MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA

  • Slides: 66
Download presentation
MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS

MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SHS

ANG GURO Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy ng pagkatuto ay malinaw na layunin

ANG GURO Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy ng pagkatuto ay malinaw na layunin sa pagtuturo. Tatlong batayang layunin ang iminumungkahi ni Hendricks (1998).

ANG KONDISYON NG PAGKATUTO KAUGNAY NG PAGTUTURO NAPABIBILIS ANG PAGKATUTO NG MAG-AARAL KAPAG qnagaganyak

ANG KONDISYON NG PAGKATUTO KAUGNAY NG PAGTUTURO NAPABIBILIS ANG PAGKATUTO NG MAG-AARAL KAPAG qnagaganyak ang kaniyang mga pandama; q kasangkot siya sa pagpaplano ng mga gawain; q nagaganyak siyang matuto; q nahihikayat siyang mag-isip; at q nahihikayat na magsuri.

MGA GAWAIN SA LOOB NG KLASRUM INTEGRATIVE INTERACTIVE COLLABORATIVE

MGA GAWAIN SA LOOB NG KLASRUM INTEGRATIVE INTERACTIVE COLLABORATIVE

1. INTEGRATIVE • Ang mga paksang – aralin sa Filipino ay naiuugnay sa iba

1. INTEGRATIVE • Ang mga paksang – aralin sa Filipino ay naiuugnay sa iba pang mga disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakatuon sa magaaral at ang integrasyon ng mga makrong kasanayan. Ang mga estratehiyang participative, facilitative, at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integrative. Dito, ang guro ay tagapagpadaloy lamang ng pagkatuto samantalang tagagawa ang mga mag-aaral. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang mag-aaral ang sentro at bida. Siya ay aktibong tagapagsalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng mag-aaral ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip.

2. INTERACTIVE q. Makikita ang prinsipyong ito kung ang silid-aralan ng Filipino ay nagbibigay

2. INTERACTIVE q. Makikita ang prinsipyong ito kung ang silid-aralan ng Filipino ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot dito. Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe, tagatanggap nito at ng konteksto ng sitwasyon, pasulat man o pasalita (Wells, 1987). q. Sa loob ng silid-aralan, may tatlong uri ng interaksyon na maaaring lahukan ang mga mag-aaral: interaksyon sa guro, sa kapwa mag-aaral at sa teksto o kagamitang pampag-aaral

3. COLLABORATIVE q. Sa prinsipyong ito natututunan ng mga mag-aaral ang paggalang sa sa

3. COLLABORATIVE q. Sa prinsipyong ito natututunan ng mga mag-aaral ang paggalang sa sa kakayahan at opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga kaalaman, at natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ng pangangailangan. Nagkakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan ang kompetisyon at madagdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral. Nahuhubog ang magagandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral, napatataas ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan, napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang matalino at mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag-aaral at mataas na motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang mabuting relasyon ng guro at mag-aaral, at ng mag-aaral sa kapuwa mag-aaral.

MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA AT GAWAIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

MGA MUNGKAHING ESTRATEHIYA AT GAWAIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

A. GRAPHIC ORGANIZER • Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito

A. GRAPHIC ORGANIZER • Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo. Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang mga kaisipan, kosepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay. May iba’t ibang uri ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit na pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknik ng pagkakatitik, paglalarawan, paggamit ng kulay, at lay-out at ito ay para sa epektibong komunikasyong biswal.

ANG KAHALAGAHAN NG GRAPHIC ORGANIZER • Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din

ANG KAHALAGAHAN NG GRAPHIC ORGANIZER • Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay. Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga larawan at mga kaalaman. Ito ay ibinibigay upang mahasang mabuti ang pag-iisip ng mga mag-aaral.

Ang mga GO ay… Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman sa bagong kaalaman.

Ang mga GO ay… Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman sa bagong kaalaman. Nakakapagpapadali sa pagdebelop ng konsepto. Mga Benepisyo / Kabutihang Dulot ng mga Graphic Organizer Napapahusay ang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat at pagsusuri. Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng pagplaplano at pagrerebisa. Naghihikayat ng diskursong “focused” o nakatuon sa isang paksa. Maaaring instrument ng ebalwasyon. Nakakatulong sa pagplaplanong instruksyonal.

MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER Ang graphic organizers ay nagagamit upang pagugnayin at ikategorya

MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER Ang graphic organizers ay nagagamit upang pagugnayin at ikategorya ang mga konsepto at pangyayari sa binasa. Tinatawag din itong biswal na larawan ng mga kaalaman.

K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN) Ito ang teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at

K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN) Ito ang teknik upang matukoy ang dati nang kaalaman at iniuugnay sa mga bagong kaalaman. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nananatili at nagiging makahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati ng nalalaman. q. Know: Ano ang inyong nalalaman tungkol sa bagong paksang pag-aaralan? Isulat ang sagot sa unang kolum. q. Want: Ano ang gusto ninyong matutunan o matalakay sa bagong paksa? Isulat ang sagot sa ikalawang kolum. q. Learn: Ano ang natutunan ninyo sa paksang tinalakay? Isulat ang sagot sa ikatlong kolum.

CONCEPT MAP Ang Concept Map ang nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa makabuo ng

CONCEPT MAP Ang Concept Map ang nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa makabuo ng malaking ideya o katuturan.

CONCEPT CLUSTER Ito ay ginagamit upang madaling maisaisa at mabigyang-kahulugan ang klaster ng mga

CONCEPT CLUSTER Ito ay ginagamit upang madaling maisaisa at mabigyang-kahulugan ang klaster ng mga salita, konsepto o pangyayari.

VENN DIAGRAM Ang Venn Diagram ay ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang

VENN DIAGRAM Ang Venn Diagram ay ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.

HIRARKIKAL NA DAYAGRAM Ito ay lapit na linyar at kabilang dito ang pangunahing konsepto

HIRARKIKAL NA DAYAGRAM Ito ay lapit na linyar at kabilang dito ang pangunahing konsepto at mga sub-konsepto na nasa ilalim nito.

FACT STORMING WEB Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkat makikita rito ang lahat

FACT STORMING WEB Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkat makikita rito ang lahat ng masasaklaw na detalye. Nasa sentro ang pangunahing konsepto at nakapaligid dito ang mga kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay na konsepto ang iba pang mga detalye.

SPIDER WEB Sa spider web, karaniwang mahahati ang aralin sa apat at bawat isa

SPIDER WEB Sa spider web, karaniwang mahahati ang aralin sa apat at bawat isa ay tumutukoy sa isa sa apat na paa ng gagamba. Binubuo ng pangunahing konspeto at sumusuportang datos ang bawat pangkat.

SEMANTIC WEB May apat na elemento ang semantic web: a) Ang core question na

SEMANTIC WEB May apat na elemento ang semantic web: a) Ang core question na paksa ng aralin b) Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat sa apat na kahon c) Ang strand support na sumusuporta sa web strand d) Ang strand tie na linyang nagdurugtong sa lahat ng web strand.

DISCUSSION WEB Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos magkatimbang

DISCUSSION WEB Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos magkatimbang o balanseng masasagot ng OO o HINDI. Naoorganisa rito ang mga argumento o ebidensya tungkol sa isyung tinatalakay. Gabay sa pagtalakay: q Umisip ng tanong na halos magkatimbang o balanseng masasagot ng OO o HINDI at isulat sa loob ng isang maliit na kahon. q Isulat ang sagot sa tanong sa ilalim ng OO o HINDI q Suriin ang bawat sagot. q Magbigay ng konklusyon batay sa mga datos na nasa ilalim ng OO, gayon din sa mga datos na nasa ilalim ng HINDI.

ANG SAYKLIKAL NA TSART Ang sayklikal na tsart ay magagamit sa pagpapakita ng daloy

ANG SAYKLIKAL NA TSART Ang sayklikal na tsart ay magagamit sa pagpapakita ng daloy ng mga gawain, pangyayari o proseso mula sa simula hanggang katapusan.

DATA RETRIEVAL CHART Ginagamit ang data retrieval chart sa pagsasaayos ng mga datos mula

DATA RETRIEVAL CHART Ginagamit ang data retrieval chart sa pagsasaayos ng mga datos mula sa isinagawang diskusyon sa klase o mula sa tekstong binasa. Magagamit ito sa pag-uulat o sa pagbubuod ng leksyon.

SENSORY DETAILS CHART Ginagamit ang sensory details chart upang mangalap ng mga datos o

SENSORY DETAILS CHART Ginagamit ang sensory details chart upang mangalap ng mga datos o impormasyon sa paggamit ng mga pandama.

