Ni Hannah Mindeoro TubongNueva Ecija na ipinanganak noong
Ni: Hannah Mindeoro
§ Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919 si Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and Literature at iba pa.
§ Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
§ Sa kanyang mga isinulat na alamat, bagamat may pagkakaiba ang tema ng bawat isa, ipinapakita nila ang dulog na nagsasabuhay sa mga kaisipan upang makagawa ng alamat. Wala man itong bahid ng realidad naipamulat nito ang iba’t ibang posibilidad ng pinagsimulan ng isang bagay.
§ Tauhan: Datu Galing, Liwayway § Saglit na Kasiglahan: § Nagkakilala si Datu Galing at si Liwayway sa kagubatan. § Kasukdulan: Pagpapahayag nila ng pagibig sa isa’t isa § Kakalasan: Nasawi si Datu Galing sa isang digmaan na nagdulot ng pagkakasakit at kamatayan ni Liwayway. § Wakas: Tumubo ang isang putting bulaklak sa puntod ni Liwayway §
§ Tauhan: Suso, Tutubi, Putakti at Dalag § Saglit na Kasiglahan: Magkakaibigan sila at may kanyang trabaho § Kasukdulan: Habang naghahanap ng pagkain ang dalag, siya ay nabingwit ng mangingisda at siya’y iniulam na nagdulot ng pangamba sa kanyang mga kasama. § Kakalasan: Isa isa nilang hinanap si dalag at sila rin ay namatay maliban kay suso na naghihintay sa kanyang mga kasama. § Wakas: Nanatiling naghintay si suso at nagiisa. Siya ay umakyat sa mga halaman upang matanaw nya ang kanyang mga kasama.
§ Tauhan: Daga, Butiki, Lalaki § Saglit na kasiglahan: Napikon ang butiki si daga § Kasukdulan: Nais siyang patayin ng daga § Kakalasan: Nakaisip ng paraan ang butiki para malinlang daga. § Wakas: Napata yang daga at di nagsisi ang butiki sapagkat para sa butiki, tama lamang kanyang ginawa. § §
- Slides: 7