Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino Aurora National































- Slides: 31
Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino Aurora National Science High School Oktubre 25 -27, 2016 Next
Layunin: 1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng estratehiya upang malayang makalahok ang mga mag-aaral sa aktibidad at talento na mayroon sila. 2. Magamit ang teknolohiya bilang dagdag na estratehiya sa pagkatuto at pagtuturo ng paksang-aralin sa Filipino. Next
Mga Instruksyunal Teknik 1. Roundtable Discussion 2. Panel Discussion 3. Brainstorming 4. Role Playing 5. Socio drama Next
Roundtable Discussion • Maaaring buuin ng tatlo hanggang limang mag-aaral • Bawat kasapi ay handa sa impormasyong pinag-uusapan • Maaaring gawin ang talakayan na sabay kung hahatiin ang klase sa maliliit na pangkat.
Gabay para sa Roundtable Discussion na Talakayan 1. Pumili ng paksa/isyu/suliranin na mapaguusapan. 2. Pangkatin ang klase sa maliliit na grupo 3. Pumili ng moderator at taga-ulat 4. Sasabihin ng moderator sa pangkat ang paksa/isyu na tatalakayin 5. Pasimulan na ang talakayan ng bawat grupo 6. Ang taga- ulat ng bawat pangkat ang mag-uulat sa klase. Back
Panel Discussion • Pormal ang paraan ng presentation • Iparirinig ng mga panelist ang talakayan sa mga kamag-aral • Ang mga panelista ay eksperto sa paksang tinalakay
Gabay para sa Panel Discussion 1. Pumili ng limang mag-aaral sa pangkat na siyang magiging panelista 2. Pumili ng isang moderator mula sa mga panelista. 3. Ihanda ang bawat kasapi ng panel tungkol sa tatalakaying paksa. Pormal na iulat ang opinion/ ideya/ panukala tunkol sa paksang pag-uusapan. 4. Pagkatapos ng presentasyon ng lahat ng mga panel hayaan ang mga mag-aaral (audience) na magtanong. 5. Ipasagot sa mga panelista ang mga tanong. 6. Sa pagtatapos ng panel discussion, ipabuo sa moderator ang pinag-usapan sa silid-aralan.
Brainstorming/Bagyuhang-utak • Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na grupo • Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw ang isyu, sitwasyon, suliranin • Malayang nakukuha ng guro ang mga mungkahi, damdamin, ideya o consensus ng mga kasapi sa talakayan.
Gabay na magagamit sa brainstorming 1 Ilahad ang isyu/ sitwasyon/ suliranin sa klase. o pangkat. 2. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng pansariling opinion o pananaw tungkol sa isyu. 3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral. 4. Ituloy ang pagsusuri tungkol sa mga ideya/ opinion o pananaw ng mga mag-aaral. 5. Isagawa ang gawaing pagtatapos.
Role Playing • Inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon na maaaring mangyari sa tunay na buhay. • Ang magkakapareha ay bubuo ng mga dayalogo buhat sa isang sitwasyong ibibigay ng guro o mapagkakasunduan ng klase. Mga uri ng Role- play • Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogong may cues • Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon • Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin
Hakbang sa Role-playing 1. Pumili ng mga tauhan na gaganap. 2. Pumili ng magiging paksa o isang pangyayari. Isulat ito sa pisara. 3. Ihanda ang mga manood (klase) sa isasagawang gawain. 4. Isadula ang pangyayari. 5. Tatalakayin sa klase ang mga puntos na dapat pag-usapan sa role playing na isinagawa. Ibigay ang mga mungkahi. 6. Muling isadula ang pangyayari. Isama ang mga mungkahi ng klase sa muling pagsasadula.
Sociodrama • Tinatawag na creative dramatics • Pagpapaabot sa highlight ng mga karanasan sa pagkatuto sa pamagitan ng pantomime iskit o maikling drama • Nauukol sa sitwasyon tungo sa paghahanap ng solusyon sa suliranin
Gabay para sa Sociodrama 1. Ilahad ang suliranin sa klase. 2. Ihanda ang pangkat na kalahok sa sociodrama. 3. Piliin ang mga mag-aaral na gaganap sa papel sa drama. 4. Sabihin sa bawat mapipiling kalahok ang papel na kanyang gagampanan. 5. Ihanda ang klase sa magaling na pakikinig at magaling na pag-aanalisa sa mga sitwasyon sa sociodrama. 6. Isadula na muli ang sitwasyon. 7. Ipagpatuloy ang pagsusuri sa sitwasyon sa muling talakayan. 8. Isagawa ang pagtataya sa aralin.