CIRCLE DIAGRAM Sa pamamagitan ng circle diagram, maaaring masuri ng mga mag-aaral ang mga

CIRCLE DIAGRAM Sa pamamagitan ng circle diagram, maaaring masuri ng mga mag-aaral ang mga pangyayari o isyu. Sa tulong ng diagram, mahahanap ng mga mag-aaral ang pinakasanhi ng isang pangyayari hanggang sa bunga.

MAIN IDEA AND DETAILS CHART Ginagamit ang chart na ito tuwing may pinag-aaralang pangunahing

MAIN IDEA AND DETAILS CHART Ginagamit ang chart na ito tuwing may pinag-aaralang pangunahing kaisipan at pagiisa-isa sa mga detalye.

RANK ORDER CHART Natuturuan ang mga mag-aaral na maganalisa ng mga paksa sa pamamagitan

RANK ORDER CHART Natuturuan ang mga mag-aaral na maganalisa ng mga paksa sa pamamagitan rank order chart. Ito ang pagbibigay ng ranggo kung alin sa mga datos na ibinigay ang dapat na mauna at naipaliliwanag ito ng mga mag-aaral.

COMPARISON-CONTRAST CHART Sa tulong ng comparison contrast chart, naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagkakatulad

COMPARISON-CONTRAST CHART Sa tulong ng comparison contrast chart, naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang paksa. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pag-aasimila.

ANG CAUSE AND EFFECT CHART Ang chart na ito ang magbubuod sa sanhi at

ANG CAUSE AND EFFECT CHART Ang chart na ito ang magbubuod sa sanhi at bunga ng isang pangyayari o penomena.

WHAT IF? CHART Ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral sa

WHAT IF? CHART Ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga kasagutang maaaring itugon sa mga pangyayaring susuriin.

PROCESS OR CYCLE DIAGRAM Sa pamamagitan ng diagram na ito, maaaring pag-aralan ng mga

PROCESS OR CYCLE DIAGRAM Sa pamamagitan ng diagram na ito, maaaring pag-aralan ng mga magaaral ang proseso ng isang pangyayari o bagay.

EVENT MAP Ginagamit ang event map sa pagaanalisa sa isang paksa o kuwento. Ito

EVENT MAP Ginagamit ang event map sa pagaanalisa sa isang paksa o kuwento. Ito ang madalas gamitin sa pagtalakay sa mga akdang pampanitikan.

EVALUATION PYRAMID Sa tulong ng ganitong istilo ng graphic organizer, natututuhang hanapin ng mga

EVALUATION PYRAMID Sa tulong ng ganitong istilo ng graphic organizer, natututuhang hanapin ng mga mag-aaral ang tamang antas ng isang bagay o pangyayari. Nagagawa ito sa pamamagitan ng masusing pagaanalisa.

POSITIVE-NEGATIVE CHART Itong chart ay nakatutulong sa pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga positibo

POSITIVE-NEGATIVE CHART Itong chart ay nakatutulong sa pagkilatis ng mga mag-aaral ng mga positibo at negatibong epekto ng isang isyu.

DECISION CHART Sa pamamagitan ng decision chart, nahahasa ang kaisipan ng mga mag-aaral na

DECISION CHART Sa pamamagitan ng decision chart, nahahasa ang kaisipan ng mga mag-aaral na magpaliwanag at magtimbang-timbang ng mga isyu. Nakatutulong din ito sa mabisang pagpapasimula ng makahulugan at matalinong pagdedebate.

PERSUASIVE PLANNER Nagagamit ang persuasive planner upang masanay ang mga mag-aaral na manghikayat sa

PERSUASIVE PLANNER Nagagamit ang persuasive planner upang masanay ang mga mag-aaral na manghikayat sa pamamagitan ng matalinong pangangatwiran at obhetibong pagbibigay ng mga patunay tungkol sa isyung pinaguusapan.

FISHBONE PLANNER Ang fishbone planner ay ginagamit sa pagtitimbang-timbang sa maganda at hindi magandang

FISHBONE PLANNER Ang fishbone planner ay ginagamit sa pagtitimbang-timbang sa maganda at hindi magandang epekto ng isang isyu o paksang pinag-uusapan.

