NAGTATAGUYOD NA PAGIBIG Liksyon 11 para sa ika13
NAGTATAGUYOD NA PAGIBIG Liksyon 11 para sa ika-13 ng Marso, 2021
Nagdala si Isaias ng paanyaya mula kay Jesus. Inanyayahan Niya tayong lumapit sa Kanyang mga bisig upang pawiin ang ating uhaw sa kaligtasan (Mateo 11: 28; Juan 4: 13 -14), at ibahagi ang meron tayo sa mga nangangailangan (Lucas 6: 35), at magsaya kasama ng “Panginoon ng Araw ng Pamamahinga” (Mateo 12: 8). Ang Plano ng Katubusan: Ang mataas na halaga ng kaligtasan. Isaias 55: 1 -5 Higit pa sa ating pag-unawa. Isaias 55: 6 -13 Pagaayuno: Pag-ayuno na nakakagalit sa Dios. Isaias 58: 1 -5 Pag-ayuno na nakakalugod sa Dios. Isaias 58: 6 -12 Sabado: Nagagalak sa Dios. Isaias 58: 13 -14
ANG MATAAS NA HALAGA NG KALIGTASAN “Oh lahat na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas ng walang salapi at walang bayad. ” (Isaias 55: 1) Pagbili ng walang pera, wlang credit card, walang tseke, walang bank transfers…? Paano ito? Epektibo, mayroong libreng kaligtasan para sa lahat. Walang hinihinging kapalit ang Dios, iyon ay libre. Gayunpaman, kailangan nating bilhin iyon. Hindi iyon walang halaga, kundi walang kasinghalaga. May mataas na halaga iyon. Kung gusto natin, papahalagahan natin iyon, at hihingin iyon (Gawa 16: 30 -31). Ang kamatayan ng Dios mismo ang halaga ng ating kaligtasan. Gayunpaman, nais na ibigay iyon sa atin ng Dios na libre bilang kaloob ng pag-ibig (Roma 6: 23).
“Ang kaligtasan ay libreng kaloob, ngunit kailangan itong bilhin at ibenta. Sa pamilihang nangangasiwa ay banal na awa, ang mahalagang perlas ay kinakatawan bilang nabili ng walang salapi at halaga. Sa pamilihang ito lahat ay makakatanggap ng kabutihan ng langit […] Ang ebanghelyo ni Kristo ay pagpapalang maaaring tanggapin ng lahat. Ang pinakamahirap at pinakamayaman ay parehong makakabili ng kaligtasan; para sa walang halaga dito sa lupa ang makakapantay. Matatanggap ito sa pamamagitan ng pagsunod, sa pagbigay ng ating sarili kay Kristo bilang Kanyang biniling pag-aari. ” E. G. W. (Christ’s Object Lessons, cp. 9, p. 116 -117)
HIGIT PA SA ATING PAG-UNAWA “Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip. ” (Isaias 55: 9) Hindi maunawaan ng ating mga isip ang misterio ng kaligtasan. Mauunawaan lamang ito sa espiritwal na paraan (1 Co. 2: 14). Kaya, binibigyan tayo ng Dios ng sapat na katalinuhan upang unawain ito (1 Tim. 2: 3 -4). Ang kaalamang ito ay lumalago kasabay ng ating pang-araw na ugnayan kay Kristo (Col. 1: 10; 2 P. 3: 18). Gayunpaman, hindi natin ito mauunawaan ng lubusan. Patuloy nating pag-aaralan ang plano ng katubusan sa habang panahon. “Ang tema ng pagtubos ay isa sa mga nais ng tingnan ng mga anghel; iyon ang magiging pag-aaral at awitin ng mga tinubos sa walang hanggang panahon. Hindi ba ito karapatdapat na pag-aralan ngayon? ” (E. G. W. , “My Life Today”, p. 360).
PAG-AYUNO NA NAKAKAGALIT SA DIOS “Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag n magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugod na araw sa Panginoon? ” (Isaias 58: 5) Ang Araw ng Pagtubos ang tanging araw ng pag-ayuno na iniutos ng Dios. Kaya tinawag iyong “ang Pagaayuno” (Gawa 27: 9). Idinagdag na lang sa huli ng mga tao ang pag-araw o lingguhang pagayuno. Iyon ang hindi iniutos ng Dios, at hindi Niya sinang-ayunan (Zec. 7: 3 -10). Inasahan ng mga Israelita na sang-ayunan ng Dios ang kanilang pagaayuno (Is. 58: 3). Gayunpaman, tumugon ang Dios sa hindi inaasahang paraan: “hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas. ” (v. 4) Sinusubukan nilang palambutin ang puso ng Dios ng kanilang “pagiging relihiyoso” upang makabili ng kapatawaran. Hindi na
PAG-AYUNO NA NAKAKALUGOD SA DIOS “Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walan tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao ? ” (Isaias 58: 7) Ang mga bagay na nakalulugod sa Dios ay walang kinalaman sa pag-iwas sa pagkain ng ilang panahon. Nalulugod Siya kung ibinabahagi natin ang meron tayo at pagkalinga sa iba. Ito ay paraan ng pamumuhay, hindi isang beses na gawain. Nakalulugod sa Dios ang ating pagaayuno kung ipinapakita natin ang Kanyang pag-ibig sa iba sa ating pang-araw na buhay. At, ginagabayan Niya tayo, pinasasaya ang ating kaluluwa, at pinapatibay tayo (Isaias 58: 11). “Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan. ” (Santiago 1: 27).
NAGAGALAK SA DIOS “Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon. ” (Isaias 58: 13 -14) Paano nagkakaugnay ang pagdadalamhati sa kaluluwa, pagtulong sa iba, at pag-iingat ng Sabado? Ang tatlo ay parehong sumasangkot sa pagtuon sa Dios, Kanyang proiridad, at pagkilala sa ating pagpapakandili sa Kanya. Sa paggawa ng tatlo, hinahanap natin ng kabanalan sa pagtulad sa Dios, na nagpakababa sa sarili (Filipos 2: 8), nagpakita ng mapagbigay na kabutihan (Gawa 10: 38), at pagtigil sa gawain sa Sabado (Genesis 2: 2 -3). Maliban sa pagiging kaluguran, ang pangingilin ng Sabado at nagdudulot din ng espesyal na pagpapala
“Ang mabubuting gawa ay dalawang beses na pagpapala, nakakabuti sa nagbigay at tumatanggap ng kabutihan. Ang kamalayan sa paggawa ng tama ay isa sa pinakamainam na gamot sa nagkakasakit na katawan at kaisipan. Kung ang isip ay malaya at masaya mula sa mabuting pakiramdam ng gawaing natapos at katuwaan sa pagbibigay ng kaligayahan sa iba, ang pagpalakpak, nakakasiglang impluwensya ay nagdudulot ng bagong buhay sa buong pagkatao. ” E. G. W. (The Ministry of Healing, cp. 18, p. 257)
- Slides: 9