Mga Epikong Muslim Indarapatra at Sulayman Bantugan at
Mga Epikong Muslim: Indarapatra at Sulayman, Bantugan, at Bidasari Group 4 IV – Muon CRISOSTOMO, Benedict Mihangel P. LABALAN, Gizzelle Golda JAMLANG, Jamico Y. MANGALINDAN, Bryan Joseph L. SE, Gabriel L.
Indarapatra at Sulayman Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli. Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay. " Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris. Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.
Indarapatra at Sulayman Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang palad nabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay. Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halaman at alam niyang namatay si Sulayman. Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita. Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.
Indarapatra at Sulayman Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay ang ibon. Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Indarapatra at Sulayman” • Indarapatra – Hari ng Mantapuli • Mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop – sumalakay sa mga lugar sa labas ng Mantapuli • Sulayman – kawal na kapatid ni Indarapatra; inutusan upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao • Nagtanim si Indarapatra ng halaman sa may durungawan para bantayan ang kalagayan ni Sulayman. • Mga lugar na napuntahan ni Sulayman: • Kabilalan - Walang tao at yumayanig ang lupa • Kurita – halimaw na nakalaban ni Sulayman • Madugo ang laban sa pagitan nina Sulayman at Kurita; Napatay si Kurita sa tulong ng kris ni Sulayman • Matutum • Tarabusaw – halimaw na kumakain ng tao na hinagupit si Sulayman gamit ng punungkahoy; nang mapagod, sinaksak ni Sulayman gamit ng espada
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Indarapatra at Sulayman” • Bundok ng Bita – wala ring tao: nakain ng mga halimaw o nagtatago • Pah – dambuhalang ibon na nakalaban ni Sulayman; napatay ni Sulayman pagkatapos bumagsak sa lakas ni Sulayman, ngunit nabagsakan naman si Sulayman ng pakpak nito, na kanyang ikinamatay • Napansin ni indarapatra na nanlalanta na ang halaman ni Sulayman, kung kaya’t hinanap na niya kaagad ito sapagkat masasabi na namatay na si Sulayman; Dumaan siya sa lahat ng napagdaanan ni Sulayman at nakarating sa bundok ng Bita, kung saan nakita niya ang bangkay ni Sulayman • Nagdasal si Indarapatra upang mabuhay muli si Sulayman; nakakita siya ng banga ng tubig at winikisan niya si Sulayman gamit nito, at nabuhay si Sulayman, parang nagising lang sa pagtulog. • Pinauwi ni Indarapatra si Sulayman, at tumungo siya sa Bundok Gurayu kung saan nakita niya ang ibong may sampung ulo, na agad niyang napatay gamit ng kanyang engkantadong sibat na si Juris Pakal.
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Indarapatra at Sulayman” • Hinanap ni Indarapatra ang mga tao ng Bundok Gurayu, at nakita niya ang mga ito na nakatago. • Kinausap niya ang matandang babae na lumabas sa taguan, at nakipagpulong sa lahat ng tao sa tribo tungkol sa pagkakaligtas nila sa kahamakan ng mga halimaw. • Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan, bago siya makarating sa tribo.
Mga Batas Panlipunan ng “Indarapatra at Sulayman” Respeto sa magkakapatid Pagkamasunurin sakawal mga ng mas nakatataas ad gbabantay sa ng hari Pag-aalala ng mga makakapatid sa isa't isa Pagdarasal sa oras ng suliranin
Mga Batas Panlipunan ng “Indarapatra at Sulayman” Paniniwala sa Diyos at muling pagkabuhay Superioridad ng hari sa kanyang kawal ng iba't ibang tribo gapakasal hari bilang pagsasalamat sa pagtanggol pagligtas ng tribo o
Bantugan Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Bantugan Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Bantugan” • Prinsipe Bantugan – kapatid ni Hari Madali sa kaharian ng Bumbaran; matapang at makisig, na siyang kinagustuhan ng mga dalaga • Hari Madali – Nainggit sa atensyon na nakuha ni Bantugan, kung kaya’r ipinagbawal niya ang pag-uusap kay Bantugan, na ikanalungkot at iknamatay ni Bantugan • Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat – namatay si Bantugan sa pintuan nito • Loro – Ipinalabas na si Prinsipe Bantugan mula sa Bumbaran ang bangkay sapagkat walang may kilala dito – iniulat kay hari Madali, na kanyang ikinalungkot • Lumipad si Hari Madali patungong langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Bantugan” • Haring MIskoyaw – Nabalitaan na namatay ang matapang na kapatid ni Haring Madali, kaya nilusob ng mga kawal niya ang kaharian ng Bumbaran • Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. • Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.