WORD MAP Nagagamit sa pagpapalawak ng isang salita ang word map. Ginagamit din ito

WORD MAP Nagagamit sa pagpapalawak ng isang salita ang word map. Ginagamit din ito upang bigyangkahulugan ang isang termino.

STORYBOARD Ginagamit ang story board upang ipakita ang mahahalagang pangyayari sa kuwento. Iguguhit ang

STORYBOARD Ginagamit ang story board upang ipakita ang mahahalagang pangyayari sa kuwento. Iguguhit ang mahahalagang pangyayari sa kahong inihanda ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.

IBA PANG ESTRATEHIYA NA MAGAGAMIT SA AKTIBONG PAGTUTURO

IBA PANG ESTRATEHIYA NA MAGAGAMIT SA AKTIBONG PAGTUTURO

INFORMATION CHART Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro ang nakalista

INFORMATION CHART Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro ang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng pangkat ang impormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawat tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag nahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulat nila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang sanggunian. Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng “Iba Pang Kawili-wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.

I –SEARCH Mula sa isang teksto (naratibo o ekspositori) na nabasa, pipili ang mga

I –SEARCH Mula sa isang teksto (naratibo o ekspositori) na nabasa, pipili ang mga estudyante ng isang tanong o tema na gusto pa nilang mapag-aralan o masuri. Isasagawa ang imbestigasyon / pag-aaral sa labas ng klase at isusulat ang resulta / mga konklusyon sa I-Search sheet.

JIGSAW Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat ng mag-aaral ay nagiging eksperto sa

JIGSAW Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat ng mag-aaral ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng teksto (karaniwang tekstong impormasyonal) at pagkatapos ay ibinabahagi at pinag-uusapan ang kanilang mga kaalaman sa kanilang “home group”. Maaari ring magpangkat ang mga mag-aaral at ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang “expertise” sa ibang pangkat. Epektibo ito sa pagtalakay ng isang mahabang aralin na kailangang matapos sa loob ng maikling panahon.

LIST-GROUP-LABEL q. Nabuo upang mapalawak ang bokabularyo sa Agham at Araling Panlipunan. Mula sa

LIST-GROUP-LABEL q. Nabuo upang mapalawak ang bokabularyo sa Agham at Araling Panlipunan. Mula sa guro, may isang “stimulus topic” na hinango sa karanasan ng mga estudyante o sa mga materyales na pinag-aaralan. q. Nagbibigay naman ang mga estudyante ng iba’t ibang salitang iniuugnay nila sa paksa. Kapag umabot na sa 2530 salita ang listahan, kinakategorya at binibigyan ng label ang mga salita.

THINK-PAIR-SHARE Isang kooperatibong pagkatuto kung saan nakikinig muna ang estudyante sa ilang tanong, nag-iisip

THINK-PAIR-SHARE Isang kooperatibong pagkatuto kung saan nakikinig muna ang estudyante sa ilang tanong, nag-iisip tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares upang makipagtalakayan sa isa o higit pang kaklase at nagbabahagi rin kaniyang mga sagot sa buong klase.

DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng guro o ng isang mag-aaral. Limang

DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral ang magsasagawa nito hanggang matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi bilang tanda na siya ay tapos na.

WHAT CAN YOU SAY? Gumagamit ng mga larawan ang guro at gagabayan ang mga

WHAT CAN YOU SAY? Gumagamit ng mga larawan ang guro at gagabayan ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang nilalaman nito. Maaaring gamitin ang mga larawan sa dyaryo.

MOCK TRIAL Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari sa kuwento na nais

MOCK TRIAL Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang pangyayari sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri. Halimbawa: Dapat bang patawarin si Senyora Mameng dahil sa hindi makataong pagtrato niya sa mga katulong? Papangkatin ang klase sa a) HUKOM, b) TAGA-USIG, c) TAGAPAGTANGGOL, d) NAGHABLA, e) MGA SAKSI.

MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI NENENG Ipapasa ang isang maliit na bakya habang

MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI NENENG Ipapasa ang isang maliit na bakya habang may tugtog. Kapag huminto ang tugtog, ang huling may hawak ng bakya ang siyang sasagot sa bugtong. Kung ang sagot sa bugtong ay gunting, kukunin ng mag-aaral ang gunting sa loob ng paper bag. Sasagutin ng mag-aaral na ito ang tanong na nakadikit sa gunting.

