NATISOD NA BAYAN Liksyon 11 para sa ika14
NATISOD NA BAYAN Liksyon 11 para sa ika-14 ng Disyembre, 2019
Bumalik si Nehemias sa Bahay ni haring Artaxerxes matapos maging gobernor ng labindalawang taon. Ilang taon ang nakalipas, bumalik siya sa Jerusalem. Natuklasan niya na ang bayan ay nakalimot na sa panatang ginawa nila. Nagaasawa na sila ng mga dayuhan, nilalapastangan ang Sabado, at hindi sinusuportahan ang Templo (Nehemias 10: 2839). Sinabi sa Nehemias 13 kung paano hinarap ni Nehemias ang krisis na ito. Pagpapangasawahan (v. 1 -9, 23 -31) Paglimot sa ikapu (v. 10 -14) Paglapastangan sa Sabbath (v. 1522)
PAGPAPANGASAWAHAN “Nang mga araw namang yaon ay nakita ko ang mga Judio na nangagaasawa sa mga babae ng Asdod, ng Ammon, at ng Moab. ” (Nehemias 13: 23) Mahigpit na hinarap ni Nehemias ang mga nagsipag-asawa ng mga hindi mananampalatayang kababaihan (v. 23 -25). Ipinaalala niya sa kanila na ito ang nagdala kay Solomon sa pagkakasala, kaya dapat nila itong iwasan, dahil nagpapalayo ito sa kanila sa Dios (v. 26 -27). Ang kanilang espiritwal na pinuno—ang Punong Saserdote, si Eliasib—ay kabilang din. Isa sa kamag-anak nya ay na-link kay Tobias na Amonita (v. 4), at isa sa kanyang mga apo ay nagpakasal sa anak ni Sanbalat na Horonita—na pinalayas sa Jerusalem (v. 28).
“Walang sinomang natatakot sa Dios ang hindi manganganib sa kanyang pakikipag-ugnay sa isang hindi natatakot sa Dios. 'Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo? ' Amos 3: 3. Ang kaligayahan at paglago ng relasyon ng mag-asawa ay nakabatay sa pagkakaisa ng dalawa; ngunit sa pagitan ng mananampalataya at hindi ay may tuwirang pagkakaiba ng panlasa, hilig, at hangarin. Sila ay naglilingkod sa dalawang panginoon, kung saan walang pagkakasundo. Gaano man kadalisay at tama ang prinsipyo ng isa, ang impluwensya ng kasamang hindi mananampalataya ay maaaring makadala palayo sa Dios. ” E. G. W. (Patriarchs and Prophets, cp. 15, p. 174)
“At nahalata ko na ang mga bahagi ng mga Levita ay hindi nangabigay sa kanila; na anopa't ang mga Levita, at ang mga mangaawit na nagsisigawa ng gawain, ay nangagsitakas bawa't isa sa kaniyang bukid. ” (Nehemia. S 13: 10) Binakante ni Eliasib ang silid ng mga ikapu, handog, insenso at mga gamit ng Templo. Nilinis niya ito upang magamit ni Tobias na Amonita. Nakapagpahina ito ng kalooban ng mga tao, kaya tumigil silang magbigay ng ikapu. Bilang resulta, kinailangang bumalik ng mga Levita sa kanilang mga tahanan. Nasira ang pagsamba sa Templo. Ibinalik ni Nehemias sa dati ang silid na iyon at pumili ng mga taong mapag -kakatiwalaan upang mangasiwa sa ikapu. Nagsimulang magbigay ulet ng ikapu ang mga tao. Kaya naibalik muli ang
PAGLIMOT SA IKAPU (2) “Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. ’” (Malakias 3: 10) Bakit tayo dapat magbalik ng ikapu sa Dios? Dahil ang Dios ang ating Manlilikha at kinikilala natin Siya na tayo ay nagbabalik sa Kanya. Nagbibigay tayo mula sa ating pagpapasalamat sa ginawa Niya: nilikha tayo, tinustusan tayo, iniingatan tayo, namatay para sa atin, at patuloy na hinuhubog tayo. Ano ang magagawa sa pamamagitan ng ating mga handog at ikapu? Maipapangaral ang Salita ng Dios sa buong sanlibutan. Mapupuri natin ang Dios sa ating mga lokal na iglesia. Napapatibay ang ating pananampalataya at tiwala sa Dios.
“Patuloy ang Dios na nagbibigay sa iyo ng pagpapala sa buhay na ito; at kung hinihiling Niya sa iyo na ibahagi ang Kanyang mga kaloob sa pagtulong sa iba’t-ibang sangay ng Kanyang Gawain, ito ay para sa iyong pansamantala at espiritwal na kapakanan, kaya kilalanin mo ang Dios bilang tagapagbigay ng bawat pagpapala. Ang Dios, bilang Dalubhasang Manggagawa, ay nakikipagtulungan sa tao sa pagkuha ng mga paraang kailangan para sa kanilang ikabubuhay; at hinihingi din Niya sa kanila ang pagkikipagtulungan sa pagliligtas ng mga E. G. W. (Counsels on Stewardship, cp. 9, p. 47) kaluluwa. ”
PAGLAPASTANGAN SA SABADO (1) “Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa sabbat at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, mga higos, at lahat na saring pasan, na kanilang ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain. ” (Nehemias 13: 15) Noong una, naunawaan ng bayan ng Israel na ang Sabado ay pagpapala mula sa Dios habang binabalikan nila ang kanilang kasaysayan (Nehemias 9: 14). Nangako silang hindi nila ito lalapastanganin (Nehemias 10: 31). Ganunpaman, hinayaan ng mga pinuno ang pamilihan sa araw ng Sabado noon. Kaya pinasara ni Nehemias ang syudad kapag Sabado upang maiwasan ito. Ang pamilihan ay patuloy parin sa labas ng syudad. Matapos balaan ang mga negosyante ay hindi na ito naulit.
PAGLAPASTANGAN SA SABADO (2) “Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon. . ” (Isaia. S 58: 13 -14) Ang Sabado ay inihiwalay upang masiyahan tayo dito kasama ang Dios, at isinasantabi ang ating mga alalahanin. Ito ay araw upang purihin at parangalan natin Siyang naglikha at nagbigay sa atin ng buhay. Ito ay araw upang alalahanin natin na Siya ay namatay sa krus upang patawarin ang ating mga kasalanan at bigyan tayo ng kaligtasan. Sa kasawiangpalad, masyadong pinahalagahan ng mga Pariseo ang mga maliliit na bagay ng kautusan at ginawang pabigat ito sa halip na kaluguran. Ipinagdiriwang natin bawat isang linggo ang ating espesyal na Sabadong pagtitipon kasama ng Dios. ito ay patikim ng maraming Sabadong ating ipagdiriwang kasama Niya sa Bagong Jerusalem (Isaias 66: 23).
“At sinabi ng Panginoon, 'Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; . . . Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon. ' Isaias 58: 13, 14. Sa lahat na tumatanggap ng Sabado bilang tanda ng mapanlikha at nanliligtas na kapangyarihan ni Kristo, ito ay kaluguran. Na nakikita si Kristo dito, nalulugod ang kanilang sarili sa Kanya. Itinuturo sila ng Sabado sa mga gawa ng paglalang bilang patunay ng Kanyang makapangyarihang lakas sa pagliligtas. Habang ipinapaalala nito ang nawalang bahagi ng Eden, sinasabi nito ang kapayapaang naibalik sa pamamagitan ng Tagapagligtas. ” E. G. W. (The Desire of Ages, cp. 29, p. 289)
- Slides: 10