Mga Makabayang Pilipino sa Pagkamit ng Kalayaan Naghangad
Mga Makabayang Pilipino sa Pagkamit ng Kalayaan Naghangad ng Pagbabago sa Mapayapang Paraan
Propagandista • • • Jose Rizal Marcelo H. Del Pilar Gregorio Sancianco Mariano Ponce Graciano Lopez-Jaena
Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda Pambansang Bayani ng Pilipinas • Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
Dr. Jose P. Rizal • Inilathala ang 2 nobela: Noli Me Tangere –Huwag mo Akong Salingin (Alemanya, 1887) at El Filibusterismo – Ang Tampalasan (Ghent, Belgium 1891) Inilahad sa aklat na ito ang pang-aabuso ng mga opisyal at prayleng Espanyol na gumising sa diwang makabayan ng mga Pilipino.
Dr. Jose P. Rizal • Sa La Solidaridad na isang pahayagan ng mga propagandista nailathala rin ang ibang isinulat ni Rizal. • Pinamunuan ang La Liga Filipina
Dr. Jose P. Rizal Namatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.
Marcelo H. Del Pilar • Ipinanganak noong Agosto 30, 1850 sa Cupang Bulacan, Bulacan • Tinatag niya ang kaunaunahan pahayagang tagalog sa Pilipinas na Diariong Tagalog
Marcelo H. Del Pilar Ilan sa mga isinulat niya ay ang : Dasalan at Tocsohan La Soberania Monacal en Filipinas (Isiniwalat nito ang mga problemang panlipnan nooon. ) La Patria at Ministerio de la Republica Filipina (Pananaw sa isang bansang malaya)
Marcelo H. Del Pilar • Napilitang iwan ang asawa at 2 anak upang tumakas papuntang Espanya • Naging kasapi ng Samahang Propaganda at pinalitan si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad
Marcelo H. Del Pilar • Nanatiling namuhay si Del Pilar ng mahirap kapalit ang pag-asang lalaya ang Pilipinas. • Namatay siya sa sakit na Tuberkulosis noong Hulyo 4, 1896 sa Barcelona, Espanya
Gregorio Sancianco • Ipinanganak noong Mayo 7, 1852 sa Malabon, Rizal (Metro Manila na ngayon) • Kinikilala bilang Unang nag-agham sa hanapang buhay o Economist ng Pilipinas.
Gregorio Sancianco • Noong 1881 sa gulang na 29 isinulat niya ang El Progreso de Pilipinas, estudios economicos, administravos y politicos • Nanawagan na paunlarin ang Pilipinas at pagkakapantay-pantay sa karapatan
Gregorio Sancianco • Isa siya sa tagapayo ni Emilio Aguinaldo • Minsang nakulong at ipinatapon sa Pangasinan dahil inakalang kasama sa pag-aalsa noong 1889. • Namatay sa sagupaan sa Sto. Domingo, Nueva Ecija noong Nobyembre 27, 1897
Mariano Ponce • Ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong Marso 23, 1863 • Nagtungo sa Espanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Medisina sa Central University of Madrid • Kasama siya ni Graciano Lopez-Jaena sa pagtatag ng La Solidaridad
Mariano Ponce • Tumayong kalihim sa Asociacion Hispano-Filipino • Sumusulat ng editoryal tungkol sa kasaysayan, pulitika at sosyolohiya • Gumamit ng mga palayaw gaya ng Naning, Kalipulako, at Tikbalang
Mariano Ponce • Nakulong ng 2 araw ng sumiklab ang rebolusyon sa hinalang kaibigan niya ang mga nag-aalsa. • Nagtungong Pransya at pumalaot patungong Hong Kong at naging kalihim ng Junta Revolution
Mariano Ponce • Hunyo 29, 1898 nagtungo sa Yokohama, Japan upang bumili ng baril para sa mga sundalong Pilipino. • Dito niya nakilala si Dr. Sun Yat-Sen, nagtatag at unang pangulo ng Republika ng Tsina.
Mariano Ponce • Kasama ang asawang hapones na si Okiyo Undarawa, bumalik siya ng Maynila. • Noong 1909, ginawa siyang direktor ng El Renacimiento • Isa sa nagtatag ng El Ideal, pahayagan ng Partido nacionalista • Namatay sa Hong kong noong Mayo 23, 1918
Graciano Lopez-Jaena “Prinsipe ng mga Mananalumpating Pilipino” Kasama sina Del Pilar at Rizal tinagurian silang Triumvirate ng Samahang Propagandista
Graciano Lopez-Jaena • Ipinanganak noong Disyembre 18, 1856 sa Jaro, Iloilo • Sa edad na 6 na taon ay sinanay na ni Padre Francisco Jayme sa pagtatalumpati • Sa pagnanais na maging doktor, pumasok siya bilang baguhan sa Ospital ng San Juan de Dios sa Jaro
Graciano Lopez-Jaena • Napalapit siya sa mga tao doon at nakita ang paghihirap nila sa kamay ng mga kawal Espanyol • 1874, isinulat niya ang Fray Botod (Inihayag ang kasakiman, katamaran, at kalupitan ng mga paring Espanyol)
Graciano Lopez-Jaena • Gaya ni Del Pilar ay tumakas siya papuntang Espanya at doon niya itinatag ang La Solidardad. • Bumalik siya sa Pilipinas gamit ang pangalang Diego Laura upang lumikom ng pondo sa Samahang Propaganda.
Graciano Lopez-Jaena • Natukoy ito ng awtoridad kaya tumakas siya papuntang Hong Kong at bumalik sa Madrid. • Namatay siya sa sakit na tuberkulosis noong Enero 20, 1896
- Slides: 29