Mga Batas Panlipunan ng “Batugan” Pagsunod sa makapangyarihang hari a ggparusa ng hari Paniniwala sa hayop ng diyos Paniniwala sa muling pagkabuhay agdiwang ing -sa aya
Mga Batas Panlipunan ng “Batugan” Paglusob sa mga tribo na namatayan ng bayani at siyang naging mahina aban bibigay oridad pagdiwang anggap naging bayani Pagpapakasal sa kahit gaanomang kadaming babae ng isang bayani
Bidasari Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. Ang salaysay ng Bidasari ay ganito: Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Bidasari Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana. Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan. Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Bidasari Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari. Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna. Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.
Bidasari Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Bidasari” • Bidasari ng Kamindanawan - nababatay sa romansang Malay. • Upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy. • Kaharian ng Kembayat - naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon; kaharian ng sultan at sultana • Ibong Garuda – ibong mapaminsala sa mga pananim at kumakain ng tao; tuwing dumarating, nagsisitakbuhan ang mga tao upang magtago sa mg yungib. • Nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. • Diyuhara – isang mangangalakal mula sa malapit na kaharian na nakapulot sa sanggol at itinuring anak; nagpangalan kay Bidasari • Bidasari – habang lumalaki ay lalong gumaganda at maligaya sa piling ng naging magulang
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Bidasari” • Kaharian ng Indrapura - ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. • Lila Sari – Mapanibughuin; natatakot sa posibilidad na umibig pa sa ibang babae ang sultan. • L. S. : “Mahal mo ba ako? ”; M. : “Mahal na mahal ka sa akin. ” • L. S. : ”Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin? ”; M. : ”Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. ” • L. S. : Inutusan ang matapat na mga kabig/tauhan na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana – nakita si Bidasari na higit na mas maganda kaysa kay L. S. • Inanyayahan ni L. S. si Bidasari na tumira sa palasyo. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong sa isang silid at doon pinarusahan • Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa: kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y isusuot ni Lila Sari para mamatay at maburol si Bidasari at hindi makita ni M. , at sa gabi'y ibinabalik sa tubig para mabuhay muli si Bidasari – pumayag si Lila Sari; kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Bidasari” • Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari, kung kaya’t nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari. • Sultan Mongindra - nangaso sa gubat; nakita niya ang magandang palasyo at pumasok dito; nakita niya si Bidasari na natutulog na hindi magising; bumalik kinabukasan at naghintay hanggang gabi kung kailan mabubuhay si Bidasari; kinausap si Bidasari nang magising – ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari – ikinagalit ng sultan; iniwan si Lila Sari sa palasyo at pinakasalan si Bidasari. • Pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. • Sinapati – supling ng sultan at sultana makaraan ng ilang taon pagkatapos ni Bidasari • isang anak ni Diyuhara - nakakita kay Sinapati sa pagbisita sa Kembayat at ikinuwento sa Indrapura
Mga Importanteng Detalye ng epikong “Bidasari” • Sinapati - kamukhang-kamukha ni Bidasari. • isang anak ni Diyuhara - Kinaibigan si Sinapati at ibinalita sa kapatid niya na si Bidasari ang pagkakamukha nilang dalawa ni Sinapati. • Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. • Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa kanilang pagkakamukha. • Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. • Nalaman ng naman Sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.
Mga Batas Panlipunan ng “Bidasari” pinaalagaan ng isang hayop o halaman Kapangyarihan as reyna ng sa hari, na kaya nito utusan ang tauhan ng kaharian (feminismo) Pag-ampon ng sanggol na walang magulang magpalaganap Kakayahan na reyna ng ng lihim na gawain, tulad ng parusa at pagkulong na hindi alam na hari
n Mga Batas Panlipunan ng “Bidasari” kanya gupa pangangaso gahan maharlika, tulad ng pag-asawa ng isang sa prinsesa ng ibang lipi hari
- Slides: 25