PARADE OF COSTUME Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isang partikular

PARADE OF COSTUME Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isang partikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang isang panahon na kaugnay sa kanilang mga naging kasuutan. Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng Wika, sa Pagdiriwang ng mga Nagkakaisang Bansa at mga piling maiikling kuwento na ang tuon ay sa kasaysayan ng bansa. Maaari rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maaari naman na kaugnay sa paksang tinatalakay.

PAGTIBAYIN ANG PALAGAY Batay sa larawan, dugtungan ang mga pahayag s aspeech balloon ng

PAGTIBAYIN ANG PALAGAY Batay sa larawan, dugtungan ang mga pahayag s aspeech balloon ng iyong nabuong konsepto o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng pagpapahayag. Halimbawa: q q q Sa aking pananaw, _______ Sa kabilang dako, _____ Ang Pagtuturo ng Filipino Ayon kay, ______ Sang-ayon sa, _______

CLASH OF CLASS Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili ang bawat

CLASH OF CLASS Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili ang bawat pangkat ng isang tauhan o character sa Clash of Clans na magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon ibabatay ang kanilang “kapangyarihan” na magagamit nila sa gagawing gawain. Ang bawat pangkat ay gagawa ng mga tanong batay sa paksang tatalakayin. Kung sakaling nasagot ng isang pangkat ang tanong mula sa katunggaling pangkat ay kukuha ito ng isa sa kanilang miyembro—hanggang maubos ang mga ito at ang matitira lamang ay ang isang pangkat.

ANG ORASAN. TULAD NG PAG-IKOT NG KAMAY NG ORASAN, ANG PADRONG ITO AY NAGSISIMULA

ANG ORASAN. TULAD NG PAG-IKOT NG KAMAY NG ORASAN, ANG PADRONG ITO AY NAGSISIMULA SA UNAHAN NG MAGKAKAWING NA MGA PANGYAYARI HANGGANG SA KAHULI-HULIHANG PANGYAYARI. MAAARI DING MAGSIMULA SA HULIHAN AT MAG- FLASH BACK, O MAARING MAGSIMULA AT GUMALAW MUNANG PAUNA O PAHULI. Mga Halimbawa: 1. Umalis kami, kasama ng aming ama, patungong Makati. 2. Ibinili niya ako ng isang dyaket sa mall. 3. Ibinili niya ng blusa ang aking kapatid na babae. 4. Sumakay kami sa isang siksikang elevator. 5. Umuwi kaming sakay ng isang bus. 6. Nagtungo kami pagkatapos sa isang sanitarium sakay ng aming lumang kotse, dala ang damit para saming ina. 7. Biglang bumuhos ang ulan naghintau na lamang kami ng aking kapatid sa kotse. 8. Umuwi kami sa gitna ng lumalaganap nang ulan at dilim.

ANG REBENTADOR. SA ISTRUKTURANG ITO, ANG ISANG PANGYAYARI ANG SIYANG SANHI NG MGA NALIKHA

ANG REBENTADOR. SA ISTRUKTURANG ITO, ANG ISANG PANGYAYARI ANG SIYANG SANHI NG MGA NALIKHA PANG MGA IBA PANGYAYARI. KUNG WALANG PANGYAYARI, MAARING HINDI NAGANAP ANG MGA SUMUSUNOD DITONG PANGYAYARI. Kinakailangang aming ama ang tumingin sa aming kapatid. Ibig ng aming ama na makauwi na ang aming ina. Nagkasakit ang aking ina Bumalik ang sakit ng aking ina. Hindi sinabi ng aking ama kung ako ang nararamdaman niya, ngunit nakikita iyon sa kanyang pagkilos.

ANG SAYAW. Sa istrukturang ito, ang mga nagaganap ay pabalik-balik sa kanilan mga panahong

