panlilibak at kahihiyan mula sa kaaway. Nakilos ng malalim si David; nabag siya habang iniisip niyang tatanda siya. Natakot siya na baka iwan siya ng Dios at magiging malungkot din siya gaya ng ilang matatandang Nakita niya ang dinadaanan, at mapapahiya sa mga kaaway ng Panginoon. Dahil sa ganitong pasanin ay nanalangin siya ng taimtim: ‘Huwag mo akong itakuwil sa katandaan; huwag mo akong pabayaan pagka ang aking kalakasan ay nanglulupaypay. ’ ‘Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilalas na mga gawa. Oo, pag ako'y tumanda at may uban, Oh Dios, huwag mo akong pabayaan; hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan sa sumusunod na lahi, ang iyong kapangyarihan sa bawa't isa na darating. . ’ Psalm 71: 9, 17, 18. Naramdaman ni David ang pangangailangan ng pagbabantay laban sa kasamaan na dumarating sa katandaan. ” E. G. W. (Testimonies for the Church, vol. 1, cp. 77, p. 423)
“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay. ”(Eccl. 9: 5) Ang kamatayan ay hindi maiiwasan ng lahat ng tao, hanggang sa Ikalawang Pagdating (Genesis 3: 19). Walang sinumang makakahanda sa biglaang kamatayan (kahit sa sarili o mahal sa buhay). Mahirap tumanggap sa kamatayan, kahit inaasahan na natin ito. Gayunman, maaari tayong maghintay ng walang takot kung tayo’y laging nababalot ng katuwiran ni Kristo (Roma 4: 7). Nang malapit nang mamatay si David, sinigurado nyang may pinakamabuti siyang maiiwan: pinayuan niya ang kanyang anak na sumunod sa paraan ng Dios (1 Hari 2: 1 -3). Alalahanin natin na nagtagumpay na si Jesus sa kamatayan (1 Corinto 15: 54 -55).
“Wala kang dapat sayanging sandali upang pabayaan ang dakilang kaligtasang ipinagkaloob sa iyo. Ang panahon ng kaligtasan ay darating sa wakas. Sa bawat araw, ang kahahantungan ng tao ay tinatatakan, kahit sa kapulungang ito ay hindi natin alam kung ilan ang mga mamamatay sa hinaharap at ililibing sa libingan. Dapat nating isaalang-alang na ang buhay ay madaling lumilipas, na hindi tayo ligtas sa isang sandali malibang buhay natin ay nakapasakop kay Kristo sa Dios. ” E. G. W. (Selected Messages, vol. 1, cp. 23, p. 189)
- Slides: 13