MATALINONG PANANALITA SA MGA PAMILYA Liksyon 5 para

  • Slides: 10
Download presentation
MATALINONG PANANALITA SA MGA PAMILYA Liksyon 5 para sa ika-4 ng Mayo, 2019

MATALINONG PANANALITA SA MGA PAMILYA Liksyon 5 para sa ika-4 ng Mayo, 2019

Mayaman sa mga payo sa relasyon ang aklat ng Kawikaan. Balikan natin ang mga

Mayaman sa mga payo sa relasyon ang aklat ng Kawikaan. Balikan natin ang mga payo ng Kawikaan sa pamilya; ang mga ugnayan ng mag-asawa at mga magulang at mga anak. Pag-aasawa: Katapatan Mga relasyon Pag-uugali Mga magulang: Pagiging magulang Pag-aaral

KATAPATAN “Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang

KATAPATAN “Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis: Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila. ” (Kawikaan 5: 3 -4) Ang makadios na tao ay inilalaan (kung di pa nagaasawa) at iniingatan (kung may asawa na) ang kanyang pinakamalalim na pagmamahal at sekswal na pakikipag-ugnayan sa pag-aasawa. Ipinapaunawa ng Kawikaan 5 ang mga mapait na resulta ng mga bawal na pag-ibig. Lumalagay tayo sa panganib na di magkaroon ng buhay na walang hanggan (v. 5) Ang kakulangan sa commitment ay nagdudulot ng mahinang relasyon (v. 6) Nagdadala ito ng pagsisisi at kasawian (v. 1114) Kaya, pinayuhan tayo ni Solomon ng ikalugod ang sekswal na relasyon sa ating asawa (v. 15 -17).

MGA RELASYON “Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae

MGA RELASYON “Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay. ”(Kawikaan 21: 9) Nabubuhay sa bubong? Ang aklat ng Kawikaan ay puno ng eksaherasyon gaya nito (19: 24; 27: 14) na nagpapasigla sa atin na lagyan ng katalusan o pampatawa ang ating relasyon. Ang masayahing saloobin ay tumutulong sa maayos na pakikipag-usap. Tumutlong itong mapagaan ang mga isyu. Gayunman, hindi dapat gamitin ang pagpapatawa upang paliitin ang mga seryosong isyu. Pagtatalo, paliging pagsimangot, mga reklamo ay mga sintomas ng masamang relasyon. Kaya, ang susi sa mabuting relasyon sa pamilya ay tapat at mabait na paguusap.

“Hindi dapat subukan ng asawang lalaki o babae na kontrolin sa hindi makatarungang paraan

“Hindi dapat subukan ng asawang lalaki o babae na kontrolin sa hindi makatarungang paraan ang kanyang asawa. Huwag pilitin ang isa na sumunod sa iyong gusto. Hindi mo pwedeng gawin ito at panatilihin ang ppag-ibig ng bawat isa. Maging mabait, matyaga, matiisin, mapagbigay, at magalang. Sa biyaya ng Dios ay magtatagumpay kayo sa pagpapasaya sa isa’t-isa, gaya ng pinangako nyo sa inyong kasal. ” E. G. W. (The Adventist Home, p. 118)

“Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo

“Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. ” KATANGIAN (Kawikaan 31: 10) Ang Kawikaan 31: 10 -31 ay isang acrostic. Bawat talata ng tula ay nagsisimula sa bawat letra ng alpabeto ng Hebreo. Inilalarawan sa tulang ito ang mga katangian ng ulirang asawa. Ang bilang ng mga katangian ng asawa ay sobrang marami. Ang pangunahing ideya ay hindi para tugunin ang mga iyon, kundi upang gawin ang pinakamainam natin sa lahat ng bagay (Ecclesiastes 9: 10; Colosas 3: 23).

“Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo

“Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. ” (Kawikaan 31: 10) Hinihimok tayong magkaroon ng katangian ng asawang iyon: Mapagkakatiwa laan (v. 11) Mabait (v. 12) Masipag (v. 15) Matapat (v. 18) Maawain (v. 20) Maaasahan (v. 25) Ang susi sa pagkakaroon ng katangiang iyon ay ang pagkatakot sa Dios (v. 30). KATANGIAN

PAGIGING MAGULANG “Sa pagkatakot sa Panginoon ay matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga

PAGIGING MAGULANG “Sa pagkatakot sa Panginoon ay matibay na pagkakatiwala: at ang kaniyang mga anak ay magkakaroon ng dakong kanlungan. ”(Kawikaan 14: 26) Ano ang dapat na ugali ng mga magulang ayon sa Kawikaan ? Una dapat ang pamilya bago ang trabaho (15: 27) Maging matiyaga at kontrolin ang damdamin (12: 16; 15: 1) Disiplinahin ang iyong mga anak at wag abusuhin ang kapangyarihan (16: 6) Maging tapat at igalang iyong asawa (5: 18) Sundin si Jesus at magpagabay sa Salita ng Dios at pag-ibig (30: 5) Ang matalinong mga asawa at magulang ay nagpapatulong sa Dios upang makagawa ng tamang desisyon.

PAG-AARAL “Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig

PAG-AARAL “Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan. ” (Kawikaan 13: 24) Upang lumago ng tama, kailangan ng maliit na puno ng suhay, kalinga, at proteksyon. Ganun din ang mga bata, kailangan nilang madisiplina mula pagkabata upang magkaroon ng tamang pag-uugali (Kawikaan 19: 18). Patuloy na pag-ibig at pagtatyaga sa pagtuturo ang susi sa pagsaway at nakakaligtas na pagdisiplina, kasama ng patuloy na halimbawa. Apektado ng kasalanan ang mga magulang at mga anak, kaya mahalagang humingi ng gabay at kapangyarihan sa Dios upang turuan at gabayan sila tungo kay Kristo.

E. G. W. (The Adventist Home, cp. 23, p. 160) “Magiging pagpapala sa sambahayan

E. G. W. (The Adventist Home, cp. 23, p. 160) “Magiging pagpapala sa sambahayan ang pagsimpatiya, pagtitiis, at pag-ibig sa pakikitungo sa mga anak. Mapapalambot nila at masusupil ang mga ugali ng mga nangangailangang maging masayahin at tahimik. Nagpapasarap at nagpapabuti ang presensya ng bata sa tahanan. Ang batang pinalaki sa pagkatakot sa Dios ay pagpapala. Ang pagkalinga at pagmamahal sa mga umaasang kabataan ay umaalis sa ating magagaspang na ugali, ginagawa tayong mapagmahal at maawain, at may impluwensyang magdudulot ng mas mainam na paguugali sa atin. ”