ANG SAYAW. Sa istrukturang ito, ang mga nagaganap ay pabalik-balik sa kanilan mga panahong may kani-kaniyang tagpuan. Nag-asawang muli si Lolo. At nagkaroon ng isang anak na lalaki. Hindi tumutol ang aming ama. Namatay ang aming ama sa sakit sa puso (hindi siya napamanahan ng kanyang ama --ng aming lolo—ngunit hidi siya tumutol. ) 40 63 5 ANG BUHAY NG AKING AMA Nag pakasal ang aking ama at ang aking ina, na noo’y 19 na taong gulang. Ang kanilang mga magulang ay parehong tutol sa pagpapakasal na iyon. Ako ang bunso sa dalawang anak ng pagsasamang iyon. 19 Lalatiguhin ang aking ama ng kanyang ama ngunit ang kanyang asawa (si Lola) na noon ay kagampanan ay humadlang Siya ay nahagip ng. latigo, nabuwal. Nabagok ang ulo, dinugo at namatay 15 Ang aking ama ay pinapag-aral sa isang tradisyunal na paaralang gumagamit ng hagupit sa pangdidisiplina. Tiniis ang mga iyon ng aking ama sa buong panahong nag-aaral siya roon

ANG ANALISIS. Sa istrukturang ito, inihaharap ang lahat ng mga datos, susuriin ang mga

ANG ANALISIS. Sa istrukturang ito, inihaharap ang lahat ng mga datos, susuriin ang mga ito, saka sasabihin ang isang lohikal na kongklusyon. Sanhi 1 Sanhi 2 Nahubog ang aking lolo sa isang paaralang mahigpit ang pagdidisiplina. Hindi niya idinaing ioyn sa iba pagkat iyon ang inakala niyang tamang paghubog sa tao Hindi sinabi ng aming ama ang mga damdamin niya sapagkat ayaw niyang dumaing o tumutol dahil yaw niyang mabahala pa kami o masaktan. Bunga 1 Ang mga bagay at pangyayaring magbbibigaykalungkutan sa akin ay tinututulan ko at sinasabi ko sa aking pamilya.

PAGGAWA NG SILO(LOOP) Sa paggamit ng ganitong teknik, mangangailangan ng tatlong silo o loop.

PAGGAWA NG SILO(LOOP) Sa paggamit ng ganitong teknik, mangangailangan ng tatlong silo o loop. Sa ganitong teknik- ang mag-aaral ay malayang makakasulat tungkol sa isang paksa, sitwasyon O kalagayan. Ang panghili niyang pangungusap sa unang loop ay kailangang maging buod ng mga binangit niya. Sa pangalawang silo, magpapatuloy ang estudyante sa paglalahad ng kanyang mga ideya tungkol sa unang buod na pahayag. Katulad ng ginawa sa unang silo, magbibigay na naman siya ng kanyang pangalawang buod na pahayag. Ang ganitong pagsulat O hakbang ay uulitin sa ikatlong siglo.

CUBING Ang paraang ito, O teknik, ay nagtataglay ng hakbang. Sa bawat hakbang ay

CUBING Ang paraang ito, O teknik, ay nagtataglay ng hakbang. Sa bawat hakbang ay kinakailangan ang patuloy na pagsusulat. Paano ito ginagawa? Una, kailangang pumili sa mga salitang nakasulat sa pisara. Ang mga ito’y pangngalang tiyak(concrete nouns): kung gustong orasan, mabibigyan ang mag-aaral ng tig lilimang minuto bawat cube O baytang. Unang baitang: ilarawan ang piniling bagay. Ano ang anyo? Isulat ang mga pisikal na katangian. Ika-2 baytang: paghahambing. Ano ang katulad nito? Ano ang kinaiba nito? Ika-3 baytang: suriin. Ano ang mga sangkap nito(materyales)? Ano ang mga bahagi? Paano nabuo O naayos?

Ika-4 na baytang: iugnay sa iba. Ano ang nagpapagunita sa iyo tungkol dit? Sa

Ika-4 na baytang: iugnay sa iba. Ano ang nagpapagunita sa iyo tungkol dit? Sa ano ito maiuugnay? Anong istorya, pangyayari, O sitwasyon ang maiisip mo kapag napagukulan mo ang mga ito? Ika-5 baitang: i-aplay mo ito. Ano ang mapaggagamitan mo rito? Ano ang magagawa mo rito? Anong mga dipangkaraniwang gamit ang maiisip mo tungko dito? Ika-6 baitang: magmatwid ng pabor O laban sa bagay na ito. Manindigan ka. Magbigay ka ng anumang mga dahilang maiisip, gaanuman katawa-tawa O kabaliwan ang katuwiran mo.