Iba pang Estratehiyang Integrado at Interaktibo Ang mga estratehiyang ito ay nag dudulot sa mga mag-aaral na maging : Aktibo Masig sa pag-aaral Masiglang makikilahok sa pag-aaral Mapanuri sa pangyayari sa paligid Kritikal na mapag-isip hindi aktibong estudyante
Picture Power Mula sa larawan bubuo ang klase ng kwento Ibabatay ang usapan/ dayalogo Tagpuan Katangian ng mga tauhan na nakikita sa larawan
Balita, Editoryal o Pangulong- Tudling Nalilinang kasanayan sa pagbibigay opinyon. Maiaangkop sa pagtalakay sa iba’t ibang bahagi ng pananalita
Beauty Contest/ G. at Binibini Kontest Mabisa kung nais ng guro na sukatin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa madaling pag-iisip at pagsagot Nasusukat ang kasanayang pangkomunikatibo
Think- Pair- and Share • Isang kooperativ na pagkatuto • Nakikinig • Nag-iisip • Nakikibahagi sa talakayan
Concept Mapping Nakakatulong para sa komprehensyon Pag-ooganisa ng mga konsepto Pagsusuri
TV Commercial o Mga Patalastas sa Telebisyon • Magpangkatan ang mga mag-aaral gagawa sila ng patalastas sa telebisyon • Pabuuin sila ng sariling patalastas
3 -2 -1 (Three- Two- One) Isang gawaing pasulat, ang mga magaaral ay bubuo ng: 3 susi ng katawagang natutunan nila sa aralin. 2 Kaisipang nais nilang malaman. 1 Kaisipan o kakayahang sa tingin nila ay kanila ng nakabisado.
ICT- Integration sa Pagtuturo • Web Quest • Scavenger Hunt • Blogging
Web. Quest • Pasiyasat na gawain sa online • Paghahanap ng mga impormasyon sa www Mga Bahagi ng Web. Quest Panimula Gawain Proseso Ebalwasyon Kongklusyon Halimbawa ng Web Quest
Scavenger Hunt Ito ay paghuhukay ng mga mahahalagang impormasyon sa mga website ng paksang tutuklasin.
Paano gawin ang online Scavenger Hunt? 1 Mag-isip ng paksa 2. Maghanap ng kaugnay na websites 3. “Cut and Paste” ang eksaktong mga url. 4. Tipunin/ pagsasamahin ang mga materyal mula sa iba’t ibang websites. 5. Paghaluin sa isang pahina tiyaking tiyak ang mga sites upang madaling mahanap ng mga mag-aaral ang mga kasagutan. 6. Mag desisyon kung anong tiyak na “produkto” ang gagamitin nila upang ipresenta ang kanilang awputs. Halimbawa ng Scavenger Hunt
Blogs/Blogging • Interaktibong ugnayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. • Online based na maaaring mapaglagyan ng mga replesyon, takdang-aralin, o intergroup communication. Mga Blog Spot na maaaring magagamit ng guro at mag-aaral www. blogger. com www. wikispaces. com www. filipinotek. wordpress. com
Iba pang Online Platforms SOCIAL MEDIA
Aplikasyon 1. Instruksyunal na Teknik • Ang bawat isa ay mag-iisip ng isang paksangaralin na may kaugnayan sa asignaturang itinuturo. • Umisip ng pangkatang-gawain na maaaring maiapply ang ilan sa mga instruksyunal na teknik sa pagtuturo. • Maghanda para sa pagbabahagi ng iyong awtput sa malaking grupo.
2. ICT-INTEGRATION SA PAGTUTURO • Gamit ang napiling paksang-aralin na kaugnay sa asignaturang itinuturo, ikaw ay bubuo ng isang web quest na estratehiya sa pagtuturo nito. • Sundin ang balangkas ng isang scavenger hunt na estratehiya sa paglalahad ng paksang-aralin. • Maghanda para sa pagbabahagi nito sa Ikatlong araw ng pagsasanay.
Panghuling Pananalita Maraming mga estratehiyang magagamit ng guro sa klase. Ang mga kagamitang ito at mga teknik ay nagiging epektibo at makabuluhan kapag ang guro ay may tiyaga, sipag at pagkamalikhain. Sa tulong ng mga estratehiyang ito at sa mahusay na pagtuturo ng guro, walang dahilan para hindi matuto ang mga mag-aaral.
Sa Paglikha ng Pagbabago Sama-sama Tayo! Salamat po!