MAGKAKAMBAL Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral na makapagbigay ng iba’t ibang

MAGKAKAMBAL Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral na makapagbigay ng iba’t ibang salita na kasingkahulugan o kabaligtaran ng isang salita. Mapapayaman din nito ang bokabularyo ng mga mag-aaral na mahalaga sa pagsulat ng tula sa sanaysay. Halimbawa: A. Ibibigay ng guro ang isang salita. Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salitang kasingkahulugan nito. Tingin – tanaw, masid, masdan, titig, matyag, silip, subaybay, tiktik, sulyap, sipat. B. Ibibigay ng guro ang isang konsepto. Magbibigay ang mga mag-aral ng mga ideyang naiuugnay nila sa konseptong ibinigay ng guro. EDUKASYON – tagumapay, pera, kotse, trabaho, respeto, diploma, medalya, katanyagan, prinsipal, kaba, puyat, pagsusulit, medyas, sapatos, crush, uniform, ginik, bestfriend, bato.

KWINTASAN Istratehiya na maaring dedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap.

KWINTASAN Istratehiya na maaring dedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap. Mula sa maliliit na detalyeng ibibigay ng guro, magagawa na mag-aral na bumuo ng isang paglalahad na may kumpletong kaisipan, natatangi, at malikhain. T A M N Halimbawa: A. Bubuo ng isang malikhaing kwento ang mga mag-aaral gamit ang mga salitang ibibigay ng guro. langgam tubig kama Umiinom ng tubig si Jun habang nakaupo sa kama nanood ng tv nang bigla siyang napasigaw. Nang tingnan niya ang kanyang binti, nakita niya ang malaking langgam na pula na kumagat pala sa kanya. Dali- daling niyang pinitik ang langgam, kinamot ang nangangating binti at nagpatuloy sa panood ng tv.

B. Maaaring magparinig ang guro ng isang awit. Susulat ang mga mag-aaral ng isang

B. Maaaring magparinig ang guro ng isang awit. Susulat ang mga mag-aaral ng isang sanaysay o tula na may kaugnayan sa nilalaman nito. C. Magpaparinig ang guro ng isang instrumental na tugtugin. Lalapatan ito ng liriko ng mga mag-aaral.

BAGONG MATA Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa bagong pagtingin sa

BAGONG MATA Istratehiya na magdedevelop sa kakayahan ng mga mag-aaral sa bagong pagtingin sa mga bagay at bagong gamit sa mga bagay. Makakatulong ito sa pagdedevelop ng mapanuri at malawak na pag-iisip. Halimbawa: Ibibigay ng guro ang isang salita. Iisipin ng mga mag-aaral ang iba’t-ibang gamit nito maliban sa karaniwan nitong gamit. basketbol pambato ng prutas sa puno pangkilala sa crush pamporma pang-ehersisyo unan patungan ng paa displey salbabida blackboard sandalan ng titser, bubong, ding

NUMBERED HEADS Isa itong cooperative learning strategy na kung saan ang bawat pangkat ay

NUMBERED HEADS Isa itong cooperative learning strategy na kung saan ang bawat pangkat ay nagbibigay ng tuon sa isang tanging paksa upang matukoy ang solusyon o sagot na dapat ilaan para dito. Ang bawat pangkat ay hahatiin sa pare-parehong bilang. Bawat miyembro ay bibigyan ng kani-kanyang bilang. Papangkatin ang mga miyembro ng iba’t ibang pangkat sa bagong pangkat ayon sa kanilang bilang. Bibigyan sila ng sapat na panahon upang magtalakayan hinggil sa isang paksang maaaring ibigay ng guro batay na pinag-aralan sa klase.

CORNERS Isa pa ring cooperative learning strategy na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral

CORNERS Isa pa ring cooperative learning strategy na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilala nang lubusan ang kanyang sarili at mga taong nakapaligid sa kanya. Dito, bibigyan ng pangalan ng guro ang apat na sulok sa silid aralan. Bawat mag-aaral ay bibigyan ng laya na pumunta sa sulok na nais niya. Pagkatapos, ibibigay ng guro ang mga tanong na nakalaan sa bawat sulok. Ito ngayon ang bibigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral na sa talakayan.

RIGHT ANGLE Ito ay isang graphic organizer na tumutulong sa mga mag -aaral upang

RIGHT ANGLE Ito ay isang graphic organizer na tumutulong sa mga mag -aaral upang makita ang implikasyon ng mga ideya at mailapat ang mga ito sa kanilang sariling buhay. 2 1 3 4